"Hoy Alphonse, saan naman tayo pupunta?" tinatamad na tanong ni Roswald sa akin habang naglalakad kami sa labas ng bahay namin habang dala ang lumang dress na nahanap ko sa cabinet ko.
"Since sasama na rin ako sa prom, kailangan ko ng masusuot. And I mean na dapat maganda iyong susuotin ko," saad ko ng may maliit na ngiti.
"Huh? Magsusuot kapa ng maganda? Eh, diba pagbubuhatin kalang ng mga bag nung isa pang kaibigan mong Lucy?" deretsahan niyang saad.
"Aray naman Roswald! Nagbibihis ako ng maganda para walang tumingin sa akin ng mababa, since minsan sa prom nakikita kung gaano ka ka-successful sa buhay," ani ko at nakita ko siyang lumutang sa harapan ko habang unti-unting nilalapit ang kaniyang mukha sa akin.
Napabuntong hininga siya sa mukha ko at sinabing, "Eh? Kailangan mo pa bang magpaganda? Eh, maganda ka na naman," na nagdahilan sa pag-init ng aking mukha at napatingin sa ibang direksyon.
"K-kung ano anong pinagsasabi mo dyan..." Ani ko at dere-deretsong naglakad hanggang sa malagpasan kona siya.
Humabol siya sa akin at nanahimik nalang naglakad sa tabi ko hanggang sa pinalinis ko ang dress at paguwi namin.
Tahimik parin siya at hindi ko maalis ang pakiramdam ng pagkairita, dahil siya ang parating nagsisimula ng conversation namin at ngayon...Sobrang tahimik niya, bakit ganun?
"Bakit ang tahi-tahimik mo naman?" bigla namang lumabas sa bibig ko ang mga salita kaya napatingin siya sa akin.
"Yung sinabi mo sa aking kahapon na prom...hindi ko siya masyadong ma-imagine dahil hindi panga ako nakakakita ng ganun..." Ani niya habang may mahinang pagngiti sa kanyang mukha.
Tumaas ang isang kilay ko at tinanong siya, "So anong point mo?"
"Gusto ko kasing malaman kung paano ito ginagawa ng mga taong buhay. Para magkaroon tayo ng chansang ma-experience ang prom," ani niya.
"Tayo?"
"Oo, ikaw at ako, tayo!" saad niya at lumapit nanaman sa mukha ko ng may kumikinang na ngiti.
"Gusto ko kasing makasayaw ka, Alphonse," sabi niya at naramdaman kong uminit ang aking mukha kaya huminga ako ng malalim para itago ito.
"Bakit ako? Wala naman akong charisma para magkaroon ako ng ka-date sa prom, at tsaka, hindi lang naman ako ang babae sa mundo," saad ko habang napakamot sa aking ulo.
"Ano bang sinasabi mo? Para sa akin malakas ang charisma mo, at dahil doon sa curse nating dalawa ikaw lang ang babaeng nakikita at nakakasama ko," ani niya sabay hawak sa aking kamay.
Namula ang aking pisngi sa kaniyang sinabi at napabitaw sa kaniyabg kamay, "H-huh? Bakit wala bang ghost na babae sa Boundary?"
"Well....wala, since ang boundary ay para lang sa mga souls na hindi pa nakakapasok sa Gate. Madalas kasi nakakapasok agad iyong mga namatay doon sa gate, kaya rarely kalang makakakita ng ghost sa Boundary," paliwanag niya.
"...Ah ganun ba," ani ko at tumahimik ulit kaming naglakad pauwi ng bahay.
Habang naglalakad ay chineck ko ang aking cellphone at nakita ang mga post ng kaklase o kamagaral ko sa eskuwelahan namin na nakasuot ng kanilang damit at akbay-akbay na ang kanilang mga kadate, kahit na mage-exam muna bago magkakaroon ng prom!
Unbelievable....
Napabuntong hininga nalang ako habang tinitignan ang mga babae sa kanilang bonggang mga dress...Andami nilang pera.
"Huwag kang magalala," biglang nagsalita si Roswald sa likuran ko na ikinagulat ko ng kaunti at halatang nakita niya iyong tinitignan ko sa cellphone ko.
BINABASA MO ANG
Curiosity In The Boundary
FantasyWhat does dying feel? Does the death think of the living? Is it painless in death? Sa halos walong taon sa buhay ni Alphonse, ito lamang ang mga katanungan na hindi masagot. Nakatira siya sa isang apartment sa halos na dalawang taon na, pamilyar na...