CHAPTER 15

48 11 0
                                    

Pumasok kami sa isang malaking bahay na gawa sa kahoy at nakita namin ang dami ng halaman sa paligid, parang reyna ng kalikasan ang nandito at hindi reyna ng mga duwende. "Maiwan ko na kayo dito," sabi ni Grog at sinara ang pinto.

"Maligayang pag dating sa aking kaharian," isang malalim na boses ang aming narinig mula sa aming harapan, hindi ko man lang napansin ang reyna, jusko halos atakihin ako sa puso doon ha.

"Ikaw pala ang sinasabi nilang mortal," sabi niya habang nakatitig sa akin at inoobserbahan, kinabahan ako.

"At ito pala ang multong si Roswald, hmm," sabi niya na parang nakikipag-kaibigan sa amin.

"Kilala mo sya?" tanong ko kay Roswald habang tinuturo ang reyna.

"H-hindi kaya, tsaka paano ninyo nalaman iyon?"

"Matagal-tagal kanang naglilibot sa loob ng Boundary at halos nakabisado kona ang iyong mukha miski na ang iyong pangalan,"

Matagal na? Oo nga pala, di kopa natatanong sakanya kung kelan siya namatay.

"B-bakit niyo po kami pinatawag dito?" tanong ko ng may lakas ng loob.

"Dahil sa iyo, mortal na babae. Hindi mo ba alam ang nangyayari sa loob ng Boundary ngayon?" nanlaki naman ang aking mga mata.

May nangyayari sa loob ng boundary ngayon? Bakit nung pumasok kami parang wala naman?

"May nakakita sa iyong isa sa mga tauhan ko kaya inutusan ko silang imbitahan ka," ani nang reyna.

Hindi pagiimbita ang tawag mo sa paghuhuli sa akin at pagsabit sa akin sa taas ng puno! Ani ko saking isipan.

"Hindi mo ba alam?!" sigaw niya at nanginig ako sa gulat dahil doon.

"Na unti-unting nawawala ang buhay at ang katawan mo kapag-,"

"TEKA LANG-," biglang hirit ni Roswald na may takot sa kanyang mata.

"-nagtagal ka dito sa loob ng Boundary?!" biglang tumahimik ang kapaligiran. Napatingin ako kay Roswald sa sobrang gulat sa sinabi nang reyna.

"Ah lalaking multo alam mo na rin pala ang dahil dito, pero bakit mukhang gulat na gulat ang mortal mong kaibigan..." saad niya at napatingin lamang ako kay Roswald.

"A-alam mo ito?" tanong ko at hindi man lang makatingin sa akin si Roswald.

"Pasensya na....Sasabihin ko naman sana sa iyo pero mukhang naunahan ako..." Ani niya at napaiwas nang tingin sa akin.

"Mortal na babae!" tumingin naman ako sa reyna nung tinawag niya ako.

"Hindi mo ba ito alam?" tanong niya sa akin at umiling lang ako, "A-" nakuha ko naman ang atensyon ng reyna dahil dito.

"Anong mangyayari sa akin kapag nawala ako sa mundong ito?!" malakas kong tanong, napapikit naman ang reyna sa lakas ng aking boses.

"Dahil ang boundary ay nasa gitna ng mga nabubuhay at hindi nabubuhay, kapag nawala ka dito ay parang hindi ka narin nabuhay sa dati mong mundo at hindi ka rin mabubuhay sa kabilang mundo," paliwanag niya.

Just the thought of it, natatakot na ako ng totoo parang ayoko naman nung pakiramdam na iyon kahit na wala akong pakeelam sa mundo ko, may pakealam parin ako sa mga bagay na iiwanan ko.

"Pero, kapag umalis kana ng boundary hindi mona dapat problemahin iyon," saad niya na para bang binibigyan ako ng impormasyon.

"Pero mahirap lumabas at pumasok ng border ngayon, dahil papalapit na ang Eclipse,"

Eclipse? Narinig kona yun ha- Oo! May napakinggan ko sa ibang kaklase ko na magkakaroon pala ng Eclipse ngayon. So, anong mangyayari sa akin kapag hindi ako nakaabot....

"Kung nagaalala ka tungkol sa eclipse, ito ang nagpalalakas sa mga nilalang sa loob nang Boundary at mahirap ang paglabasb at pagpasok sa Boundary sa mga oras na iyon," paliwanag nang reyna na para bang inisip ang aking utak, kaya mas lalo akonh natakot.

"Wag kang magaalala, marami kapang oras bago mag-eclipse, kaya habang andito kana, umalis kana sa kaharian ko at-,"

"Mahal na reyna! May mensahe akong dala mula sa mga bruha," naputol ang sasabihin ng reyna ng biglang may pumasok na duwende at may binigay na liham sa reyna.

Binasa ito nang reyna nang ilang segundo, nanlaki ang kanyang mga mata at dinabog ang kanyang trono nung siya'y tumayo, "Paano nalaman ng mga bruha ito?!" inis niyang saad at pinunit ang liham.

"A-alam niyo naman po kung gaano kalawak ang impormasyon ng mga bruha, diba mahal na reyna?" sabi ng duwende sa reyna.

"Mortal na babae-," napatayo ako ng deretso, "Multong lalaki-," at napatayo rin si Roswald ng tuwid.

"Pinapupunta kayo ng Reyna Ng Mga Bruha sa kaharian niya," saad nung reyna na parang nanghihinayang ang tono.

Mga bruha? This time? Bakit parang may attachment ako sa mundong uto kahit na hindi ako mula rito? Ano kayang next mga taong lobo?!

"Grog! Ilabas mo sila sa harap ko," sabi ng reyna at tinutulak kami paalabas ni Grog.

"T-teka kamahalan! Hindi namin alam kung nasaan ang kaharian ng mga bruha!"

"Ah ayun ba, Grog sabihin mo kila Jug and Roq na sila ang gumabay sa dalawang iyan para sa paglakbay tungo sa kaharian ng mga bruha," at sumara ang pinto na nasa harap lang namin.

Helga's POV

"Bakit po mukha kayong problemado, mahal na reyna?" tanong ng isang duwende.

"May kakaiba sa babaeng mortal na iyon, at base sa mga bruha napag-targetan na sya ng mga bampira sa Boundary, pero bakit pinapatawag pa nila ang mortal at ayaw na lamang papuntahin sa labas na mundo ng matiwasay.....Iyong mga bruha talagang iyon," ani ko at nasira sa aking mga kamao ang hawakan ng aking trono.

"May koneksyon kaya sila doon? O baka may masama silang balak sa mortal, lalo na't malapit na ang oras nang Eclipse" ani ko sa aking sarili at napakagat nang labi kakaisip.

Alphonse's POV

Pinakilala sa amin ni Grog si Roq at Jug na kapwa duwende. "Sabi ng reyna ay gabayan niyo itong dalawang ito patungong kaharian ng bruha,"

"Basta ang reyna ang nagsabi, kami'y tutulong sa inyo!" masiglang sabi ni Jug sa amin.

"Sige na't mag-impake na kayong dalawa, at aalis na tayo pagkatapos niyo," binigyan naman nila kaming dalawa ng maliit na bag para paglagyan ng aking kakailanganin.

Binigyan nila ako ng makakain dahil mortal lang ako at nilagay ko nalang ang maduming dress ko sa bag ni Roswald dahil wala naman syang halos dadalhin.

Nasa loob ako ng opisina ni Grog at chinecheck kung may naiwan pa ako, "Mortal na babae! Bilisan mo aalis na tayo!"

"Sige po! Sandali na lang!" sabi ko at nahanap ang aking takong sa ilalim ng maliit na kama pero may aksidenteng nasagi itong lulumaing libro na may hindi ko maintindihang title pero nababasa ko ang nasa loob nito, paano nangyari yun?

"Iiwan kana namin Al!" tawag ni Roswald kaya nilagay ko nalang ang libro sa loob ng aking bag pati na ang aking heels.

Dali-dali akong bumaba sa gusali at agad na sumama sa grupo nila Roq. "Halika na, mortal" ani niya at nagsimula na kaming lumakad papunta sa aming destinasyon.

"Maraming salamat po sa lahat Mr. Grog!" kaway ko habang palabas na kami sa kaharian ng mga duwende. Huminga ako ng malalim dahil alam ko na magkakaroon nanaman ng pagsubok ang paglalakbay na ito.

Curiosity In The Boundary Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon