Chapter 13: Fight For Her

0 0 0
                                    

Marviel Kismet Chen's Pov

Nagtataka pero napangiti ako ng pagmulat ko ng mata. Si Thomas ang nakita ko.

Mahimbing itong natutulog, habang mahigpit pero hindi masakit na nakayakap saakin. Pansin ko ding sa braso nya ako nakaunan. Kaya hindi ko mapigilan ang puso ko sa pagwawala

Ganito ba ang pakiramdam ng mga babaeng napapangasawa ang taong mahal nila?

Napailing agad ako sa naisip

Erase, Erase, Erase! Ano ba naman tong iniisip ko?

"T-thomas.." marahan kong yugyog sa balikat nya

Pero mukhang pagod na pagod sya, dahil hindi man lang sya nagising agad

Wala pa naman sigurong bagong pasyente? Patay kasi kami kay Mom kapag meron.

"Masyado ka na bang naiistress sa pag-aaral?" kausap ko nalang sakanya ng mapansing nagkaroon sya ng eyebags

Alam kong matalino sya, kaya nga kahit 14 years old palang kami, nasa second year college na sya eh. Pero..

Nag-aalala ako sa health nya. Lalo na ngayon

"Sana naman alagaan mo parin ang sarili mo. Kumain ka sa tamang oras at matuto kang magpahinga" marahan kong haplos sa buhok nyang magulo palagi

Yun ata ang nagustuhan ko sakanya eh. Ang cute kasi. Mukha syang walang oras magsuklay. Pero ang gwapo nya parin

"I love you" mainit ang pisnging turan ko

"Hmmm" lalong nag-init ang pisngi ko ng humigpit ang yakap nya sa bewang ko dahilan para mas mapalapit din ang katawan ko sakanya

Lalo ko ding natitigan yung labi nyang mapula. Ano kayang pakiramdam nun?

U-umayos ka, Viel! Hindi maganda yang iniisip mo

Gustong-gusto kong batukan ang sarili sa naisip.

Bad nga kasi yun!

P-pero. Pwede naman diba? Magdadasal nalang ako mamaya sa kasalanang gagawin ko?

Napatingin ako sa labi nyang nasa tapat lang ng noo ko. Tsaka ko dahan-dahang inangat ang katawan para hindi sya magising...

Konti nalang..

Konting-konti nalang...

Mabilis kong pinikit ang mata!

"Hmm" ramdam kong galaw nya na ikinabilis ng tibok ng puso ko

Paktay kapag nalaman nya yung muntik ko ng gawin!

Bumitaw ang isang kamay nya na nakayakap sa bewang ko at parang may inabot sa bedside table, kaya ramdam ko ang mainit nyang hininga sa noo ko

"Ayoko pang pumasok.." rinig kong tinatamad na turan nya, at yumakap ulit saakin. "Tulog ka parin?"

Muntik na akong mapasinghap sa tanong nyang yun, buti nalang napigilan ko

Wala namang sasagot na tulog, kaya nagkunwari nalang ako

Sana ngayon ako makatulog, narcolepsy naman! Bakit wrong timing ka palagi?

"Gising na, Kismet. Hindi na ako papasok ngayong araw kapag gumising ka. Sige na. Give me a reason to relax, kahit ngayon lang.." malambing at parang nakikiusap na turan nya

Kaya para makompleto ang akting ko. Dahan-dahan ko ding minulat ang mata ko

"T-thomas?" kunwaring bunggad ko na ikinangiti nya

#2 CWS: Make You StayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon