Chapter 15: Chaos In Love

0 0 0
                                    

Timothy Range Pantanor's Pov

"Wait, what?!" gulat at hindi makapaniwalang sagot ni Ken at Ben pagkatapos kong sabihin ang lahat

Mula sa paghihiwalay namin ni Lanie, pag-amin ko na I want Viel back, at mahal ko parin sya.

"So let me get this straight? Anong naging reaction nya?" Si Ken ang unang nakahuma

"She said that she will still love me. Na handa syang tanggapin ako if ever magbago ang isip ko" malungkot kong sagot

Nagiguilty din ako kasi parang pinaasa ko sya. Oo at minahal ko naman talaga sya. She made me happy. At sya ang first girlfriend ko. Pero si Viel talaga eh..

Pero wala na akong choice kung sakali mang totohanin ni Mama ang banta nyang aalis kami kapag hindi ko hiniwalayan si Lanie

Basta ang alam kong masaya ako kasi naipaglaban ko na din si Viel. Sasabihin ko na lang

Napalingon ako kay Ken ng tapikin nya ang balikat ko "You did the right thing" tipid ang ngiting binigay nito

"I agree. Kung mas matagal, mas masasaktan lang din sya" dagdag din ni Ben

Pero kahit ganun naaawa parin ako kay Lanie..

"So what's your plan?"

Gulat kaming tatlong napatingin sa pinto kung saaan nakatayo si Papa

"K-kanina pa kayo jan, Pa?" hindi ko maiwasang kabahan

Will He tell Mom everything?

"Yup, but don't worry. Tutulong ako" tingin nya saakin at kumindat

Para akong nakahinga ng maluwag knowing that we have our Father's support

"I'm gonna court her and this time gagawin ko ang lahat makuha ang atensyon nya" determinadong sagot ko

I love her.

Nothing can ever change that.

----------------------------

Marviel Kismet Chen's Pov

"I told you to stay out of stress, Kismet. Yan ang pinakamahirap na kalaban ng sakit mo" nag-aalalang sermon saakin ni Thomas

"I told you I'm fine" hindi ko mapigilang hikab

Peste!

"Liar" tawa nito "Kung si Pinocchio humahaba ang ilong kapag nagsisinungaling. Ikaw humihikab"

Natawa na lang din ako

"Does that mean I'm no longer a real girl?" pabirong tanong ko

Tumawa din naman sya habang hinahain ang nilutong kare-kare

Hmm my favorite!

"Your not really a girl now, Kismet.." seryosong turan nyang ikinalingon ko. Para lang matulala sa lapit ng mukha nya sa mukha ko "You're a woman, a beautiful lady if I will be honest"

Ramdam ko ang pabilis na pabilis na tibok ng puso ko. Konting-konti na lang din mawawala na ang v!rginity ng labi ko.

Juskupo!

Manyak na ispiritu layuan mo ako! Wag mo akong tuksuhin. Marupok ako!

Hindi ko alam kung namamalik-mata ako o ano. Pero parang lalo pang lumalapit ang mukha nya sa mukha ko

H-hahalikan nya ba ako? I-ibig bang sabihin gusto nya din ako?

Hindi ko na napigilan ang sariling mapapikit.

#2 CWS: Make You StayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon