Chapter 3: Kara Saki Konami

1 0 0
                                    

Marviel Kismet Chen's Pov

"Hey sistah!" masayang bati ko sa kakambal kong si Mira pagkapasok sa kwarto nya

Syempre suot ko na din yung uniform nya dito sa hospital

Ang saya eh, imbes na party-party since graduation ko. Dineretso nila ako dito sa hospital at pinaadmit. Kaya ngayon may free entrance na ako sa kwarto ng kakambal ko

Ang layo din pala nitong cardio ward sa crazy ward. And speaking of my ward, bet ko yung pangalan ng ward ko. Parang masaya eh

Yun lang, kabaliktaran nun ang mismong ward. Solo ko pa kasi. Wala pa atang narecruit ang mga doctor at nurses doon. Sayang!

"Oh, bakit ka nakasuot ng ganyan?" kunot-noong tanong nito ng mapansin ang suot kong puting pajama

Yun kasi ang suot ng mga pasyente dito, well pagkakaiba sa cardio ward. May design silang puso sa left side ng dibdib nila na parang see through ang mga puso nila. Habang sa crazy ward ang maliit na emoji na mukhang ewan. Sa tapat mismo ng bulsa sa kanang dibdib

Mukhang ewan, kasi mukha syang... naiihi, tapos nakapagpalabas sa kung saan kaya guminhawa ang mukha, at the same time nagwacky pa dahil sa kahihiyan hahaha!

"Syempre kasi dito na din ako titira" proud na sagot ko

Ayoko man, pero wala akong magagawa, well atleast makakasama ko si Mira dito. Nakakamiss din sya eh

"Huh?" takang tanong pa nito

Pero imbes na sumagot, niyakap ko nalang sya

Mukhang hindi nya alam ang tungkol sa sakit ko. Ayaw siguro syang mag-alala nila Mommy at Daddy.

"Sasamahan kita, pero sa crazy ward ako" tawa ko lang

Hindi na din naman na sya nagtanong pa, siguro naisip nyang ayokong pag-usapan. Mabuti din yun. Para hindi nya ako alalahanin

"Kumain ka na ba?" tanong nya saakin di kalaunan

Umiling nalang ako.

Sa totoo lang talaga, hindi na din ako nakakain simula ng sabihin ni Mommy na dito na din ako titira, although mag-aaral parin ako at bibisitahin ako ng teacher ko dito sa hospital.

Hindi parin ako makakalabas, so parang nagmove-in na talaga ako sa hospital sa lagay kong to. Masaklap talaga

"Tamang-tama. Nagluto si Nana kanina ng paborito natin" ngiti nya at hinila na ako palapit sa mini-dining room ng kwarto nya

VIP din kasi ang room nya dito eh. Parang condo lang. May kwarto, dining room, kitchen at banyo. Meron din pala syang sala

"Naks! Parang palagi akong pupunta dito ah" masayang komento kong ikinatawa ni Mira

Madalang syang tumawa, pero palaging ako ang dahilan. Ganito ang buhay ng komedyante

"Tama yan, para palagi din akong may kasama. Nakakaboring mag-isa" pout nya pa

Ako naman tuloy ang natawa.

Malamang mag-isa edi boring talaga

"Hindi mo pa naman siguro kinakausap ang sarili mo dito, diba?" biro ko

Pero tinignan nya lang ako ng masama, kaya natawa nalang ulit ako

Mukhang malapit na!

"Kumain ka nalang jan, baka yung plato pa ipakain ko sayo" balik pagsusungit nya

Napailing nalang akong napangiti at kumain na nga kami

Hay, ang masungit na Mira. Hindi parin sya nagbabago

#2 CWS: Make You StayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon