It's been six years since nang nawala si Roswald sa aking buhay, naka-move on na ako sa kanyang pagkawala. At marami na rin akong kaibigan ngayong college student na ako at sika iyong mga tipo nang kaibigan na totoong nasa tabi ko at hindi ako ginagamit.
Ayoko nang magpagamit muli, dahil na-diskubrehan ko na mahalaga at ako kahit na ganito lamang ako. Sa mga taon na iyon sinabi na rin sa akin nila Tita kung saan nakalibing si papa, kaya binibisita ko siya tuwing Christmas para makasama na rin sa handaan sila Tita.
Magtatapos ako sa aking pagaaral at magi-ipon nang pera para mapalipat ko iyong libingan ni papa sa tabi ni mama para iisang lugar nalang ang pupuntahan ko at mas malapit.
Lumayo muna ako ng pansamantala sa dati kong nirerentahang bahay para pumunta sa college. Buti nalang at may naipon akong kaunti pang pera para maka-renta nang dorm sa tabi nung school.
GUMISING NA AKO ng maaga at masiglang nagbihis papasok sa aking college dahil ngayon ang araw kung saan magmo-move ako papuntang dorm, at hindi ako makapaghintay na makameet ng new people at maging kaibigan nila.
Pero dahil sa sobrang aga kong nagising at may oras pa ako bago dumating ang mga lalaking tutulong sa akin magmove ng aking mga gamit kaya pumunta muna ako sa sementeryo na may dala-dalang mga bulaklak.
Umupo ako sa tuyong lupa at nilapag ang mga bulaklak sa puntod ng aking nanay at sa puntod ni Roswald.
"Roswald, mama. Nakapasok na ako sa sikat na college ngayon, at inaabot ko ang pangarap kong maging doctor..." sabi ko habang nakangiti sa kanilang puntod.
"Pero pasensya na, ha, parang magiging paminsan-minsan nalang ang pagdalaw ko dito sa inyo, pero wag kayong magaalala dala-dala ko naman kayo sa puso ko..."
Ano ba iyan, ang corny naman nun!
Natawa ako sa aking sarili, huminhin ang aking mga mata habang nakatitig sa kanilang mga puntod.
"Sige ma, Roswald, aalis na ako at baka andyan na ang mga movers," sabi ko at dali-daling umalis sa kanilang puntod.
"Paalam na muna, at pangako kong hindi na ulit ako magtatangkang bumalik....sa Boundary," ang aking mahinhing sinabi at umalis na sa sementeryo.
ILANG ORAS ANG itinagal namin sa pagpapasok ng aking mga gamit sa kuwarto ko, at mas matagal nung inayos ko ang aking kuwarto.
Kinuha ko ang gitara para tugtugin ang musika ng aking nanay at naalala ko ang mga masasayang ginawa namin ni Roswald, ng bigla nalang naputol ang strings neto.
"Well....bukas na ako bibili ng kapalit," ani ko, dalawang taon ko nading hindi nagalaw iyon. Simula nung nawala si Roswald. Kaya napahiga nalang ako sa kama.
"Tapos dalawang araw nalang makakapasok na ako...." sabi ko habang nakangiti at pinikit ang aking mata para matulog na.
NASA HARAPAN NA ako ng pinaka sikat na kolehiyo para sa mga nagaaral ng medikal. Nasurpresa ako sa sobrang laki at linis ng buong lugar totoo ngang prestihiyoso siya, madami din ang taong nasa paligid.
Tinignan ko ang mapa na nakuha ko mula sa receptionist at tinignan ang kuwarto ko.
Masyadong maraming tao dun sa hallway kung saan ako napunta at halos mapunta na kami sa lata ng sardinas sa sobrang siksikan. At noong lumuwag na ng daanan nagmadali na ako dahil sa oras pero may nakabangga ako at napaupo nalang dahil sa lakas ng banggaan namin.
"P-pasensya na po miss, okay lang po ba kayo??" tumingin ako sa nagsasalita at napalaki ang aking mata.
"Roswald?!" ani ko saking sarili habang napatunganga sa kanyang itsura.
"Uhm..miss okay lang po ba kayo?" tanong niya na nagpabalik sa akin sa lupa.
"P-pasensya na rin, nagmamadali kasi ako at hindi ko mahanap iyong kuwarto k-," kinapa ko ang aking bag at napansing nawala na ang mapa ko.
"Argh! Nawala yung mapa ko!" nanggigigil kong sabi at tinapik naman ako nung lalaking nakabangga ko, kamukha talaga niya si Roswald.
"Miss, meron po akong mapa, saan po ba kayo pupunta?" mahinhin niyang tanong. "Room 38," deretsahan kong sagot.
"Ah! Magkaparehas po pala tayo ng kuwarto!" sabi niya at napangiti siya, at napangiti naman ako ng kaunti.
"Uhm... By the way, my name's Roswald Flor Fernandez," pagpapakilala niya na ikinagulat ko, aba Roswald din ang pangalan.
Is this what they call destiny? It must be!
"I'm Alphonse Alexei, nice to meet you" sabi ko at nginitian siya.
Inusisa ko ang kaniyang suot, mas magara pa ang kaniyang damit kaysa sa akin.
"Matanong lang kung pwede, matagal na po ba kayo sa eskuwela na ito?" magalang kong tanong.
Ngumiti siya at umiling, "Hindi po, ngayon lang po ako nakapunta dito. Pwede niyo na lang kuhaim itong mapa ko, kabisado ko na naman iyong structure noong eskuwelahan," proud niyang sambit.
Architecture ba iyong kurso niya? Pero parehas kami ng kwartong pupuntahan.
"Baka pwede kitang gabayan papunta sa kwarto natin," aya niya.
Tumungo ako, "Sige, maraming salamat sa tulong," sagot ko at parehas na kaming naglakad papunta sa aming kwarto.
Ilang minuto na ang nakalipas pero hindi pa rin nawawala ang mga estudyanteng nagkakagulo sa hallway, kaya nahihirapan kaming dalawang makapunta sa aming destinasyon.
Sa gitna ng kaguluhan ay mayroong malakas na nakasiko sa akin, kaya nawalan ako ng balanse.
Ulit?!
Pero ang inaasahan kong pagbagsak ay hindi naganap, dahil hinatak ako ni Roswald-- ni Flor sa aking balikat.
"Magi-ingat ka," mahinahon niyang paalala. Kaya tumayo ako at inayos ang aking sarili.
"Salamat, nanlalambot siguro iyong binti ko dahil sa kaba," biro ko sabay halakhak.
"Ayos lang iyon, gusto ko lang mag-iwan sa inyo ng magandang impresyon," wika niya.
"Huwag kang magalala, maganda iyong nahing impresyon mo sa akin," nakangiti kong tugon sa kaniya.
Niloloko mo talaga ako, Fate. Kakaiba talaga ang karanasan ng pagkabuhay at pagkamatay, magkaibang konsepto pero parehas na nagbibigay ng sakit sa puso-- sa kaluluwa.
"Maybe it'll take a long time before I'll get to see you again Roswald.... The smiles, thd memories, and my Curiosity In The Boundary will always remain in me and it will always involve you,"
--The End--
BINABASA MO ANG
Curiosity In The Boundary
FantasyWhat does dying feel? Does the death think of the living? Is it painless in death? Sa halos walong taon sa buhay ni Alphonse, ito lamang ang mga katanungan na hindi masagot. Nakatira siya sa isang apartment sa halos na dalawang taon na, pamilyar na...