Chapter 24: After The Rain

0 0 0
                                    

"Tulog pa ulit sya?" rinig kong tanong ni Ollie sa labas ng kwarto

Kakalabas lang ni Mira sa isiping natutulog ako.

Pupunta ulit sila kay Boy. Ilang araw na din mula ng dumating sya at hindi ko alam kung paano pero naging malapit na sya kay Mira.

Siguro dahil sila na palagi ang nagkakasama. Nung una sinasabi nya pa saking ayaw nya sakanya. Pero palagi nya din namang sinasamahan ngayon..

Crush nga siguro nito haha.

Hindi ko maiwasang huminga ng malalim at subukan ulit irelax ang katawan ko.

Malapit na ulit mag-January..

Death anniversary nanaman nila Ten..

Napapikit na lang ako ng maramdamang may gustong tumulong luha sa mata ko.

Nakakainis talaga! Ilang taon na pero eto parin ako.

"VIEL!!!"

Agad akong gumawa ng ingay para sabihing hindi ako makagalaw

"Viel!" lapit din naman ni Zealan na tinignan ko ng saklolo

Akala nila kasi tulog pa ako. Pero hindi lang talaga ako makagalaw at umatake ang sleep paralysis ko.

Parte ng pagkakaroon ng narcolepsy

"Konting tiis lang. Nandito lang ako, akala namin natutulog ka pa. Buti nalang inutusan na ako ni Kara na puntahan ka" malamig ang kamay na hawak nya sa kamay ko

Pinilit ko namang ngumiti para ipakitang ok ako. Kahit kasi pagngiti mahirap gawin. Parang lahat ng muscle sa katawan ko hindi gumagana kapag umaatake ito.

At nangyayari lang ito sa tuwing malapit na ang Death Anniversary nila..

Ilang beses na nila akong naaabutang nagkakaganito kaya sanay na din sila. Pero alam kong nag-aalala parin.

"O-ok na" mahinang turan ko ng maramdaman ko na ulit ang daliri sa kamay kong gumalaw

Kasunod nun nagalaw ko na din ang kamay at braso ko. Hanggang sa nakaupo na ako sa kama na inalalayan pa ni Zealan.

"Tubig mo" abot nya sakin ng baso ng tubig na nasa lamesa lagi.

Tabi ng kama ko.

"Salamat" tanggap ko at uminom.

Maswerte parin ako at nandito lang sila palagi para samahan ako.

"Alam kong wrong timing. Pero gusto ko lang sanang malaman.." hindi makatinging saad nya "Sino yung sinsabi ni Lanie na humahabol sayo nung nahimatay ka?"

Ramdam kong mabilis na tumibok ang puso ko sa tanong nyang yun.

Oras na din siguro para sabihin sakanila...

"Crush ko yun. Nakita kong nandito sa hospital kaya nung nakita ko tinakbuhan ko" mahinang tawa ko

Konti lang naman.

Ewan ko kung tinuturing pa akong kaibigan ni Thomas. Pero ito lang ang naiisip kong sagot para mapaliwanag ang koneksyon namin.

"At hinabol ka nya ng makita ka?" lito ang mukhang tanong nya

Kaya napangiti akong tumango "Gusto sigurong makipag-usap. Pero sa hiya ko tumakbo ako. Feeling Cinderella eh" biro ko

Natawa din naman sya.

"Akala ko kung sino na. Hinanap pa sya nila Mira nun kasi bubugbugin nya daw" kwento nyang ikinatawa ko

Sa laki na ngayon ng katawan ni Thomas. Imposible na yun. Kaya na nya sigurong lumaban ngayon.

#2 CWS: Make You StayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon