"H-ha?" saad nung lumulutang na lalaki, kinusot ko ang aking mga mata at baka nag-hahallucinate lang ako sa pagluha ko kanina, pero nakikita ko parin siya.
Hindi ko alam kung sisigaw ba ako o maa-amaze sa nakita ko,
Multo ba itong kausap ko ngayon? Huh? I can see ghosts?! How and what the heck was that?!
"S-sino ka?! A-at tsaka.... Multo ka ba!?" natataranta kong tanong habang tumingin naman sya sa kanyang paahan at nataranta tuluyan na rin siyang nataranta.
"H-h-h-ha?! N-nakikita mo ako?!" sabi nya habang tinuturo nya ako at sya.
"Oo...Oo," mahinhin kong sabi habang nakatitig sa lalaki.
"Paano nangyari yun? Ilang tao na nakasalumuha ko pero ikaw lang ulit ang nakakita sa akin! M-may third eye kaba?" ani niya nang may gulat.
"H-hindi ko rin alam! B-bigla na lang kitang narinig na nagsasalita kaya napatingin ako sayo, t-tapos nakita kong nakalutang ka nalang sa ere!" natataranta kong paliwanag.
Teka, bakit naging kaswal na iyong pagsagot ko sa kanya?? What the hell self?!
Inikutan niya ako habang nakalutang sa ere at tumigin sya sa akin mula sa taas pababa habang nakahawak sa kaniyang baba, "Hindi ko alam kung anung nangyayari pero-" Bigla nalang siyang sumulpot sa harapan ng aking mukha at sinabing.
"Gusto mo ba akong samahan sa paglakbay sa Boundary?" imbita nya sabay ngiti sakin.
Hindi ko alam kung anong sasabihin ko pero mas nakilatis ko ang itsura nya, meron syang malalaking mata, medyo chubby na pisngi, maliit at matangos na ilong at may dimples kapag ngumiti sya, at isa pa parang mas maliit sya sa akin.
Tumingin ako sa ibang direksyon kasi sa sobrang lamig ng kanyang katawan kahit na hindi ko sya nahawakan. "B-bakit mo ako iniimbita... Ngayon mo lang ako nakilala diba? At tsaka tao ako at hindi kita ganun kakilala. At tsaka bakit sa tingin mo sasang-ayon ako, para ngang nababaliw na talaga ako ngayon, Siguro ito na iyong epekto ng pagpupuyat ko." Natataranta kong tanong dahil sandali akong nawala nung kinilatis ko ang kanyang mukha.
"'Bakit?' huh..." Bulong nya sa sarili at hinawakan ulit ang kanyang baba na parang nagi-isip.
"Kase mas masaya kapag may kasama ka? At ikaw lang ang taong nakakakita sa akin ngayon... Kaya siguro nga." Nanlaki ang aking mga mata, di ko inaasahan na iyon ang kanyang sasabihin dahil ang nasa isip ko ay ki-kidnapin nya ako at papatayin sa takot.
'Ang sama ko naman pala mag-isip...' Ani ko sa sarili ko.
"H-hindi lang 'bakit' ang tanong ko, sa tingin mo ba talaga papayag ako sa imbitasyon mo?" taka ko.
"Kasi narinig ko iyong tinanong mo dyan sa puntod ng nanay mo. Nagtataka ka rin kung ano ang itsura ng kamatayan diba?" tanong niya, na nagpanginig sa aking katawan hanggang sa aking buto.
"H-hindi kita pinagkakatiwalaan," sambit ko.
"Awww~ Please? Pretty please with cherry on top?" pagmamakaawa niya. He's as childish as his appearance.
"Teka, bakit parang ang kaswal mong kausap? Tsaka ano ba itong Boundary na sinasabi mo? At tsaka nababaliw naba ako?" Sunod-sunod kong tanong sakanya habang nag-indian sit sya na nakalutang sa ere.
"Yung sinasabi kong Boundary, yun yung tawag sa isang invisble wall na nagseseperate sa mga namatay at iba pang kakaibang nilalang sa mga buhay sa mundong ito..." Ani nya at tinitigan ako.
"B-bakit?" tanong ko.
"Tinitignan ko kung paano yung pamumuhay mo from the last 3 days na panonood ko sayo," nanlaki naman ang mata ko sa sinabi nya. "Pinapa...nood moko?" Mahina kong tanong.
BINABASA MO ANG
Curiosity In The Boundary
FantasyWhat does dying feel? Does the death think of the living? Is it painless in death? Sa halos walong taon sa buhay ni Alphonse, ito lamang ang mga katanungan na hindi masagot. Nakatira siya sa isang apartment sa halos na dalawang taon na, pamilyar na...