Bigla akong namutla at tumamlay ang aking mga mata habang tinitignan siya na ngumiti sa akin. Sinubukan ko namang kusutin ang aking mga mata para tignan kung namamalik-mata lang ako pero totoo na nasa harapan ko siya. Sinubukan ko naring pisilin ang mukha ko kung nananaginip lang ba ako.
Natawa naman sya sa mga pinaggagawa ko, "Wag kang magalala Al, di ako isang doppelganger o impostor, ako talaga ito," sinabi niya at unti-unting bumaba sa kanyang trono at niyakap ako, narinig ko naman siyang ngumuwa ng mahina.
"Pasensya na anak ha...kung iniwan kita sa mundo ng maaga, pero kailangan talaga..." Patawad niya sa akin at niyakap ko din siya, walang duda si mama nga ito yung boses niya, yung init ng katawan niya at yung amoy niya.
Buhay pa si mama! At ito ako na tinaggap na ang kanyang pagkamatay. Tapos bigla siyang andito, sa harapan ko.
"B-bakit kayo biglang namatay?!" biglaang sigaw ko sakanya at nagulat siya sa ginawa ko.
"Bakit ka andito sa Boundary? Bakit tinawag ka nilang pinuno dito? Bakit moko iniwan kahit na ayaw mo..." Halos maluha ako sa sunod-sunod kong tanong sa kanya. Dahil ito na tyansa ko na itanong sa kaniya ng direkta ang mga nararamdaman ko.
Tinignan naman niya ako ng may naawang mata at parang maiiyak na rin siya, "Pasensya na talaga....hindi mo kasi maiintindihan ang mga nangyayari, anak..."
Nainis naman ako sa sinabi niya at pumadyak ng malakas sa sahig, "Puro kayo 'Hindi mo maiintindihan iyan, dahil bata ka pa' Ayoko nang ituring akong bata! Matanda na ako! Makakaintindi na ako ngayon!" sigaw ko ng pagalit at huminga ng malalim.
Bigla niya akong niyakap at mas lalo akong kumalma, "Lumaki ka na talaga anak, hindi kana katulad ng dati-," at tinignan niya ako sa mukha.
"Proud na proud ako sa mga nalagpasan mong pagsubok noong wala ako," at tuluyan na siyang umiyak.
Tumahimik ang aming paligid.
"Ma...Bakit kayo andito?" kalma kong tanong para man lang masira ang nakakabinging katahimikan.
"Kinagagalak kong makausap ka ulit anak, pero nawawalan na tayo ng oras kaya maguusap tayo at marami akong sasabihin saiyo." Ani niya, pinitik niya ang kanyang daliri at biglang may lumutang na upuan at magandang lamesa sa aking likuran.
"Isa yan sa mga kaya kong gawin," ani ng aking nanay at ngumiti sa akin. Umupo kami at may awkward na katahimikan ang kasunod.
"Ma-,"
"Anak-," sabay naming sabi at inayos ko ang aking boses at tumahimik na lang.
"Anak, naaalala mo ba yung lalaking nakaitim na may tukang maskara?" tanong niya at tumungo ako.
"Siya ang pinuno ng mga bampira, at ang mga bampirang iyon ay tina-target ka,"
"Paano niyo alam? T-tsaka bakit naman?" kinakabahan kong tanong.
"Nakikita ko ang lahat dahil malawak ang kaalaman naming mga bruha, umaabot nga rin sa labas ng Boundary, eh, at nakikita ko ang lahat ng ginagawa mo," napangiti naman ako doon, it's good to know na pinapanood ako ng aking nanay kahit na wala sya sa tabi ko.
"Back to the topic, kaya ka tinatarget ay kasi ikaw lang ang kauna-unahang mortal na half-blood ang nakatagal sa kakaibang environment nang Boundary,"
"Teka, half-blood? Anong ibig sabihin ninyo?" napalitan ng pagkakaba ang ngiti ko sa mukha, tumahimik siya ng saglit at tinitigan ako
"Nakita mo na ako, ako ang Reyna nang mga Bruha at nananalaytay ang dugo ng bruha sa aking dugo at ikaw naman na anak ko ay half-human at half-witch pero wala kang kapangyarihan katulad ko.... Pero espesyal ang dugo mo at iyon ang gusto ng bampira mula sa iyo," paliwanag nya sa akin at unti unti ko namang natatanggap ang mga ito.
BINABASA MO ANG
Curiosity In The Boundary
FantasyWhat does dying feel? Does the death think of the living? Is it painless in death? Sa halos walong taon sa buhay ni Alphonse, ito lamang ang mga katanungan na hindi masagot. Nakatira siya sa isang apartment sa halos na dalawang taon na, pamilyar na...