Marviel Kismet Chen's Pov
"Saan si Kara?"
Lahat kami napalingon sa bagong dating na pinsan ko.
"Nasa cardio ward" sagot at balik ko sa cp kung saan kausap ko si Thomas
Kinikwento nya kasing inaantok na sya habang nagdidiscuss ang prof nya. Kaya natatawa na lang akong ginigising sya
[Kaya mo yan. May prize ka kapag hindi ka nakatulog] reply ko
[Talaga? Ano kaya yun?] may nagtatakang emoji sa dulong reply nya na ikinahagikgik ko
Napatingin pa ako sa mga kasama ko sa kwarto na may kanya-kanya ding ginagawa.
Buti na lang. Kundi mang-aasar ang mga ito.
Except kay Ollie na man-hater sesermunan ako haha!
[Kung anong gusto mo basta kaya kong ibigay ;)] reply ko
[Sige, sunduin kita jan mamaya may pupuntahan tayo] sagot nyang ikinaexcite ko
Saan kaya?
[Sige magreready ako at papaalam kila Mommy]
Hindi ko na napigilan ang paglawak ng ngiti ko nang magreply sya ng kissing emoji
Nagsend din ako ng heart at kiss emoji tapos yung nakatakip ang mukha kasi nahihiya
Ehh sa bago lang to sakin!
Si Thomas lang nakagawa ng ganito saakin. Mabilis na tumitibok ang puso ko na parang kinakabahan. Pero gustong-gusto ko
Isang taon na mula ng mawala sila at magkaaminan kami. Pero hanggang ngayon hindi parin namin nakaklaro kung kami na ba o nililigawan nya parin ako..
"Sabi na at si Doc eh"
Agad nanlaki ang mata ko paglingon kay Iryll na nasa likod ko na pala at nakikibasa na
"Privacy naman, Couz" agad kong yakap ng cp na ikinatawa nya lang
"May pa-privacy ka pang nalalaman. Para sa kaalaman mo alam ng buong school ang tungkol jan" pitik nya sa noo kong ikinagulat ko
Mahina din namang natawa si Lanie. Sya ang pinakamalapit sa pwesto namin, bilang nakaupo sya sa floor habang naglalaro sa sariling cp. Kaya siguradong narinig nya kami
Love triangle" bulong nya na narinig namin ni Iryll
Natawa naman ang baliw kong pinsan sa sinabi nito
Anong love-- oh!
Si Ten gusto ako, ako gusto si Thomas at si Thomas sakin, Love triangle nga.
"Told ya" asar ng makulit kong pinsan
"Heh! Bawal paring makibasa" hindi parin nagpatalong takip ko sa cp
Natawa nalang ang dalawa sa ginawa ko
Natigil lang kami ng malungkot na pumasok ang kakambal ko
Wait, what's wrong?
"Oh bakit ganyan ang mga mukha nyo?" tanong ni Xiera
Lumapit kaming lahat sakanya na umupo sa sofa. Habang nakatayo lang at tulala si Kara sa tapat ng pinto.
"Binigyan kami ng deadline.." mahina pero parang isang malakas na suntok nitong sagot
Si Zealan na kararating lang at nasa likod lang ni Kara nabitawan ang bag na agad kong ikinalapit sakanya
"Anong ibig nyong sabihin sa deadline? Mamamatay kayo?!" gulat na tanong ni Ollie
BINABASA MO ANG
#2 CWS: Make You Stay
RomanceIf dreams do come true, then shouldn't I supposed to stay awake whenever I want?- Viel How do you make someone to stay with you? are you supposed to wait or do some things? or just simply say... "What do I gotta do to, Make You Stay?" * * * * * * *...