CHAPTER 3

145 18 0
                                    

May naririnig akong matamis na himig mula sa madilim kong kapaligiran. Ano kaya iyon? At tsaka...na saan ba ako?

"P-parang pamilyar sa akin iyong himig..." ani ko, habang unti unting lumiwanag ang aking paligid at ang sahig ay parang malinis na salamin na sumasalamin sa aking mga galaw. Naglakad-lakad ako ng sandali sa sobrang puting lugar at may natanaw akong babae mula sa malayo na mukhang pamilyar.

Bigla nalang may tumulo sa gilid ng aking mukha at nakilala ko kung sino ang nakatayong babae, "Mama?" ani ko at lumingon sya sa aking direksyon, halos nanlamig ang aking buong katawan, parang siya nga iyon.

Unti unti syang lumapit sa akin at bumulong sa aking tainga at sinabing, "Wag kang pupunta sa boundary...." nagulat ako sa kanyang sinabi at biglang may malakas at nakakairitang tunog ang sumira sa paligid nang parang salamin.

BIGLAAN KONG BINUKSAN ang aking mga mata ng marinig ang napakalakas kong alarm, pinatay ko ito at umupo sa katahimikan ng aking kuwarto. May basa akong nararamdaman sa aking pisngi at nung pinunasan ko, luha pala ito.

Ano kaya yon? T-teka, ano nga ulit yung panaginip ko?

Unti unti kong inalala ang mga imahe na nasa isip ko at ang salitang 'Wag kang pupunta sa boundary...' Tinignan ko lang ang aking palad ng ilang minuto at kinamot ang aking ulo.

"Andami talagang nangyari ever since nung nag 18th birthday ako. Para tuloy nasa telenovela ako," ani ko sa sarili ko na may kaunting inis dahil masyado akong nasanay sa tahimik at boring na buhay.

Tumayo ako habang kinukusot ang aking mga mata, at nung binuksan ko ito nasulyapan ko ang isang pamilyar na mukha na nakalutang sa ere at nakatingin sa akin ng diretso.

Nanlamig ang aking buong katawan at naglabas ako nang sobrang lakas sigaw.

"A-ah! Ah! Alphonse! Ako ito!," sabi nya habang tinuturo ang sarili sa taranta.

"BAKIT KA ANDITO SA BAHAY?! DIBA DAPAT NASA SEMENTERYO KA?!" pasigaw kong tanong habang tinatakpan ang aking dibdib gamit ang aking kumot at nakapikit.

"E-eh...nabored na ako sa sementeryo kaya pumunta ako sa bahay mo!," saad niya na may mga matang nagmamakaawa.

"Hindi pa rin yun sapat na excuse kung bakit ka andito!" sabi ko at binato ko sakanya yung unan sa kama ko, pero tumagos lang ito sa kanyang katawan.

Nakalimutan ko, patay na nga pala sya.

"Di yan gagana," sarkasmo nyang saad kasabay nang mapangasar na tawa, kaya mas lalo akong nainis. Pero huminga ako ng malalim, hinilot ang aking sentido at tumingin sa kanya.

"Diba sabi ko sayo na pupuntahan kita ngayon, di kaba makapaghintay?," ani ko habang naiinis na kinamot ang aking buhok.

"P-pasensya na, antagal na kasi nung simulang magka-enteraksyon ako sa tao eh. Lalo na't magkaibigan na tayo," sabi niya at umupo sa taas ng aking drawer.

"Umalis kana muna dito..." Malamig kong saad at narinig ko ang kanyang daing.

"Ehh?! Hindi na ako makahintay sa sagot mo, ehh," ani nya habang nagiinarte sa ere.

"May napaniginipan ako..." Tumigil sya sa pagaarte nya at pinakinggan ako.

"Sabi nung nanay ko sa panaginip ko na...wag akong pupunta sa Boundary," sabi ko ng may pagkalungkot sa aking boses.

Narinig ko naman syang huminga na parang may sasabihin, "So susundin mo yung panaginip mo?" tanong nya sa akin.

"Huh?"

"Susundin mo yung panaginip mo?" ulit niya.

"M-malamang, baka maging lugar ng kamatayan ko iyng pagpunta doon sa Boundary. At tsaka hindi ko pa nga alam sa sarili ko kung safe ako doon," paliwanag ko habang niyakap ang aking sarili.

Curiosity In The Boundary Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon