CHAPTER 20

58 11 2
                                    

"Sugurin sila!" sigaw ni mama at pinasabog naman nila ang maliit na kuwarto at sila'y nagsiliparan sa ere, kasama na ako.

Nakapikit ako at sumisigaw dahil baka bumagsak ako sa lupa, pero biglang may sumalo sa akin at pagbukas ko ng aking mata ay nakita ko si Roswald iyon, naramdaman kong unti-unting uminit ang mukha ko.

"Ang mortal!" sigaw ni Lyon pero may mga bruhang prumutekta sa amin at nakita kong binunggo ni mama si Lyon gamit ang kanyang lawis at napalipad siya papunta sa kabilang dulo.

"Huwag na hywag mong hahawakan ang anak ko!" ani ni mama na may galit na tono at may nakakatakot na ekspresyon sa mukha.

"Umalis na kayo dito bago pa mawala yang oras mo, batang multo," utos nya at tumungo si Roswald at itinakbo ako palabas doon sa gusali.

"Mama...!" mahina kong ani dahil sa sumasakit ang aking lalamunan at hinawakan ako ni Roswald ng mahigpit.

"Wag ka nang magsalita, Al," sabi niya sa akin at mabilis akong sumunod sa kanya.

Tinignan ko ang nasa likod namin at parang may naglalaban ng nga paputok dahil sa dami ng liwanag na umiilaw at mga pasabog sa iisang lugar lamang.

"Kumapit ka sa akin, Al!" ani ni Roswald habang unti-unting binilisan ang kanyang takbo.

"Huh?" hindi na ako nagalinlangan pa at mahigpit ko siyang niyakap sa leeg.

Tumalon si Roswald mula sa binatan nung gusali. Nasulyapan ko iyong magandang kulay at itsura nang Eclipse sa malapitang distansya.

Nahulog kami sa mga malalaking damo, narinig kong ngumiwi si Roswald pero tumayo parin siya at binuhat ako. "Roswald! Alisin mo itong tali sa katawan ko, kaya kong tumakbo," deteeminado kong saad.

Tumigil siya sa pagtakbo at ibinaba ako. Tumalikod ako sa kaniya para mai-alis niya iyong tali, at noong nai-alis niya iyong tali sa aking kamay ay agad ko siyang niyakap at ibinaon ang aking mukha sa kanyang dibdib. Na ikinagulat naman niya.

"Al..." Bulong niya at unti-unti akong niyakap pabalik.

"Takot na takot ako kanina...mukha akong kawawa, buti nalang at dumating kayo..." Mahina kong bulong at tinignan ko siya habang may luha sa aking mata.

"Salamat, Ros!" nguwa ko habang patuloy na tumutulo ang aking luha.

"Tahan na...Andito ako" bulong niya na unti-unting nagpatigil sa akin sa pag-iyak.

Pinunsan ko ang aking mukha at kinuha ang kanyang pulso, "Halika na, ilalabas mo pa ako mula dito diba?" ani ko at hinatak siya.

Ilang minuto kaming tumakbo at sa wakas ay nakaabot na kami sa invisible wall, napansin ko din ang tinatagong hingal ni Roswald.

"Ros!" pagaalala ko at pinahinto niya lang ako.

"Okay...kalang ba?" hingalo niyang tanong sa akin, at ako'y nagulat at halos mapaluha ulit sa kanyang sinabi kaua sinapak ko na lang ng mahina ang kanyang balikat.

"Tanga....Nagaalala ka pa sa akin kahit na ikaw yung nasugatan..." Sabi ko at may tumulong luha sa mata ko, tumayo naman ako at niyakap niya ako at tumigil ang aking nguwa.

"Mas nagaalala ako sa iyo, dahil na bubuhay ka pa pero patay na ako..." ani niya na nagpasaya sa akin pero nalungkot ako nang maalala ko na aalis na siya at hindi ko narin siya makikita, at hindi na rin ako makakapunta ulit sa loob ng Boundary.

Pinigilan ko ang aking sarili ng ikang segundo bago ulit yakapin si Roswald.

"Alam kong ilang minuto na lang ang itatagal mo dito, at gusto kolang sabihin na-" biglang nanikip ang aking dibdib at aking hinigpitan ang aking yakap sakanya. "-na mami-miss kita kapag nangyari iyon...." Sabi ko sabay nguwa.

Curiosity In The Boundary Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon