Years later
Marviel Kismet Chen's Pov
"Viel, pinapatawag ka ng pinsan mo" seryoso ang mukhang labas ni Papa
Tumango na lang ako kahit kinakabahan.
Tinignan ko muna sandali ang mga kaibigan ko bago pumasok sa kwarto ng pinsan kong si Iryll.
"Iry..." mahinang tawag ko na ikinalingon nya saakin
Nanghihina sya dulot ng aksidente.
Bumangga ang sinasakyan nila ng boyfriend nya sa puno. Pareho silang malala ang tama sa ulo, mabuti na lang at gising na si Iryll
"V, wag mo ng pakainin si Kara mamaya ha.." mahinang bilin nito na ikinakunot ng noo ko
A-anong sinasabi nya?
"Bakit naman?"
Pero imbes na sumagot ngumiti lang ito na nagbigay ng kahulugan ng ibig nyang sabihin.
Napailing ako at ramdam kong tumulo agad ang luha sa mata ko
"H-hindi na ako makakatagal, V. Sabi nila Ate Doc may bleeding daw sa ulo k-ko" malungkot pero pilit parin nitong ngiti "Kaya.. tutuparin ko na ang usapan natin" dagdag nyang tuluyan kong ikinaiyak
"Iryll naman.." pilit kong punas ng luha ko "Pag-asa lang ang gusto kong ibigay mo kay Kara. Hindi ko naman gustong totohanin mo. Kaya please wag mo tong gawin. Lumaban ka.." makaawa kong hawak sa kamay nya
Umiling sya "We both know about Kara and Mira's Deadline" tukoy nya sa sinabi nila Mama na dapat may donor na sila as soon as possible or they might not be able to make it in their twenties "This is my own choice, V" rinig kong dagdag nya pa
Nalulungkot akong iiwan ako ni Iryll pero malaki din ang pasasalamat kong matutulungan nya si Kara.
Si Kara na walang ginawa kundi ang samahan at maging mabuting kaibigan saamin..
"Thank you.." napaluhod na turan ko "You don't know how grateful but in pain I am right now" amin ko
"I know, mula pagkabata natin tayo ang magkakasama. You became my sister when your sister was forced to live in this hospital. So I'll always be willing to help you" malungkot ding tumulo ang luha sa pisngi nya "I just want to ask you for a favor.." she smiled trying to cover her tears
"Anything" tango ko
It's the least I can do for her..
"K-kapag nakilala mo si Braille, yung boyfriend ko.. kapag nagising na sya. Tell him to be happy for me. Samahan mo sya if possible at sana.." may piyok ang boses nyang tigil "Sana magawa nya paring makahanap ng babaeng papakasalan nya. Makakasundo mo sya kung makikilala mo" she added
"Kung makapagsalita ka naman, Couz parang ano" hindi ko mapigilang mapangiwi ng maisip na minamatch nya kami
Mahina syang tumawa
"Possible, Kaugali nya si Ten" pabirong sagot nya pero alam kong totoo yun
"I'll befriend and guide him. Pero hindi ko mapapangakong magugustuhan ko sya sa paraan na gusto mo" honest na pangako ko
Kung may magkakagusto man sa kaugali ni Ten. Si Lanie o Mira yun.
"That's good enough for me knowing na nanjan ka" parang kalmado ng ngiti nya
Habang unti-unti syang pumipikit
"Don't worry about us, Couz. Hindi ito ang huling pagkakataon na magkikita-kita tayo" I assure her
BINABASA MO ANG
#2 CWS: Make You Stay
RomanceIf dreams do come true, then shouldn't I supposed to stay awake whenever I want?- Viel How do you make someone to stay with you? are you supposed to wait or do some things? or just simply say... "What do I gotta do to, Make You Stay?" * * * * * * *...