CHAPTER 6

70 12 2
                                    

Naglalakad kami sa gubat at hindi man lang ako makatingin ng maayos kay Roswald at hindi ko alam kung bakit.

This feels so awkward...

Napapansin ko naman na padilim na ng padilim ang aming paligid, natakot ako at lumapit ng kaunti sa tabi ni Roswald. "Anong oras na ba tayong andito?" tanong ko ng mahinhin.

"Ngayon mo lang iyan tinanong sa akin since nakapasok tayo dito. Mga dalawang oras na tayong andito," saad niya habang tinignan ko naman ang paligid.

"Baka kailangan ko nang bumalik sa mundo k-"

"Mamaya-maya na, may isa kapang makikita ngayong araw," sabi niya ng may ngiti.

"Sure kaba na mabagal ang takbo nang oras sa labas?" nagaanlinlangan kong tanong.

"Edi hindi dapat tayo nagtagal dito kung alam ko iyon, kasi may pake ako sa iyo," sabi niya, parang nangati naman bigla ang aking tainga ng sinabi niya iyon.

Napunta kami sa isang open space na parte ng gubat, umupo siya at tumingin sa kalangitan. "May makikita kang napakaganda ngayong araw," bulong niya sa akin. Sinundan ko ang kaniyang tingin at nanlaki ang aking mga mata sa gulat.

Unti unting dumilim and dugong pulang langit at may mga malabituing kumikinang sa taas ng kalangitan namin, nakita rin namin na may umiilaw na malaking mga insektong kamukha ng firefly pero magenta ang kulay ng kanilang balat at buong katawan nila mismo ang umiilaw na nagreresulta sa malakumikinang na kulay sa kalangitan.

Kumikinang naman ang aking mga mata habang tinitignan ang mga ito, "A-ang ganda..." Tangi ko lang sabi at napaluha ako dahil may nostalgia na dating sa akin ang ganitong senaryo, na parang nakita kona ito dati pa.

"Oh, bat ka umiiyak?" tanong sa akin ni Roswald at pinunasan ko kaagad ang aking luha. "W-wala ito... Ang ganda lang talaga ng senaryo. Parang isang panaginip lang, hindi, mas nakakamangha pa sa panaginip," sabi ko habang unti unting ngumiti.

Napatayo siya at tinignan ko lang siya, "R...roswald?" tanong ko sakanya kaya tumayo narin ako.

"Excuse me," simpleng bulong niya.

Bigla nalang niya akong niyakap ng sobrang higpit na halos mawalan na ako ng balanse.

"R-r-roswald?!" natataranta kong tanong dahil bigla nalang nanikip ang aking dibdib at uminit ang aking mukha.

"Dito sa Boundary, pwedeng maghawak ang isang immortal at mortal..." Mahina niyang saad at hinigpitan pa ng kaunti ang kaniyang pagyakap sa akin. Nararamdaman ko ang bawat malalamig niyang hingalo sa aking leeg, at bawat hingalo niya ay parang tinutusok ang aking tyan dito.

"Ang.... Ang tagal na nung huli kong maramdaman ang init ng isang nabubuhay na tao, salamat," bigla niyang sinabi na ikinagulat ko, siguro minsan sa kamatayan may mga gusto kang balikan sa pagkabuhay. Dahil hindi mona ito mauulit.

Iniisip ko palang ay sumakit na ang aking damdamin, kaya niyakap ko nalang pabalik si Roswald.

"Maraming salamat din sa iyo...Sa pagpakita mo sa akin dito sa Boundary, dahil hinihiling ko ito," bulong ko sa kanya at sabay hagod sa kaniyang malambot na puting buhok. How can he had such soft hair when he's already dead?

Tumingin ako sa itaas at ngumiti, "Siguro. Oras na para bumalik ulit sa mundo ko," mahinahon kong saad.

SABAY NAMING BINYUSAN ang gate at nakabalik na kami sa entrance ng sementeryo.

Nagunat naman ako at nilanghap ang hangin na kakaiba kaysa sa boundary. Finally home sweet home.

Tumingin ako kay Roswald na nagpapagpag ng damit, "Salamat talaga Roswald, ha," ani ko at mahinahon ko syang nginitian, "Punta ulit tayo sa susunod,"

"Sige!" tapos bigla nalang umikot ang aking paningin at napaluhod ako sa lupa.

"Alphonse!" tawag sa akin ni Roswald, hindi ko makita ng maayos ang kanyang mukha dahil parang umiikot ang aking paningin.

"W-wag kang gagalaw muna Alphonse, baka pagod lang yung katawan mo pagtapos dumaan ng Boundary," sabi niya habang unti unti kong hinihilot ang aking noo.

NOOBG NABAWI KO na ang aking paningin ay tumingin ako sa kanan at nakita ko si Roswald.

"Gising ka na, ano? Okay na ba iyong pakiramdam mo?" tanong niya habang nakangiti.

Hindi ako sumagot at unti-unting tumayo at tsaka lumakad papalayo, "T-teka! San ka pupunta?!" gulat na tanong ni Roswald.

"Uuwi na ako...Pagod na katawan ko,"

"K-k-kaya mo ba sarili mo?" nagaalala at kinakabahang tono sa boses ni Roswald.

"Kinaya ko ngang mabuhay ng mag-isa, eh, eto pa kaya?" sarkasmo kong saad pero sumasakit pa rin talaga ang aking ulo paglabas namin sa Boundary.

Bakit kaya ganun ang nangyari? Mas kinuwestiyon ko tuloy ang pagkatao ko.

NAKAUWI NA AKO ng tahimik sa paggabay ni Roswald sa akin, humiga agad ako sa aking higaan at tinakban ni Roswald ng kumot ang aking katawan, "Salamat Roswald... pasensya na kapag bigla nalang akong nawalan ng malay sa daan..." Saad ko habang dumadaing dahil sa sakit ng aking ulo.

"Wag kang magalala, kaibigan rin naman kita eh kaya natural lang iyon," ani niya ng may ngiti, he really is a good guy.

"Sige, magpapahinga muna ako..." Pahina kong saad at tuluyan nang bumigat ang aking mata at nawalan na ako nang malay.

Roswald's POV

"Tch!" galit kong saad sa aking sarili habang tinititiggan si Alphonse na natutulog sa kanyang kama.

Ang tanga ko! Ginagawa ko iyong nangyari dati!

Kinuyon ko ang aking kamao at sinilayan ulit iyong sugat sa kanyang paahan, "Ayokong mawala ka ulit, hindi ko kayang mawalan ulit nang kaibigan," bulong ko.

Dapat talaga mas marami pa ang alam ko tungkol sa Boundary. Pasensya kana Alphonse, dahil sa kawalang-bahala ko at muntikan ka nang mamatay nang dalawang beses. Pero huwag kang magaalala, iiwanan kitang masaya, pangako iyan.

"Kakaiba ka talaga, ni hindi mo man lang ako sinisi sa sugat mo..." saad ko at hinawakan ang kanyang ulo.

Pero napahinto ako nang maramdaman ang sobrang lamig na hangin, lumingon ako sa bintana pero wala akong nakita.

Siya ba iyon?

Curiosity In The Boundary Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon