CHAPTER 10

42 10 0
                                    

Miyerkules na at pagkakaalam ko ay shorten lamang ngayon. Kaya na-excite ako ng kaunti sa pagpasok, lalo na't madalas ay kaunti lamang ang mga estudyanteng pumapasok dahil shorten period lamang.

ANG TANGI LAMANG naming nadiscuss this day is yung kalahati ng aming subject at nakinig ako dito dahil gusto kong kahit papaano'y may natutunan ako.

At umuwi na kami.

"Saan ka na pupunta ngayon?" tanong sakin ni Roswald.

"I decided na maglilibot muna ako ng kaunti sa paligid na alam ko bago ako umuwi," saad ko ng mga ngisi saking mukha.

"Bakit parang masaya ka ngayon?" tanong niya sakin.

"Kasi nga birthday ni mama ngayon at bibisitahin ko ang mga dati niyang binibisita bago ko sya bisitahin sa sementeryo," ani ko at pumunta muna ng bahay para ibaba ang aking bag at magbihis ng damit panglakad.

Dinala ko narin ang gitara ko at nilagay ko ito sa bag nito.

"Saan mo naman gagamitin ang gitarang iyan?" tanong ni Roswald.

"Secret," sagot ko at masayang isinara ang pintuan ng bahay.

NAGLAKAD AKO PAPUNTANG mall na malapit sa bahay namin at naglibot-libot ng sandali at pumunta sa isang key chain store at tumingin-tingin ng mga bagay-bagay.

I used to remember everytime na pupunta kami dito ni mama, pupunta muna kami dito sa key chain store, kakain at pupunta sa mga market para mag-window shopping.

Kinuha ko ang maliit na key chain na may korteng puso, "Masyadong maliit naman yan, pumili kana ng malaki-laki," sabi ni Roswald at wala akong sinabi at sinunod siya.

Nakita ko naman ang hugis gitarang key chain at tinignan ito ng mabuti. "Masyadong plain," komento ni Roswald at binitawan ko ito. At nakuha naman ng aking pansin ang isang key chain na cartoon ang itsura ng magulang na may hawak na baby.

Hindi ko maalis ang mata ko sa key chain na iyon kaya inilagay ko ito sa aking dibdib at niyakap ito ng mahigpit, this just looks like me and mama."Eto na lang yung bibilhin ko," saad ko at agad na pumunta sa counter at binili ito.

Pagkatapos kong bilhin ito ay isinabit ko na agad ito sa case ng gitara ko. Now this looks better.

UMALIS NA KAMI sa store at nagikot sa mall para hanapin ang restaurant kung saan kami dati kumakain.

"Ano naman ang gagawin mo sunod?"

"Hahanapin ko yung maliit na restaurant dito para kumain ng hapunan doon," sagot ko sakanya.

"Pero may tira ka pang pagkain sa bahay,"

"Tribute ko ito sa nanay ko okay? Kasi nga birthday niya," bulong ko sakanya.

Nakita ko ang restaurant at inorder ang usual naming inoorder doon ni mama dito, ang cheap nilang burger.

NABUSOH NAMAN AKO sa kinain ko at dali-daling umalis sa loob na ito. Tinignan ko ang oras at 12nn palang.

"Ano namang-"

"Magwi-window shopping lang naman ako, tapos aalis na ako dito," putol ko kay Roswald at pumasok sa loob nung market.

Tumingin-tingin ako sa mga bagay na alam kong hindi ko mabibili dahil sa kakulangan ng pera.

Bakit kasi kulang pa yung perang dinala ko dito?!

Nabangga naman ako ng isang babaeng mas matanda sakin dahil hila-hila siya ng kanyang anak papunta sa section kung saan nagbebenta ng laruan.

"Pasensya na, hija," paumanhin niya.

"Okay lang po iyon ma'am, sige po sundan nyo na yung anak nyo mukha pong nagmamadali na, eh," saad ko at nagpaalam naman siya sakin.

"What a lucky girl," bulong ko at napatingin si Roswald sa akin.

"Sana malaman ng anak ang kahalagahan ng isang magulang..." Saad ko at biglang sumimangot ako sa pagiisip ng ganito at niyakap naman ako ni Roswald.

"Ganito ka ngayon dahil sa mga sugat mo noong nakaraan...Wag kang magalala," saad niya at napatingin lamang ako sakanya.

"Wag kang magsisisi sa mga ginawa mo, ayokong makita kang malungkot ngumiti kana ulit katulad ng kanina, please," mahinhin niyang saad sa akin, namula ang mukha ko dito.

"Salamat Roswald, okay na ako," sabi ko at pinakawalan niya ako sa yakap niya.

UMALIS NA AKO sa mall at tinigna ko ang oras, alas dos na ng tanghali.

Pumunta ako sa parke kung saan kami minsan nagbo-bonding ni mama, at nakita ko ang malaking puno kung saan kami madalas magsilong ni mama.

It's still there.

Tumakbo ako patungo dito at umupo habang yakap-yakap ang aking gitara. Nakatayo lamang si Roswald sa aking harapan.

"I'm here mom. Remember this park?" bulong ko at pinikit ang aking mga mata. Nang biglang may narinig akong nguwa mula sa isang batang babae na nasa likuran lamang ng puno.

Dali-dali akong rumespunde at baka kung ano na ang nangyayari. At nakita ko ang parehas na babaeng nakabangga ko kanina pero wala ang kanyang nanay.

"Bata, asan na yung nanay mo?" tanong ko pero mas lumala ang kanyang pagiyak. Napanic si Roswald dahil dito.

"Pasensya na, Alphonse di ako marunong sa mga bata," ani niya at pinatunog ko nalang ako ang dila ko dito.

Why would I even ask a ghost? I'm an idiot.

"H-huwag kang magalala, tutulungan kita," nagpa-panic kong sabi sakanya pero mas lalong lumakas ang kanyang pagiyak, hindi ko alam ang gagawin ko ng bigla kong tinignan ang gitarang hawak-hawak ko.

Tinugtog ko naman ang musikang ito sakanyang harapan at unti-unting humihina ang kanyang iyak hanggang sa tumahan na siya.

Tinigil ko ang pagtugtog ko at pinunasan ang kanyang mga luha gamit ang aking mga kamay, "Anong nangyari?" mahinhin kong tanong sakanya.

"Nagalit kasi ako kay mama kasi hindi niya binili yung paborito kong laruan," sabi niya at tumutulo ang kanyang mga luha.

"Kaya tumakbo ako papalayo at dito ako napunta, nawala si mama sa paligid ko," at ngunuwa naman sya pero tinahan ko siya.

"May rason kung bakit hindi binili ng nanay mo yung gusto mo..." Saad ko sa kaniya.

"Hindi mo alam kung ilang oras siya nagtrabaho para lang bigyan ka ng barbie na hawak-hawak mo," ani ko sakanya at tumahimik naman siya.

"Anak?" tawag ng nanay ng batang nasa harapan ko at napatakbo siya sa nanay niya at niyakap ito.

"Maraming salamat talaga, hija, tsaka pasensya narin kung naabala kita," pagpaumanhin ng nanay.

"Wala pong ano man iyon," saad ko ng may ngiti.

"Maraming salamat po ate!" kaway naman ng maliit na bata habang umalis na sila.

"That feels so good..." ani ko saking sarili habang napangiti.

PUMUNTA AKO SA flower shop para kumuha ng bulaklak na iaalay ko kay mama at pumunta ako sa sementeryo.

Nilapag ko ang bulaklak, key chain at gitara sa puntod ni mama habang umupo ako sa lupa. "Happy birthday po, ma," saad ko habang umupo sa tabi ko si Roswald.

"Alam niyo ma kanina, may natulungan ako dahil sa kantang parati kong pinapakinggan. And I feel so good with myself," ani ko habang nakangiti.

"Binilhan rin kita ng key chain kasi parating ako ang binibilhan ninyo nito," saad ko.

"Maraming salamat nga pala Roswald kasi sinamahan mo ako sa pagse-celebrate ng birthday ng mama ko," sabi ko sakanya at ngumiti.

"It's fine, I just wanted to see your smiling face," ang tangi niyang saad at ngumiti sakin at nginitian ko naman siya pabalik.

Curiosity In The Boundary Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon