CHAPTER 16

43 9 3
                                    

Nasa likod kami nila Roq at Lug habang sila ang naglilinis ng aming daanan sa malaking gubat na ito.

"Matanong lang po, saan tayo patungo?" tanong ko habang tumitingin sa paligid.

"Papunta sa kaharian ng mga bruha, sa taas ng gubat na ito," sagot nung Roq.

"Taas ng gubat?" tumingin ako pataas at napansin kong hindi sya parang bundok pero gubat na pinagpatong-patong papuntang itaas. Halata namang nakabuka ang aking bibig sa sobrang pagkamangha.

"I-ilang araw po ang itatagal para makapunta doon?" tanong ko ulit

"Kinabukasan andoon na tayo, pero habang papunta tayo doon unti-unti ng nawawala ang katawan mo sa paglipas ng oras," sinagot naman ako nung Lug.

"N....nawawala?"

"Tignan mo daliri mo," tinignan ko naman ito at nanlaki ang aking mata ng makita kong naging transparent na ang aking buong hintuturong at hindi ko ito maramdaman nung ginalaw ko ito.

"Pero wag kang magalala," ani ni Roq, "Kaya tayo pupunta sa mga bruha ay para magkaroon ka ng protection pagpunta doon sa invisible wall," ani niya na hindi ko masyadong naintindihan.

"Bakit hindi niyo nalang kami ihatid papuntang invisible wall?"

"Kung pwede lang ginawa na namin dapat yon, kaso nga lang tuwing mage-eclipse mas nagiging active ang mga werewolf at baka hindi kayo makaalis ng buhay sa mga iyon," paliwanag niya at tumungo nalang ako, may mga werewolf rin pala dito.

Tinignan ko naman ulit ang aking naging transparent na daliri at napaisip ako kung anong mangyayari kapag nawala ako sa dalawang mundo, nagtataka ako sa ideyang iyon pero natatakot din ako.

Bigla naman akong dinikitan ni Roswald at napatingin naman ako sakanya, "Wag kang magisip-isip ng kung ano-ano at mag-focus kalang sa dinadaanan mo," oo nga pala, kasama ko si Roswald at wala akong dapat katakutan. Pero iyong nangyari sa Kaharian ng mga Duwende at iyong pangyayari bago iyon. Maraming hindi pa sinasabi sa akin si Roswald.

"Pasensya na," saad ko ng may ngiti sa kanya.

NGAYON KO LANG na-realize na mabilis palang mag-gabi sa Boundary, kaya nagset kami ng camp sa isang malaki-laking puno at doon muna nagpahinga para sa pagsikat ulit ng araw.

"Maglalakad lakad lang ako sa paligid, ha," paalam ko, tumayo ako at lumakad pababa sa ibang tangkay kasama ang librong nakita ko mula kila Grog. Binuksan ko ito at napansin na iyong mga hindi ko maintindihang sulat ay unti-unti ko nang naiintindihan.

"Bakit.....Naiintindihan ko ang mga kumplikadong sulating ito?" tanong ko saking sarili at tumingin sa kulay dugong kalangitan.

Ano ba....talaga ako? Normal ba talaga akong tao? tanong ko saking sarili, na nagdududa saking totoong pagkatao habang may mahinhin na hanging dumaan at napunta ito sa page kung saan biglang nanlaki ang mata ko.

Ito ay tungkol sa walang pangalan na puntod, binasa ko ito at nagulat sa kung anong ibig nitong sabihin.

Kapag may blanko kang puntod na nakita, ay ibig sabihin ang may-ari ng puntod na iyon ay may kasalanang ginawa habang nasa loob ng Boundary...

Nagulat lang ako at biglang naalala sa nahanap ko sa sementeryo sa dati kong mundo, malapit sa puntod na iyon si Roswald, at pumasok nalang sa isip ko ang ideya na-.

"Bakit ang alam na sementeryo lang ni Roswald ay kung saan niya ako nakita, may malaking tyansa na nandoon din ang puntod niya," Pero napatahimik lang ako.

"Pero ano naman kayang kasalanan ang nagawa niya?" isip ko habang dinadamdam ang mahina pero malamig na simoy ng hangin.

"Anong ginagawa mo dito?" narinig ko ang boses ni Roswald mula sa likuran ko.

"At ano yang binabasa mo?" dumungaw siya sa kamay ko at dali-dali kong tinago ang libro.

"W-wala naman..." Sabi ko at tumingin sa ibanh direksyon, at umupo naman sya sa tabi ko.

"Ang lamig ng hangin ngayon ha," sabi niya habang nakapikit at nakangiti, I hide my face behind my legs and asked him.

"Kailangan ka nga ulit...Namatay?" tanong ko at napatingin naman siya.

"H-hindi mo naman dapat sagutin tanong ko kung ayaw mo-,"

"10 years na nung namatay ako..." Grabe, sinagot niya nga ako, kaya napatingin ako sa ibang direksyon.

"I'm sorry, if you ever felt like I've been keeping a secret for you," saad niya at tinignan ako.

"I respect your privacy, may sekreto tayong lahat-," tinago ko naman ang aking mukha sa aking binti, "-pati naman ako may sekretong hindi pa sinasabi sa iyo, eh..." Sabi ko habang huminhin ang aking mga mata at umiinit ang aking mukha.

"Sasabihin ko sa iyo kung bakit ang tagal ko nang andito sa Boundary....Dahil ito sa dating kaibigan kong nabubuhay...." Nanlaki naman ang aking mata dahil doon.

"Namatay siya nang dahil sa akin..." Nakita ko ang sakit sa kanyang mga mata habang nanlalaki sa gulat ang sa akin.

Curiosity In The Boundary Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon