Chapter 14: We're leaving

0 0 0
                                    

Marviel Kismet Chen's Pov

"Sunod-sunod ata paglabas mo? Hindi ka ba inaantok?" walang emosyon pero alam kong nag-aalalang tanong saakin ni Mira

"Hindi naman" iling ko "Besides hindi naman ako lalabas ng hospital. Sasamahan ko lang si Tita Tera kay Doctor Clade"

Nagpatuloy lang ako sa paglagay ng phone at tablet ko sa bag ko. Nandoon na din ang gamot at wallet ko sakaling mapagastos o lumabas kami ni Tita

"Fine, basta mag-iingat ka. We'll just be at Kara's room" paalam nito na tinanguan ko na lang

Nang matapos sa paglalagay ng gamit. Chineck ko nalang ito one more time bago isara at isabit sa balikat ko.

Simpleng tshirt, pantalon at rubber shoes lang ang suot ko. Para makagalaw ako ng komportable. Habang nakaponytail ang mahaba at medyo nakukulot kong buhok

Straight naman kasi buhok ko. Kumukulot lang sa kakatulog ko

Sana hindi umatake ang sakit ko. Ayokong maistress si Tita Tera

Nang masigurong wala na akong nakalimutan. Lumabas na ako.

Napalingon pa ako sa kwarto ni Ollie, kung saan madalas pumasok si Kuya Daniel ng ganitong oras

Nanlaki ang mata ko ng makita si Ollie na patakbo papunta sa kwarto nya

Paktay kapag nasa loob si Kuya!

I have to do something..

"OLLIE!" malakas na tawag ko

Actually ito ang first time na in-approach ko sya ng walang nag-utos. Hindi ko tuloy alam ang sasabihin

Tumigil din naman sya at sakto lang dahil nasa tapat na sya ng pinto nya

V, think!

Tumakbo naman ako palapit sakanya na may pilit na ngiti

"Gusto ko lang tanungin kung.." napaisip na tigil ko

"Kung?" tipid na ngiti nya

Pansin kong hindi nya naman ako tinatakot, kaya pinilit ko ding kumalma

Mukha naman talaga syang mabait. Actually sila ni Xiera. Sila nga ang tumulong saakin ng umatake ang sakit ko eh

"Kung tapos ka na sa session mo, parang ang bilis eh" hindi ganun kalakas pero hindi din ganun kahinang sagot ko

Enough lang para marinig sa loob kung nandoon nga si Kuya Daniel

"Ah eh--" kamot nya sa batok

"Miss Yadao"

Sabay kaming napalingon sa boses na yun at nakita nga namin si Doc Cassandra

"Sabi ko hindi pa tapos ang session natin. Pagbalik ko wala ka na" seryoso at katulad ni Mira may kasungitang sermon nila

"K-kasi doc--"

"Doc kasalanan ko po" sabat kong ikinalingon nila saakin "Nagugutom po kasi ako. Tinext ko po si Ollie para magpasama, at para makakain din po sya. Sorry po nakalimutan kong session nya" yuko ko pa para hindi nila makita sa mata kong nagsisinungaling ako

Bilang pinakaclose na kaibigan ni Papa. Alam ko na din kung paano makahalata ng pagsisinungaling si Doctor Cassandra. And that's by looking at someone's eyes

Ramdam kong tinignan ako ni Doctor Cassandra bago sya bumuntong hininga na parang sumusuko

"Fine, session ended. Pero wag nyo ng uulitin" paalala nito

#2 CWS: Make You StayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon