Chapter 25: To Be Continued

0 0 0
                                    

Marviel Kismet Chen's Pov

Deretso lang ang tingin ko habang nasa kotse nya kami at papunta daw sa isang resto.

Buti na lang talaga at nagbihis pa ako. Yun lang hindi ganun kagarbo.

Walang make-up ang mukha ko at nakalugay lang ang buhok kong mabilis magulo.

Nakaputing bestida ako na hindi na umabot sa tuhod ko ang haba at doll shoes na puti.

Wala naman akong heels at ayokong nagsusuot nun. Masakit sa paa at bumabagal akong sumipa kung sakali.

"Gumanda ka lalo, Kismet" puri nyang ikinalingon ko

"Bakit hindi ba ako kagandahan dati?" seryoso ang mukhang tanong ko

I don't plan to fall for his tricks again. Kung iniisip nyang mababalik namin sa dati ang relasyon namin. Nagkakamali sya.

As much as possible gusto ko ng protektahan ang puso ko.

Lalo na sakanya.

Sya lang ang may kakayahan na saktan ako ng sobra..

Mahina naman syang tumawa na parang biro ang sinabi ko.

"I mean--"

"I know what you mean" putol ko

Kung dati mabait ako at nakuha nya agad ako. Ngayon hindi na.

Natahimik naman sya at nagpatuloy nalang sa pagdadrive.

Mabuti naman.

I must admit na baliw parin sakanya ang puso ko. Pero hindi ko hahayaan na makita nya yun. Na masaktan nya lang ulit ako.

Bumalik din naman ang ngiti nya ng lumiko kami at nakita ko nga ang resto na sinasabi nya.

Nanlaki tuloy ang mata ko ng mabasa ang pangalan.

~MancaChen Restobar~

What the?!

"Pinatayo ko habang nasa States ako. Nagtrabaho ako habang nag-aaral, tapos lahat ng sweldo ko inipon ko para mapatayo yan" proud ang ngiting saad nya

"Bakit may Chen? Nag-invest sila Mama?" tanong ko

Mahina naman syang natawa habang umiiling. Namula din ang magkabilang pisngi nya na parang nahihiya sa sasabihin.

"I want to think that this is our resto. Katulad ng pangarap natin dati nung mga bata pa tayo.." sincere na titig nya sa mga mata ko

Pakiramdam ko tuloy tinutunaw nya yung yelong nakabalot sa puso ko.

Ahhh! Hindi pwede ito.

Naalala ko tuloy yung tinutukoy nya. Yun yung mga bata pa kami at naglalaro kami ng bahay-bahayan.

Inaya ko silang tatlo. Kasama si Iryll...

* * * * *

"Sabing ako ang tatay!" nakasimangot na pilit ni Thomas

"Hindi nga! Ako" pilit din ni Ten

"Ang pangit mong tatay. Dapat aso ka!" bara nitong muntik ko ng ikatawa

Pagdating kasi sa pambabara walang nananalo kay Thomas. Kung sino man ang babarahin nya napipikon agad. Kaya ayokong awayin eh.

"Tumigil nga kayo!" mariing saway ni Iryll na ikinalingon ng dalawa sakanya "Si Marviel ang tatay. Ikaw Kurt ang nanay. Kami ni Timothy ang Tito at Tita. Kung pupunta pa mga kapatid mo dito sila mga anak tapos!" Turo nya samin isa-isa na ikinalaki ng mga mata namin

#2 CWS: Make You StayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon