Xiera Santiago's Pov
"Rodnie ano na?" kinakabahang tanong ko kay Rodnie na busy sa pagtatype sa computer ng Mama nila Viel at Mira
"Konti na lang.." tutok lang at seryoso ito sa ginagawang pagbabago ng mga tests ng kambal
"Hindi mo pwedeng baguhin ang blood type namin. Magtataka sila Daddy" paalala ni Mira sa kanan nito
"Oo hindi ko binago. Yung size lang ng puso nyo. Ginawa kong mas malaki yung kay Antukin" ngisi nito
Hype talaga to kahit kelan, si Viel palagi inaasar.
"Yun lang ang babaguhin?" tanong naman ni Lanie sa tabi ni Mira
Habang si Ollie at Daniel ang nagbabantay sa labas.
Kasama kasi ni Kara ang mga magulang ni Viel at kinukumbinse itong wag ng ituloy ang heart transplant
Sana lang makumbinse din ni Kara ang mga ito, anak parin naman nila ang dalawa. At dapat lang na maging pantay sila sa pagmamahal sa mga anak nila.
"Tapos na!" ngiting-ngiting anunsyo ni Rodnie
Napatingin naman kaming lahat sa screen at napangiti din ng tumango si Mira
"Guys, bilisan nyo na sabi ni Alex pabalik na sila" pasok ni Ollie na agad naming ikinatayo
"Rod yung computer!" utos ni Mira na agad ding pinatay ni Rodnie
Mabilis ang mga kilos naming binalik sa ayos ang mga upuan at nagpaunahang lumabas.
"Dito dali!" turo naman saamin ni Daniel sa storage room
Nagduduty ito ng mga oras na yun sa cardio ward. Kaya nagawa nya kaming tulungan.
Para kay Ollie haha!
"Dito muna kayo. Sasabihin ko pagnakapasok na sila Doc" paalala nito na ikinatango na lang namin
Kung hindi man makumbinse ni Kara ang magulang ng dalawa, atleast nabago na namin ang resulta. Kaya sobrang liit na lang ng posibilidad na matuloy pa ang plano nila
"Sana gumana ang ginawa natin" nag-aalalang turan ni Mira
"Gagana yan. Pero babatukan ko si Sleepy sa ginawa nyang ito" seryosong sagot ni Ollie na ikinatawa namin
Halata naman kasing concern sya, pero dahil mali nga ang ginawa nung isa hindi nya parin palalagpasin
"Sige patulugin mo sya" payag din ni Mira na ikinatawa ulit namin
"Uy wag naman. Yung sakto lang" tanggol ni Zealan
"Nanay ka talaga ata ni Sleepy eh" asar ni Ollie
"Pwede, at si Ollie ang Tatay" dagdag ko din
Tinignan ako ni Ollie ng masama pero imbes na matakot natawa na lang kaming lahat
Agad din naman naming tinakpan ang mga bibig para matigil ang pagsigaw ng biglang bumukas ang pinto ng pinagtataguan namin
"Nakapasok na sila, Tara na" bunggad ni Kara na ikinahinga namin ng maluwag
Bakit naman kasi nananakot eh! Hype talaga..
-----------------------------------
Marviel Kismet Chen's Pov
Huminga muna ako ng malalim bago pumasok sa kwarto namin ni Mira.
Tama si Lanie ng sabihin nyang hindi ko kailangan mag-isa. At alam ko na din ang ibig sabihin ni Mira ng sabihin nyang 'nandito lang sya'
BINABASA MO ANG
#2 CWS: Make You Stay
RomanceIf dreams do come true, then shouldn't I supposed to stay awake whenever I want?- Viel How do you make someone to stay with you? are you supposed to wait or do some things? or just simply say... "What do I gotta do to, Make You Stay?" * * * * * * *...