Marviel Kismet Chen's Pov
"Kamusta ka na?" nakangiting tanong ni Kara
Sa wakas, natapos din ang punishment ko. kaya naman nabisita ko agad sila ni Mira
Close na pala silang dalawa, sayang wala pa rin kasi akong kasama sa Crazy ward. Kaya kailangan ko paring magpunta dito sa cardio ward
"Ayos lang naman, ganun parin. Bigla-biglang nakakatulog" kibit-balikat ko
Medyo bothered din ako sa nangyayari, hindi naman ako ganito dati, tapos may mga nakakalimutan pa ako. Tulad ng nangyari last week kung saan daw bigla nalang akong nahimatay at si Thomas pa nagbuhat saakin papunta sa Emergency room dahil nauntog pa ang ulo ko sa bookshelf
Pati tuloy si Mommy at Daddy nagpanic. Hindi ko din maalala ang ginagawa ko ng oras na yun, kaya lalo akong nag-aalala
"Mukhang naiistress ka. Try mo kayang kumausap ng doctor? Yung pwede kang payuhan" komento ni Mira
Buti pa sya mukhang nagbabakasyon lang, nakadekwatro pa habang nagbabasa ng libro eh
"Ganun na ba kalala ang mukha ko?" pout ko
Alanganin namang tumango si Kara "Medyo. Pero wag kang mag-alala, cute ka parin" ngiti nya na ikinangiti ko din
Umupo sya sa tabi ni Mira at nagsimulang iligpit yung mga librong binasa ng magaling kong kapatid.
Hindi man lang marunong magligpit eh
Tama nga ako na mabait talaga sya, sa ilang araw na nakakausap ko sya. Mas nakikilala ko din sya, mahiyain din sya nung una kaya nagka-ilangan kami. Buti nalang at deretsong magsalita si Mira. Kaya sya ang naging way para maging friends din kami
"Wag mong sinasabihan ng cute yan. Baka lumaki pa ang ulo" sabat ng bitter kong kapatid
Tinignan ko sya ng masama na ikinatawa ni Kara
Nakakainis din ito eh, hanggang cute lang naman hinihingi ko. Tanggap kong hindi ako maganda
"Aalis na nga lang ako, baka bullyhin mo pa ako lalo" alis ko nalang
Hindi ko na din hinintay pa ang pagsagot nila at mabilis na lumabas. Narinig ko pang tinawag ako ni Kara, pero hindi ko nalang sya pinansin at bumalik na sa ward ko
Inaantok nanaman ako, nakakainis naman kasi wala akong makasama-sama sa ward. Wala tuloy akong makausap
Sana naman may mabaliw at ipunta sa crazy ward. Kahit isa lang...
--------------------------------------------------
Miracle Destiny Chen's Pov
"Nakaalis na?" tanong ko kay Kara at binaba ang librong props ko
"Yup" thumbs up ni Kara na ikinangiti ko "Ang galing mong umarte, pero wag mong masyadong galingan, alam mo naman ang mangyayari sakanya kapag umatake sakit nya" dagdag nya pa kaya napabuntong-hininga ako
Alam ko naman yun, pero hindi namin magagawa yung surprise namin sakanya kapag nandito sya
Sa kulit ng babaeng yun, madali nyang malalaman ang sekreto namin
"Bilisan nalang natin baka bigla syang bumalik" ngiti ni Kara na ikinatango ko
Buti nalang at nakilala sya ni Viel, nagkaroon ako ng instant best friend na handa akong samahan kahit saan. At ito nga, balak naming lumipat sa crazy ward para makasama ko ang makulit kong kapatid.
Pumayag din naman si Kara na samahan ako para daw magkakasama kaming tatlo. Kaya yun ang magiging surprise namin
Mabilis ang mga kilos naming nag-impake, nakiusap na kasi kami kay Mommy na lilipat kami, at pupunta nalang dito kung may check-up o anuman.
BINABASA MO ANG
#2 CWS: Make You Stay
RomanceIf dreams do come true, then shouldn't I supposed to stay awake whenever I want?- Viel How do you make someone to stay with you? are you supposed to wait or do some things? or just simply say... "What do I gotta do to, Make You Stay?" * * * * * * *...