CHAPTER 11

53 12 1
                                    

Biyernes na kaya bumalik na ako sa dating moody at walang pakeng tao, nasa classroom na kami ng adviser ko ngayon. Nag-discuss sya ng kanyang lesson at akong si walang pake nakatingin nanaman sa kalawakan.

"Dika na naman nakikinig," saad ni Roswald sa akin habang nakalutang ng baligtad sa ere.

"Wala akong pake,"

Tumunog ang bell at kami'y nagsitayuan na, "Hoy! Hoy! Hoy! Hoy! Teka lang! May announcement ako, upo!" sabi ng masungit nameng teacher.

"Sa susunod na linggo bago ang bakasyon-"

Ay oo nga pala, magbabakasyon na nga pala hindi ko man lang napansin dahil sa dami ng mga bagay na nasa isip ko, ani ko sa aking sarili at huminga ng malalim.

"Magkakaroon ng prom night ang lahat ng estudyante," biglang nagsihiyawan ang aking mga kaklase at ako'y nakikinig pero wala akong pake.

"Manahimik!" sigaw ng aming teacher at tumahimik ang klase.

"Pero magkakaroon muna kayo ng test ng mga napagaralan ninyo ngayong buong taon," at nagsidaing naman ang aking mga kaklase dahil sa kanilang narinig.

Test? Tsk, lagot tayo dito...

"That's all, magsilabasan na kayo," sabi ng aming guro at sabay-sabay kaming lumabas papuntang cafeteria.

"Ano yung prom night?" biglang tanong ni Roswald na may inosenteng mukha.

"Para syang isang celebration kung saan magpapalipas ng oras yung mga magkakaibigan and mga kasintahan," simple kong pagpapaliwanag at napa-'ah' naman siya.

Marami naman akong narinig na pinaguusapan nila tungkol sa gaganaping prom night.

"Huy pare! May kilala ka na bang yayayain?" nagusap ang mga lalaking nasa harapan ko.

Tumawa naman iyong kausap niya, "Pupunta lang ako doon para sa pagkain, wala nang date-date," naguusap ang magkakaibigan sa tabi ko habang napatungo lamang ako.

"I think I'm gonna ask Zack, well he's the heart-throb of the school after all," narinig kong sabi ni Lucy na nasa likuran ko.

"Huy teka, Alphonse!" bigla niyang tawag sa akin at tapik sa aking balikat, wala naman akong magawa at hinarap sila ng mga kaibigan niya.

"Pupunta kaba sa prom night?" tanong niya sa akin, at umiling ako. "Ha?! Sama kana! Para may tagapag-bitbit ako," sabi niya ng may ngiti.

"Sige ba. Basta may pagkain," sabi ko sa kanila.

"Ah sige, meet you nalang dun, ha, tsaka magsuot ka na rin ng dress," sabi niya at iniwan ako. Napahinga nalang ako ng malalim, siguro magsusunog ako ng kilay ngayong araw.

"Bakit ka sumagot?" tanong ni Roswald sa akin habang naka-indian sit sa ere. "Gusto kolang talaga ng libreng pagkain-,"

"Hindi kaya..." napahinto ako sa sinabi niya.

"Hindi, ganon ung sinasabi ng mata mo, napipilitan kalang no? Para hindi ka nila ipagtabuyan? Bakit mo naman gagawin iyon?" tanong ni Roswald habang tinititigan ako ng mga naaawang mga mata.

"Wala nga akong kaibigan dito sa eskuwela, aayawan kopa sila? Edi kung wala si Lucy wala na ako dito sa mundo...." Ani ko at tuloy tuloy ang lakad papuntang cafeteria.

"Hindi ko talaga minsan maintindihan ang mga tao..."

NAKAUWI NA AKO after a long day, at tinitignan ko ang aking mga kamay habang naglalakad.

"Bakit? may problema ba?" tanong ni Roswald sa gilid ng mata ko.

"Tinitignan ko lang kung kaya kong magsulat ng isang buong gabi," ani ko.

"Paano yung sa prom night?"

"Wala na akong pake doon, basta sasabay ako kila Lucy at tatapusin ko yung test ko ng mabilisan," bulong ko sakanya at binilisan ang aking lakad.

PAGKAUWI KO SA bahay agad kong tinungo ang aking desk at dinikit ang aking mga mata sa aking mga aralin at iyon lamang ang tinuunan ko ng pansin.

"Alphonse?" tawag ni Roswald sa akin, "Bakit?" tanong ko sakanya.

"Ayaw mo pang kumain?" tanong niya sakin, tumingin ako sa orasan at nakitang alas diyes na, tumayo ako sa aking upuan at pumunta sa kusina.

Kumain naman ako habang nakatitig sa akin si Roswald, "Bakit ba? hindi ako makakain ng matino dito, eh," ani ko at natauhan naman siya na nakatingin ako sakanya.

"Gusto ko lang ulit talagang pumunta ng boundary kasama ka," sabi niya habang nakasimangkot at nakalagay ang kanyang ulo sa lamesa.

Tinignan ko siya at bumuntong ng hininga, "Sige pupunta tayo doon," sabi ko ay sumaya naman siya.

"Pero pagkatapos ng prom night namin," ani ko.

"Sige ba!" excited niyang sabi habang nakangiti na hanggang tenga, nakangiti rin ako dahil dito.

"Oh nga pala, anong ginagawa nila sa prom?" tanong niya habang nakalutang sa ere.

"Doon nagsasaya lahat nung mga magkakakilala, mga kaibigan nagsasayawan at kumakain, tapos may mga kasintahan yung iba at sinusulit nila yung pagkakataon," sabi ko at inimagine ang aking sarili na ganoon, na alam kong hindi mangyayari.

"Sana makasayaw din kita..." Biglang sabi ni Roswald at nanikip ang aking dibdib, "B-bakit naman?" tanong ko habang umiinit ang aking pisngi.

"Gusto ko ulit maramdaman yung init ng katawan mo eh.." Mas lalong uminit ang aking pisngi.

"Tsaka gusto rin kitang maisayaw, hindi pa ako nakakasayaw ng isang nabubuhay eh..." Ani niya.

"Hindi pa?" napataas ang aking kilay dito.

"Namatay kasi ako ng maaga at hindi naranasan yung sinasabi mo sa aking prom...." Bigla naman siyang nalungkot at pati narin ako.

"Pero wag kang magaalala! Maisasayaw din kita, gawin mong pangako ko iyon," sabi niya ng may ngiti sa kanyang labi. Tumungo naman ako sa sinabi niya.

"Gusto kong maranasan din iyon," ani ko ng may malaking ngiti.

Curiosity In The Boundary Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon