Marviel Kismet Chen's Pov
"What the hell are you thinking young lady?!" galit na sermon ni Mommy. Napangiwi ako "Bakit ka lumabas ng hospital? And what are you even doing outside?!" halos umusok na talaga ang ilong nito sa galit
Napatingin nalang ako sa sinabi nilang babaeng tumulong saakin ng mawalan ako ng malay at nginitian ito
They said, may nagnakaw pa daw saakin pero hinabol ng Father nya na police? Cool! Gustong-gusto ko pa naman sanang maging policewoman. Kung wala lang akong sakit eh
"Are you even listening to me?!" tanong ni Mommy na nakapagpagising saakin at agad ding tumango
Nakalimutan kong sinisermunan pa pala ako. Hays
Buti nalang wala dito sila Thomas at Ten. Kundi madadagdagan ang bungangang mag-iingay sa tenga ko
"That's enough, Hon. I think our daughter learned her lesson" sa wakas awat din saakin ni Daddy
"Anong enough?!" Sabi ko nga hindi pa tapos to. Binalingan nya ako "Simula ngayon may magbabantay na sa labas ng kwarto mo. 2 weeks na hindi ka lalabas dito" Punishment again?
Aray naman!
"But Mom--"
"No buts. Kung ayaw mong madagdagan ang araw" she cuts off na ikinapout ko
"Then, can I atleast thank the people who saved me?" I cut her off too
Gusto ko sanang matawa ng makitang namula lalo ang mukha ni Mommy sa pagpipigil ng galit nya. Pero wag nalang. Baka madagdagan yung week na hindi ako makalabas, exercise ko na nga lang ang pag-ikot sa hospital eh
Mukhang doon lang din napansin nila Mommy at Daddy yung babae at ang Daddy nitong nakaupo sa sofa.
Sa sobrang busy nilang sermunan ako.
"Thank you, I'm Doctor Mackenzie Robert Chen and this is my wife Doctor Giavanni Fate Chen. So if there's anything you need, please don't hesitate to ask us" masiglang bow ni Daddy
Well he may not always be around like Mom. Pero mas maluwag sya saamin. Specially in terms of scolding. Mas malalang magalit si Mommy
"W-walang anuman po yun, ginawa lang po ng Papa ko ang trabaho nya at masaya din po akong tumulong sa kapwa" bahagyang lingon pa saakin ng babae, habang nakangiti
"What's your name?" napangiting sabat ko
Ramdam kong mabait sya, kaya gusto ko syang maging kaibigan.
"Kara, Kara Saki Konami" nakangiting sagot nya
Nakangiting napatango ako at bumaling ng tingin kila Mommy at Daddy
"Dad, Mom. Tulungan nyo sila in terms of health ah" napangiti din naman si Daddy na tumango. Habang si Mommy tinignan lang ako na parang sinasabing wag akong makulit, dahil galit pa sya. "Kung magpapacheck-up kayo. Dito nalang, kahit sino sa pamilya nyo. Pumunta lang kayo dito sa room ko" dagdag ko pa, ignoring Mom's look on me
Napatingin ako sa Father ni Kara ng magtaas ito ng kamay.
"H-hindi sa may hinihingi akong kapalit sa pagtulong. Pero, may alam ba kayong magaling na doctor sa puso?" tanong nito.
Tinuro ko naman agad si Mommy. Na mabilis akong sinuway
Ayaw nya kasi ng tinuturo sya
"My Mom, she's a cardiologist" sagot ko
Napatingin din tuloy sila kay Mommy na parang nahihiyang ngumiti.
"Bakit po Mr. Konami? May sakit ba sa puso ang isa sa pamilya nyo?" makikita naman ang pag-aalala sa mata ni Mom
BINABASA MO ANG
#2 CWS: Make You Stay
RomanceIf dreams do come true, then shouldn't I supposed to stay awake whenever I want?- Viel How do you make someone to stay with you? are you supposed to wait or do some things? or just simply say... "What do I gotta do to, Make You Stay?" * * * * * * *...