Linggo ngayon, at wala akong ginagawa sa bahay kundi nakahiga sa aking kama at nakatingin lamang sa kisame.
"Anong nangyari?" tanong sakin ni Roswald habang nakaupo sa ere at nakatitig sakin.
"Wala lang talaga akong magawa ngayon, and the fact na ang tagal kong natulog kahapon is so irritating," ani ko habang hinihilot ang aking sentido.
Tumunog ang aking alarm clock sa aking cellphone at nakita kong tanghali na. I sighed and walk towards the kitchen, at sinundan naman ako ni Roswald.
Binuksan ko ang cabinet sa taas ng stove ko at wala itong laman, at binuksan ko rin ang refrigerator ko at wala ring laman. I sighed heavily, "My god, ngayong araw ko kailangang mag-shopping..." Ani ko.
"May problema ba sa pagsho-shopping?" tanong sakin ni Roswald na nakaupo sa taas ng lamesa.
"Oo, I hate large groups of people," ani ko ng may gigil.
"Pero tao ka rin diba?"
"Hindi ganun yung ibig kong sabihin," I automatically stopped and sighed, I've been sighing a lot this day maybe I'm really tired.
Umalis naman ako ng bahay at nagbihis ng panglabas kong damit. "Pwede ba akong sumama?" singit ni Roswald sa gilid ng aking paningin.
"Gawin mo gusto mo," ang tangi kong sinabi at ngumisi siya dahil dito.
NAGLALAKAD KAMI NGAYON sa labas ng bahay papunta sa store para bumili ng mga sangkap para sa gagawin kong ulam hanggang bukas. Nasa tabi ko si Roswald at naglalakad din siya pero tumitingin sya sa buong paligid.
"Bakit nagaabala ka dyan?" tanong ko ng hindi tumitingin sakanya.
"Minsan kasi sa mga mataong lugar na tulad nito, maraming mythical creatures na humahalo sa mga tao. Baka masasama yung iba at bigla ka nalang atakihin," ani ni Roswald, uminut naman ang aking mukha, nagaalala siya sa akin.
"Bakit naman ako aatakihin? Wala namang espesyal sa akin..." Saad ko ng napatingin sa baba.
"Ikaw lang ang nagaakala noon..." Rinig kong bulong niya.
"Ano namang ibig sabihin noon?"
"A-ah, wala naman wag mo nang alalahanin iyon," sabi niya at tumingin sa ibang direksyon.
I see him lying through his teeth what does he mean by that?
"Tignan mo iyon, Alphonse," ani niya sakin habang tinuturo ang lalaking nakacoat at nasa kabilang kalye.
"Ano naman?"
"Tignan mo lang kung saan sya pupunta," tinitigan ko ito at nung maraming dumaang tao sa harapan niya bigla syang nawala.
I gasp I didn't expect that, "Ano yun?" gulat kong tanong.
"Isa iyong doppelganger, ayon yung totoong katawan nun, oh," turo niya sa lalaking nagmamadali at nabangga ako.
"I'm sorry miss, I'm in a hurry," ani nito sakin habang may kinakusap sa telepono at umalis.
"Kapag kasi nakita mo ang sarili mong doppelganger, may masamang mangyayari sa iyo. Kaya tinitignan ko kung andito ba ang doppelganger mo," ani niya at nagulat naman ako, akala ko isang myth lang iyon pero coming from an expert sa isang ghost, baka totoo ito.
I just shake off that thought at pumasok na ako sa store na parati kong binibisita at aking naramdaman ang malamig na air-con pagpasok ko. Kaya binabalik-balikan ko itong store dahil dito sa aircon nila.
Nananahimik si Roswald sa tabi ko habang sinusuri ang mga kinukuha kong ingredient sa loob ng frozen shelf.
"Ano bang iuulam mo?" tanong nya sakin.
"Menudo,"
"Ha? Bakit naman may hotdog?"
"Para mas masarap, ayoko na puro baboy lang ang laman nitong lulutuin ko no. At tsaka ito yung nakasanayan kong luto," ani ko, tumingin ako sa ibaba.
At binulong, "Lutong pinasa sa akin ng nanay ko," at tinulak na ang aking cart papunta sa section ng liquid beverages.
Binuksan ko ang fridge at kinuha ang isang gallon ng tubig at inilagay ko ito sa cart.
"H-hindi ba mabigat iyon?" pagaalalang tanong sakin ni Roswald.
"Hindi naman, sanay na ako dito, eh," ani ko at pumunta sa counter para bayaran ang mga nabili ko.
Lumabas naman ako sa store dala-dala ang mga pinamili ko at maraming tao ang aking nakakasulobong pero nabangga ako ng isang lalaking nakablack hoodie at hindi ko makita ang kanyang mukha dahil nakayuko lang siya.
"Pasensya na..." Ang tangi nitong saad ng may malalim na boses at agad itong umalis. Nung tinignan ko si Roswald ay gulat na gulat naman siya sa nangyari.
"Bakit? Anong problema?" bulong ko sakanya at umiling lang siya.
"Wala iyon, nagulat lang ako kasi baka sumabog yung gallon ng tubig mo, sayang din kasi pera mo," ani niya at napangiti.
Pinulot ko naman ang mga gamit ko at lumakad na kami papalayo. Nakita ko namang dumungaw si Roswald sakanyang likod at tinitigan ng masama yung lalaking nakabangga ko, parang may masama akong naramdaman sa tingin niya na iyon.
BUMALIK NA AKO ng bahay at agad na pumunta sa kusina at binaba ang aking mga binili.
"HAAYSSSTT!" ang aking sigaw habang nagu-unat ng braso.
"Nakakagulat ka naman," saad ni Roswald.
"Nanggugulat ka rin naman ha?" pabalik kong sabi at ngumisi ako.
At pagkatapos kong mag-unat, nilagay ko sa bun na tali ang aking buhok at naglagay ng apron.
Sinimulan konang maghiwa ng mga gagamitin kong ingredient at iniluto ko ito at ilang minuto lamang ay tapos na ako.
UMUPO NA LANG akoat tinignan ang oras, "Ala una na pala," ani ko habang nakaupo lang sa bangko si Roswald hanggang kanina pang nagluluto ako at parang may malalim na iniisip.
"Kakain na ako," ang tangi kong sinabi at napatingin siya sakin.
Naglagay ako ng kanin at ang ulam na ginawa ko sa iisang plato at kinain ito, habang nakatitig si Roswald sa aking kinakain.
"Bakit?" ani ko sakanya habang nakakawang mata ang titig ko sakanya.
"Dati kasi niluluto sa akin niyan ng nanay ko nung buhay pa siya at ako," nanlaki naman aking mata ko dito.
"Namatay rin mama mo?" nagulat naman siya sa tinanong ko sakanya at tinakpan ko ang aking bibig dahil dito.
"I'm sorry, I-"
"No it's okay, Naka-move on na ako doon ng sobrang tagal na. Parehas kaming nabaril nung killer namin," nakinig naman ako ng maayos dito.
"Kaming dalawa nalang kasi ang magkasama ng aking nanay, iniwan naman kaming dalawa ng tatay namin at sa hindi sinasadyang pagkakataon nabaril kaming dalawa..." Kwento niya habang nakasimangot.
"I'm sorry...." Ani ko habang nakatingin sa baba.
"I told you it's okay...." At tumahimik ang paligid.
"I never knew you could cook," ani ni Roswald at nawala ang katahimikan sa aming dalawa.
"Since nawala mama ko, ako na ang nagbubuhay sa sarili ko kaya alam ko ang mga simpleng gawaing bahay tulad nito," ani ko habang kinakain ang aking pagkain.
"Alam kong medyo kakaiba itong sasabihin ko pero alam kong magiging mabuti kang asawa," ani niya, at namula ang mukha ko sa sinabi niya.
"A-anong sinasabi mo dyan!" sabi ko habang binilisan ang pagkain ko. At narinig ko naman syang tumawa.
"But I'm not joking, you're perfect as a wife," ani niya habang nakalapit ang kanyang mukha sa mukha ko at mas lalo akong namula.
Kung ano-ano nalang talaga ang minsang pinagsasabi nito ni Roswald, pero magaling na asawa? What the...
BINABASA MO ANG
Curiosity In The Boundary
FantasyWhat does dying feel? Does the death think of the living? Is it painless in death? Sa halos walong taon sa buhay ni Alphonse, ito lamang ang mga katanungan na hindi masagot. Nakatira siya sa isang apartment sa halos na dalawang taon na, pamilyar na...