Timothy Range Pantanor's Pov
"Grabe nakakapagod pa lang magdate pero masaya" hagikgik ni Lanie at gigil na niyakap ang teddy bear na binigay ko sakanya
Napangiti naman ako
Masaya akong napapangiti ko sya. Pero malaking parte parin sa isip ko ang kagustuhan na sana pumayag na si Viel. Para sakanya din naman kaya gusto kong dumito
"Teka Baby. Scarlet ba yung nakalagay doon?" turo nya sa isang maliit na kwarto dito sa mall
'Scarlet Fortune. To know ones future is power'
Yun ang nakasulat sa karatula nito sa taas ng pinto.
"Mukha. Kilala mo?" takang tanong ko
Excited naman itong tumango
"Balita ko magaling daw syang manghula at nakakakita pa ng multo. Tara try natin?" excited na aya nito kaya pumayag na lang din ako
Ayoko ding humindi kay Lanie dahil ayoko syang nalulungkot. Napalapit na din kasi sya saakin.
She may not be Marviel. But she's still special to me. First girlfriend ko din sya
Hinawakan nya ang kamay ko at pumasok nga kami sa store na mukhang kwarto na madilim. At tanging lampara sa gilid lang ang nagbibigay liwanag
"Timothy at Lanie" nakangiting bati ng babaeng hindi ko napansing nakaupo sa tapat ng lamesa
Hindi ko ito maaninag ng mabuti. Pero base sa nakikita ko nasa early thirties na ito
Ok...
Kilala nya kami?
"Sabi sayo magaling sya" nakangiting bulong saakin ni Lanie
Napatango na lang ako. Mukha nga
Umupo na lang kami sa upuan na nasa tapat ng lamesa nito.
Hindi ko din maiwasang kabahan.
Paano kung hindi ko magustuhan ang sasabihin nya?
"Ang sasabihin kong hula ay pwedeng literal o pwedeng parabula" seryoso nyang tingin sa mga mata namin.
Lalo na saakin, na ikinakaba ko lalo
Tinatakot nya ba talaga ako?
Manghuhula sya pero baka kaya nya ding mabasa ang nasa isip ko. At alam nyang kinakabahan ako kaya pinagtritripan nya na lang ako.
"Sige po ma'am. Ako po muna ah" volunteer ni Lanie
Tumango din naman ang babae at inabot ang kamay na parang gustong hawakan ito
"Lalaki" napangiting sambit nito "Lalaki ang magiging anak mo. Mula sa lalaking mamahalin mo at mamahalin ka. Marami kayong pagdadaanang pagsubok. Wag kang susuko" payo nitong ikinangiti din ni Lanie at tumango "May mga oras na bababa ang tingin mo sa sarili mo. Pero maniwala ka sa sarili mo at may mga taong nanjan lang palagi para sayo. Mga tunay na kaibigan.."
"Sila Kara at Viel" nakangiting sambit nito
Napangiti din ako sa naisip nito
"Love will heal all pain, as it can also bring agony to ones heart" malalim na payo nito bago marahang bitawan ang kamay ni Lanie
It's true tho. Love can bring a lot of pain but it's also the one thing that can make a person so happy
"Ten ikaw na" bahagyang bunggo ng balikat ni Lanie
BINABASA MO ANG
#2 CWS: Make You Stay
RomanceIf dreams do come true, then shouldn't I supposed to stay awake whenever I want?- Viel How do you make someone to stay with you? are you supposed to wait or do some things? or just simply say... "What do I gotta do to, Make You Stay?" * * * * * * *...