Dumilat ako at tinignan ko ang paligid, malabo ang paningin ko at sumasakit ang buong katawan ko nung sinubukan kong gumalaw napansin ko na nakatali ang kamay at paa ko gamit ang lubid.
May nakita akong nakatayo mula sa kalayuan at unti-unting lumapit at lumuhod saking harapan, "Rise and shine, mortal girl~," isang raspy na boses ang tumawag sa akin at nung umayos na ang aking paningin nakita ko na ang lalaking iyon ang tinatawag nilang kamahalan.
"Ikaw!" inis kong sabi as I clenched my teeth, "That's rude of you, I have a name and it's Lyon Vampire. Nice to meet you," sabi niya sa akin ng may sarkasmong ngiti.
"It's not nice to meet you..." Sagot ko at sumimangot sya at tumayo nalang sya sa kinatatayuan niya. I explore the room with my eyes, may madalim-dilim na ilaw ang naka-direct sa akin lamang at maliit ang room at may bintana sa harapan ko kung saan nakikita ko ang buwan at ang kasalukuyang nangyayaring eclipse.
Hinatak naman ako bigla papunta sa isang gilid at napansin ko na napapalibutan ako ng iba pang bampira.
"You cannot escape here, at ngayon ka naming gagawing sakripisyo, at ngayon na ang itinakdang araw!" sabi ni Lyon at biglang nagliwanag ang nasa ilalim ko at napansin ko na nasa gitna ako ng isang ritual symbol at nakapaligid sila sa simbolong ito.
"Sa eksaktong oras kung saan nagkasalubong na ang araw at buwan, doon namin sisipsipin ang matamis-tamis mong dugo," sabi niya habang dinidilaan ang kanyang bibig, nandiri ako at nainis.
Oo nga pala sila Roswald!
"Anong ginawa mo sa kaibigan ko? Sagutin mo ako!" galit kong sigaw habang nagpupumiglas sa mga lubid. Naririnig ko siya at iyong iba pang bampira na ngumingisi sa akin.
Bwisit! Mukha akong nakakaawa, ayokong magmukhang kawawa...
"Ewan ko din, eh, basta alam kolang sobra ko silang binugbog halos hindi sila makagalaw," naginit ang ulo ko at parang puputok ang ugat ko sa galit.
"Hayop ka! Dammit!" sigaw ko at halos wala akong magawa dahil hindi naman ako ganon ka-espesyal.
Roswald's POV
The castle was peaceful as the witch queen whistle with glee on her flowers at the balcony when-.
"Mahal na reyna!" sigaw ng isang sugatan na bruha dala-dala ang isa pang bruha at ako na sobrang dami nang kalmot at kagat sa katawan.
"Marga!" tawag ng reyna at sinalo sila sa ere bago bumagsak, "Ano ang nangyari?" tanong ng reyna sa kanyang tauhan.
"Si Alphonse... Hindi namin na-protektahan... Pasensya na mahal na reyna," nanlaki ang mga mata ng reyna sa galit, "LYON!!" malakas niyang sigaw na umabot hanggang sa labas nang kastilyo.
"Mahal na reyna- Marga!" isang bruha ang pumasok at tinignan ang kondisyon ni Marga, "Medic!" sigaw nung bruha at may mga bruhang pumasok sa loob at ginamot si Marga, aki at isa pang kasama naming bruha.
"Anong nangyari kamahalan?"
"....Nakuha nila ang mortal..." sabi ng reyna habang kumuyom ng kanyang ngipin. Tumayo naman siya at tumalikod mula sa kanila. "Reyna...?"
Nakatingin ako sa reyna habang ginagamot ako nang isa sa mga bruha.
"Tawagin mo ang aking mga kawal! Pupunta kami sa lugar ng mga bampira!" kanyang utos at narinig ito ng isa sa mga medic at tinawagan ang kanyang kawal.
Naging alerto ako, sinagi ko iyong kamay nung gumagamit sa akin at pumunta ako sa harapan nang reyna kahit na sobrang dami ko nang sugat sa katawan, "Hoy! Multong lalaki, huwag kang gumalaw!"
Hinila ko naman ang laylayan ng gown ng reyna, at napatingin siya sa akin "S...sasama ako, mahal na reyna" ani ko.
"Dito ka muna sa kaharian ko, tsaka masyado kanang nasugatan. Magiging pabigat kalang sa a-"
"Paumanhin po mahal na reyna, payagan niyo na po ako....ayokong makitang mamatay ulit ang isa sa mga mahal ko sa buhay habang wala akong magawa dito!" sigaw ko habang hinigpitan ang kapit sa laylayan ng dress ng reyna para mas kumbinsihin siya. At nagtitigan kami ng ilang segundo.
"Mahal na reyna! Andito na ang kawal mo!" sabi ng bruha, napabuntong hininga naman ang reyna.
"Sige, ikaw ang magdadala sa anak ko sa labas ng boundary, dahil hindi kami pwedeng lumabas doon" sabi ng reyna at napangiti ako sa kanyang sinabi at tumayo, hawak hawak ang kanyang nakalmot na braso.
"At tsaka, dalian mona. Baka maglaho ka bigla ng hindi mo pa nailalabas ang anak ko sa Boundary" sabi ng reyna at lumakad papunta sa labas ng malaking pinto kung saan nagaabang ang maraming kawal niya.
"Halika na!" sumigaw naman ang lahat ng bruhang kawal at lumipad na sila papunta sa lokasyon nila Al.
"Sumakay kana, Multong lalaki" saad nung isa sa mga bruha- si Marga.
"Sige po!" ani ko at humakbang sa kanyang lawis at sumunod na sa mga kawal at sa reyna.
Alphonse's POV
Tinitignan ko si Lyon habang mukhang manghang-mangha siya sa bintana kung saan direkta mong nakikita ang buwan, ang Eclipse.
"Ah~! Malapit na! Malapit na ang sawakas na pag-alis namin sa border~," sabi niya na parang naaliw niyang sinasabi sa sarili niya habang nakatingin sakanya ang kanyang mga taga-sunod.
"Ano ba kasing espesyal sa dugo ko! At bat gustong gusto ninyo?!" tumigil si Lyon at tinignan ako ng masama at kinilabutan ako dahil sa titig nya sa akin.
"Dimo alam? DIMO A-LAM?! Yan ang problema sa mga tao eh, nasasayang ang mga kakayahan ninyo dahil hindi nyo ito alam. Yang dugo mo, ang nagpapayag sa buong katawan mo para makapasok dito sa boundary, at kapag napasa amin iyan kaya naming lumabas at pumasok ng boundary at kaya ko ring masakop ang mundo mo," saad niya at tumawa na parang baliw.
"Kaya mas deserving ka na matuyo kaysa sa mamatay ka nang dugong yan ang nananalaytay sa katawan mo," bigla nalang nagdilim ang paligid at napangiti ng todo-todo si Lyon.
"Oras na," sabi niya at tumayo sa isang parte nung panglabas na bilog.
"Thanks for the food!" sarkasmong sabi ni Lyon at biglang lumiwanag ang paligid ko at parang tinutusok ang utak ko at nakikita ko ding nagkakaroon ng mga linya ang katawan ko at napapasigaw na lamang ako sa sakit ng biglang may narinig na nabasag na salamin at tumigil sila.
Napatingin ako at nakita ko si mama at Roswald mula sa bintana habang unti-unting lumalabo ang aking mata.
"Alphonse!"
"Al!"
"Mama.....Ro...swald..." Ani ko habang nakita silang parehas na nanginginig sa galit at nakahanda pa sa kung ano pang mas malaking mangyayari.
BINABASA MO ANG
Curiosity In The Boundary
FantasyWhat does dying feel? Does the death think of the living? Is it painless in death? Sa halos walong taon sa buhay ni Alphonse, ito lamang ang mga katanungan na hindi masagot. Nakatira siya sa isang apartment sa halos na dalawang taon na, pamilyar na...