CHAPTER 5

76 12 2
                                    

Tumakbo ako patungo sa gubat at nawala na ang aking paningin kay Roswald, "Roswald! Asan kana?!" sigaw ko pero walang sagot.

Now what the hell am I gonna do? Hindi naman ako pamilyar sa lugar na ito.

Nagalala na ako kaya naglakad-lakad ako ng medyo malayo habang tinatawag ang kaniyang pangalan, ng makita ko ang dulo ng gubat na may kumikinang dito, nagtaka naman ako kaya sumulyap ako sa lugar nung kumikinang. At doon, nakita ko ang mga maliliit na taong nakabahag at sila ang gumawa ng maliit na apoy para sa maliit na kahoy nilang bahay.

"Ayon ba ang- Mga duwende?," bulong ko habang pinapanood ang dalawang maliliit na taong magtulungan sa maliit na putol na puno na parang bahay.

"Ah ayun ba?," biglang may nagsalita sa aking likuran dahilan ng aking pagtalon, tinignan ko at si Roswald pala ito.

"R-roswald! Asan ka napunta?! bat bigla-bigla mo nalang akong inii-"

"Sshhhh!," sabi nya at tinakpan ang aking bibig gamit ang kanyang kamay.

"Madaling matakot ang mga duwende sa mga mortal na tulad mo, wag kang maingay para hindi mo sila mataboy," sabi nya at inalis ang kanyang kamay sa aking bibig at nginitian ako.

'A-ang cute...' ang ani ko sa aking sarili ng titigan si Roswald.

"B-bakit may mortal dito?!," nagulat kaming parehas ng may nagsalita, at nakita naming duwende pala ito, bigla namang hinawakan ni Roswald ang aking kamay at tinakbo ako.

"Takbo!!," natataranta niyang saad at pumasok ulit kami sa gubat habang nakita kong hinahabol kami ng mga duwende.

"K-k-kala koba matatakot sila sa mga mortal!," tanong ko.

"Kapag mag-isa o dalawa lang sila pero kapag tatlo o marami sila matapang sila at sinusugod yung kalaban! Lalo kana kasi mortal ka!," paliwanag niya habang kami ay tumatakbo.

"Habulin yung mortal!," sigaw ng isa sa mga duwende.

HINIHINGAL KAMING PAREHAS sa kakatakbo at napunta kami sa isang kakaibang gubat na medyo malalalaki ang puno.

"S-saan na tayo?," naghihingalo kong tanong, tumingin naman sa pulang langit si Roswald at sinuri ang lugar.

"Lagot..." Ang kaniyang bulong.

"Ano?!,"

Bigla nalang lumakas ang hangin at may nagbato sa amin ng patalim, pero hinatak ako ni Roswald papalayo kaya di ako natamaan.

"A-ano iyon!?," tanong ko at may mga taong nakaitim ang pumaligid sa amin mula sa matataas na puno.

"Diko inaakalang kayang pumasok ng isang mortal sa Boundary," isang lalaking nakaitim at may mala-ibong tukang maskara ang nagsabi.

"S-sino ka?!," pasigaw kong tanong.

"Hindi na kailangan iyon, dahil ngayong araw mamamatay kana dito!." Tumalon siya papunta sa akin at ang nagawa ko nalang ay isara ang aking mga mata.

"...A-ano..?,"

Wala akong nararamdamang sakit, at nung binuksan ko ang aking mga mata isang maputing lobo ang sumalo ng patalim na tutusok sa akin. Napatalon naman ng palayo ang lalaki.

"Tumakbo kana Alphonse!," sabi sa akin nung lobo at napagtanto ko kung kaninong boses iyon.

"Roswald? Ikaw ba iyan?!,"

"Oo ako ito, mamaya kona sa iyo papaliwanag basta tumak-," at sinugod siya nung lalaki pero tinulak niya lang ito palayo.

Bumaba naman mula sa puno ang ibang taong nasa taas ng nga puno, "Kamahalan-," ang rinig ko na tawag nila sa lalaki.

'Kamahalan? Ano ba talaga sila?' ani ko sa isip ko.

"-Sa susunod na natin kuhain ang mortal, sa itinakdang araw," sabi ng isa sa mga nakaitim.

"Kaya umalis na muna tayo kamahalan," isang babaeng boses ang nagsabi.

"Oh sige, babalik kami para sayo, mortal na babae," sabi niya at bigla nalang silang nawala sa hangin.

"A-ano ang mga iyon..." Tanong ko at nag-tranform back si Roswald sa tao.

"Pagkakaalam ko, mga bampira iyon at kadalasan nilang kinakain yung mga insekto na mula dito sa Boundary para makalabas sila mula dito, diko aakalaing pupuntiryahin ka nila," sabi niya habang pinapagpag ang kanyang damit.

"Siguro dahil ikaw lang ang unang mortal na nakita nilang nakapasok sa Boundary," sinabi niya ng may seryosong mata

"Tsaka nga pala! P-paano ka naging lobo?!," sabi ko sabay turo sa kanya, ngumisi naman siya at kinamot ang likod ng kaniyang ulo.

"Diko pa ito nasasabi sayo pero kaming mga ghost kaya naming magshapeshift dito sa boundary, pero minsan may mga nakakapag-shapeshift ding mga katulad ko sa labas ng boundary," kaniyang paliwanag habang napatulala ako sa kaniyang sinabi.

Shape-shiffing? Ayun yung isa sa mga gusto kong makita eh!

"Umalis na muna tayo dito, baka bumalik pa ulit sila, eh." at kami'y patuloy na naglakad paalis.

"Yung isang nakaitim, tawag nila doon sa isang nakamaskara ay Kamahalan..." Napahinto siya sa pagsabi ko nito.

"Maaari bang....may lugar dito na puro bampira?," tanong ko at tumahimik ang lugar.

"...Oo..." Ang tangi niyang sagot at biglang sumikip ang dibdib ko nung nalaman ko ito, paano kung kukunin nila ako? Maaaring baka iyon na ang maging kamatayan ko. Kung sana lang may-

"Alphonse," tawag niya sa akin at napatingin naman ako sa kanya, lumapit siya sa aking mukha at nilagay niya ang isa niyang daliri sa ilalim ng aking baba at itinaas ito para tumingin ako ng diretso sa kanya.

"Wag kang magalala, proprotektahan kita, kasi mahalaga kang mortal at kaibigan para sa akin," hindi ko namalayan na mas matangkad pala siya sa akin ng ilang pulgada.

Nakita ko ang kanyang kumikinang at kayumanggi niyang mga mata sa akin, at alam kong seryoso siya sa sinasabi niya, sumikip naman ang aking dibdib pero gusto ko ang ganitong pakiramdam.

My chest suddenly felt heavy for no reason at all, what was that feeling all about?

Curiosity In The Boundary Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon