CHAPTER 9

56 12 0
                                    

Martes na ngayon at nasa huling subject na kami at uuwi na ulit ako sa bahay at tutungo agad sa aking higaan. Pero nagle-lecture pa si ma'am at ang usual me ay syempre hindi nakikinig sa kanya.

At si Roswald naman ay parang interesado sa lesson namin about sa mga myth tungkol sa mga ibang nilalang tulad ng mga tikbalang, kapre at iba pa.

Bakit nga pala napunta dito ang lecture namin? Diba English subject to?

"Bakit parang interesado ka naman dito?" bulong ko sakanya ng hindi tumitingin.

"Noong buhay kasi ako mahilig ako sa mga libro lalo na sa mga kakaibang nilalang, at gustong-gusto kong makakita ng isa," sabi niya habang kumikinang ang kanyang mga mata.

"I have little interest in it, I mean naniniwala na ako dahil nakikita kita na isang multo," ani ko habang nakatingin sa labas ng bintana.

Narinig naman naming tumunog ang bell at kami'y nagsitayuan na para makauwi na kami. "Teka lang mga anak, may i-aannounce lang ako sainyo tungkol bukas," ani ng aming teacher at nagsiupuan ulit kami.

"Bukas ay shorten period, hanggang alas diyes lamang kayo, kasi may seminar ang lahat ng teacher," narinig ko namang nagsihiyawan ang aking mga kaklase pero napabuntong hininga lang ako dahil wala akong pake either way.

UMUWI NA KAMI at ako naman ay naglakad papunta sa bahay. At binato ko nalang ang bag ko sa kama ko.

"So anong gagawin mo bukas?" tanong ni Roswald sakin nang nakalutang sa ere.

"Hindi ko nga alam eh, wala naman akong maisip na pupuntahan ko, also malapit narin ang exam namin," ani ko habang nakatingin sa kisame.

"Oo nga pala, ilang araw kanang nakasunod sa akin, baka gusto mong pumunta muna doon sa Boundary para bumalik yung katawan mo," ani ko dahil napansin kong unti-unting nawawala ang kanyang katawan.

"Sige ba..." Saad niya at umalis.

Napabuntong hininga naman ako dahil sa wala akong magawa dito sa bahay, kaya nagikot-ikot ako sa bahay at nakita ko yung gitara na nasa gilid ng pinto ng dating kuwarto ni mama ito nakalagay.

Kinuha ko naman ito at pumasok sa kuwarto ko at tinugtog ito kung ok pa yung string. Matagal kona din kasing hindi nagagalaw o nagagamit ito, kahit na tinuruan ako ni mama ng kaunti tungkol dito.

Napapikit ako at tinugtog ang kantang Why Didn't You Wait For Me sa gitara.

I remember all the fun times I spend with my mom, all the sweet memories and how she suddenly dies from a car accident.

How can that even be though....

Flashback

"Mama!" ani ko habang tumakbo papunta kay mama at niyakap naman niya ako ng mahigpit.

"Tignan mo anak pawis ka na," saad niya at pinunasan ang aking mukha ng tuwalya, Ngumisi ako at hinatak ang isang rosas sa aking likuran.

"Para sa iyo ito mama!" masaya kong tugon. Ngumiti siya at kinuha iyong rosas na aking nakuha at inilagay sa kanyang buhok.

"Nakita ko iyan na nahulog sa tabi nang upuan, alam ko rin pong paborito ninyo iyan. I love you ma!" ani ko at niyakap ulit siya.

"I love you too, anak," saad niya at hinalikan ang aking noo. Ang tirik ng araw ngayong araw at kami'y nasa isang parke na malapit sa bahay at nasa ilalim ng malaking puno.

"Ma! Tugtugin nyo nga po yung music sa gitara ninyo!" makulit kong saad at ngumiti naman sya at nilabas ang gitara.

"Gustong gusto mo talaga itong kantang ito, ha,"

Curiosity In The Boundary Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon