Marviel Kismet Chen's Pov
"Mukhang problemado ka" napatingin ako kay Ollie habang napatingin din naman saamin ang iba
Tambay muna kami sa kwarto ni Kara at maraming pagkaing pinadala ang Papa nito.
"Makareact naman, Oll? Papaalala ko lang may Narcolepsy po ako kaya antukin talaga ako" depensa ko pero palpak ng napahikab ulit ako
"Lokohin mo Lelang mo" walang ganang sabat ni Mira "Humihikab ka kapag nagsisinungaling at madalas kontrolado mo na pagtulog mo. Naiistress ka kapag ganyan kaya sabihin mo na" dagdag nya
Ito ang mahirap kapag may kapatid kang nakakakilala sayo.
Takte talaga.
Hindi ko naman gustong ikwento sakanila yung tungkol kila Ten. Baka isipin nila makapal ang mukha ko. Lalo na nandito si Mira.
Hindi ko alam kung may epekto pa ba sakanya si Ten. Pero ayokong banggitin sya
"Wala nga. Pero inaantok talaga ulit ako kaya punta muna akong kwarto" kaila ko at dali-daling umalis
Habang naglalakad hindi ko parin maiwasang isipin ang dalawa.
These past few days panay ang dalaw nila. Tapos bigla na lang tumigil. Si Thomas. Gabi-gabi tumatawag naman at nagkwekwentuhan kami. Inaalagaan nya din kasi si Tita kaya ok lang.
Sana nga gumaling na si Tita. Kahit isang malaking milagro yun. Hihilingin ko pa rin
Nasa tapat na ako ng pinto ng kwarto namin ng tumunog ang phone ko
Pagkakuha ko sa bulsa nakita kong si Thomas ang tumatawag na agad kong ikinangiti
Parang nawala agad ang antok ko at napuno ng saya ang puso kong sinagot ito
"Yes Doc?" pabirong bati ko
Pero agad ding nawala ang ngiti ko sa sumunod na sinabi nya..
"Kismet, Wala na si Mama.." umiiyak ito sa kabilang linya
What??
Pakiramdam ko nanigas ang buong katawan ko.
For a couple of seconds wala akong magalaw. Hanggang sa nagcollapse na lang ang katawan ko
"VIEL!!!" huling narinig kong boses ng mga kaibigan ko
------------------------------------
Timothy Range Pantanor's Pov
"I thought you broke up with her already?" bagsak ni Mama ng pictures na kasama ko si Lanie sa coffee table na ikinatigil ko at ng mga kapatid ko
"Ma, I can explain" mahinahon pero kabadong sagot ko
"You should! What natuto ka na bang magsinungaling dahil sa babaeng yan?!" she accused
"M-mom-" akmang sabat ni Ben
"Shut it! Hindi ikaw ang may issue dito wag kang makialam!" putol agad ni Mom
"Ma, alam kong galit ka. To explain my side, yes nagbreak na kami at ngayon nagkabalikan ulit. I hadn't told you again kasi hindi ko alam kung paano at baka nga maging ganyan ulit ang reaction nyo"
I get it. She was just concern na baka nasasaktan ako. Pero sobra naman na ata ito?
It was my decision to get back with Lanie. Hindi na yun sinabi ni Viel.
"Kahit na. Break up with her" hindi man pasigaw pero ramdam ko ang pag-uutos na hindi dapat sinusuway sa boses nya
"Gusto kong malaman bakit? Mabait naman si Lanie and I like her" pilit kong pagpapakatatag
BINABASA MO ANG
#2 CWS: Make You Stay
RomanceIf dreams do come true, then shouldn't I supposed to stay awake whenever I want?- Viel How do you make someone to stay with you? are you supposed to wait or do some things? or just simply say... "What do I gotta do to, Make You Stay?" * * * * * * *...