Chapter 18: True Love

0 0 0
                                    

Marviel Kismet Chen's Pov

(I'm already excited to be back to you, Queen) napangiti ako sa voice rocord na sinend ni Ten

Napailing na lang ako habang pigil mapangiti

Pabalik na ako sa hospital at hindi ko na sila napigilang umalis. Pero sabi ni Tita 1 week or 2 na lang daw sila doon at para na lang bisitahin ang grandparents nila

Aaminin kong kinakabahan parin ako sa pag-alis nya. Pero wala na kaming magagawa. Kaya sana mali na lang ng akala si Ten..

I'll take the risk of being judge as a selfish person. Pero kahit kailan hindi ako magsisisi na pagbigyan si Ten. Lalo na kung para maligtas at mapasaya sya.

Kung kaya kong ibigay ang ikasasaya nya. Then so be it. Hindi din naman sya mahirap mahalin. Mahal ko na nga siguro sya eh.

Hindi ko mapigilang mapahawak sa labi ko ng maalala ang pinagsaluhan namin kanina at napangiti

Ramdam ko ang pagwawala ng puso kong parang gusto ng wasakin ang buto ko sa dibdib

Kalma lang puso. Baka atakihin ako sayo..

Pumikit ako at ng kumalma. Pinili kong magreply sa message nya at nagpadala din ng voice message

"Ako din, King. Miss na kita agad" nakangiti kong record at send

Napansin kong napatingin saakin si Manong na ikinahiya ko

"Ok lang po yan ma'am. Bagay naman po kayo" tukso nito

Idinaan ko na lang sa mahinang pagtawa ang hiya ko.

Si Ten kasi eh!

----------------------------------

Asan na kaya sila? Dapat nakalapag na sila sa oras na ito ah.

Hindi ko tuloy maiwasang kabahan habang nakahiga sa lapag katabi si Mira

Napagdesisyunan kasi naming matulog ng magkakasama dito sa kwarto ni Kara.

Nakahiwalay naman ang kutson ni Rodnie saamin, bilang nag-iisang lalaki.

Sa huli napagdesisyunan ko na lang bumangon at lumabas ng kwarto.

Wala din naman eh. Hindi talaga ako makatulog sa kakaisip kay Ten

Ni reply o ano kasi wala ito. Habang paulit-ulit na nagrereplay sa isip ko ang sinabi nyang hula sakanya

"H-hindi.. babalik sya. Nangako syang babalik sya" napailing turan ko sa sarili para mawala ito sa isip

Baka nalate lang ang landing nila. Okaya hindi sya nakapagcharge, lowbatt kaya ganun.

Tama yun nga. Mamaya-maya magvivideocall din sya

Nagdesisyon na lang akong pumunta sa rooftop ng hospital. Nadaanan ko pa ang nurses station pero walang tao doon. Kaya hindi na din ako nakapagpaalam kay Ate Daisy

Makikita naman nila ang CCTV kung sakaling makatulog ako doon

Gusto ko lang talaga magpahangin..

Nang makarating sa rooftop agad akong sinalubong ng malamig na hangin. Kaya napayakap na lang ako sa sarili ko

Sana pala nakapagdala ako ng jacket. Pero tinatamad na akong bumaba ulit kaya tiniis ko na lang

Pumunta ako sa sulok ng rooftop kung saan may ginawa silang garden. Yun ang isa sa paborito kong lugar ng hospital. At walang kahit na sino ang niyaya ko dito..

Kahit nga sila Thomas at Ten..

Simula ng makita ko ang lugar na to. Naging paborito ko na.

Pag-upo ko sa damuhan agad kong nilabas ang librong dala ko at binasa ito.

#2 CWS: Make You StayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon