Isang araw na namang boring at nakakairitang araw, sunod-sunod ang quizzes na ibinigay ng aming mga teacher sa aming lahat. Kaya hindi lamang ako ang nabibwisit ngayong araw.
At dumagdag pa sa aking kinabibwisitan ngayong araw si Roswald, na palipad-lipad lamang sa aming kisame at sa aking uluhan.
Hindi ko na ito kinaya. Pasimple kong itinaas ang aking braso at hinawakan ang pulso ni Roswald at hinatak siya sa aking tabi, "Please huwag kang magpaikot-ikot sa buong paligid, nalilito ako sa iyo, hindi pa nga nagsisimula itong klase namin," bulong ko sa kaniya.
"Eh? Huwag mo kaya akong titiggan para hindi ka malito," sagot niya.
Napahawak ako sa aking sentido, "Bakit hindi ka muna pumunta sa Boundary?" suhestiyon ko.
"Ayaw ko! Gusto ko kasama kita!" pagmamarakolyo niya.
"Kung ganun ang gusto mo, huwag kang malikot," aniko at binitawan ang kaniyang pulso.
"Alright, geez, last period niyo na rin naman ito." Hawak niya sa kaniyang pulso.
"Last period na nga ito, pero hindi namin alam kung mayroong suprise quiz kaya sumasakit iyong ulo ko kakaalala," aniko.
"Alisin mo na lang kaya iyong utak mo para hindi ka magalala," pagbibirong sambit ni Roswald.
"Ikaw ta-"
Pero napahinto ako ng makitang pumasok ang aming Filipino teacher, kaya agad kaming tumayo para batiin siya, "Magandang tanghali po Ginang Juanita," bati namin at agad na umupo.
Pansin ko rin na napatingin si Roswald sa aming guro, at napatigil na rin siya sa pagikot sa buong kwarto.
"Magandang tanghali din mga anak, gusto ko sanang magbigay ng pagsusulit sa inyo ngayong araw kaso ipinagpaliban ko na lang ito sa susunod na araw," agad na wika niya sa amin.
Yes! Saved!
At rinig ko rin ang mga mahihinang hiyaw ng aking mga kaklase.
"Ngunit, mayroon kayong ibang gagawin, kumuha kayo ng isang buong papel,"
At agad na napatulala ang iba sa aking mga kaklase. Grabe may pahabol pa?
"Gagawa kayo ng pabula tungkol sa inyong sariling karanasan, at hindi ako fan ng mga cliché stories kaya gawin ninyong maganda ang kwento ninyo," paalala niya.
At agad niyang kinuha ang papeles sa kaniyabg desk, "Babalik ulit ako dito, tinatawag lang ako ni supervisor pagkabalik ko dito dapat tapos na kayo ha? Miss President?"
"Yes po maam?" tumayo ang aming president.
"Pakilista noong mga maingay ka, lalo na iyong mga lalaki sa likuran. Sige aalis na ako," at kasama noon ay agad na siyang umalis sa aming classroom.
Totoo ngang strikto si ma'am at seryoso siya sa lahat ng kaniyang sinasabi, kaya walang agad na nag-ingay noong siya'y lumabas.
Kaya nagisip na rin ako ng aking gagawing pabula.
Paano kaya iyong gagawin ko?
"Paano iyong gagawin mo?" singgit ni Roswald sa aking gilid.
"Tsk, hindi ako maayos na makakapagisip niyan kapag maingay ka," aniko at lumayo ng kaunti mula sa kaniya.
Pero lumapit ulit siya sa akin.
"Pero tungkol saan iyong gagawin mo?"
Bumuntong hininga ako, "Iniisip ko sana na gumawa na tungkol sa amin ni mama... Iniisip ko pa kung paano ko gagawin iyong flow nung story,"
BINABASA MO ANG
Curiosity In The Boundary
FantasyWhat does dying feel? Does the death think of the living? Is it painless in death? Sa halos walong taon sa buhay ni Alphonse, ito lamang ang mga katanungan na hindi masagot. Nakatira siya sa isang apartment sa halos na dalawang taon na, pamilyar na...