CHAPTER 17

48 10 8
                                    

Tumingin ako sa ibang direksyon at humalakhak ng mahina, "Aha... Siguro kapag sinabi ko iyon hindi mo na talaga ako pagkakatiwalaan eh....S-sa ibang topic nalang tayo-,"

"Sabihin mo sakin... Magkaibigan tayo diba?" ani ko at napatingin naman siya sa akin ng may gulat na mata.

"Para kasing madami kang alam tungkol sa akin...pero, halos wala akong alam sa iyo, pinagkakatiwalaan kita kaya huwag mong isipin na magiiba ang tingin ko sa iyo," sabi ko sa harapan ng kanyang mukha habang nakahawak saking dibdib. Nakatitig lang sya sa akin.

"Kung gusto mong malaman...Hindi ako makakapagsinungaling sa iyo," huminga sya ng malalim at tumingin sa ibang direksyon.

"Matagal na akong patay, namatay ako noong kaedad mo ako at....10 years na akong patay..." Nanlaki naman ang aking mga mata dahil dito.

It's the same year na nawala si mama sa akin!

Roswald's POV
~Flashback~

"Bumalik ma dito! Roswald!" sigaw ng isang babaeng maigsi at maitim ang buhok na humahabol sa akin sa ilalim ng kasing pula ng dugong langit at maitim na asul na lupa. Siya si Trisha, isa siyang half-dwarf at half-human kaya may kaya siyang buksan ang pinto papunta sa Boundary.

"Huli ka!" sabi ng babae at hinila nya ako mabagsak sa lupa, "Aray!" ang aking sinabi at napatawa naman ang babae.

"Tagu-taguan ulit tayo?" tanong sa kanya ng babae at napatawa lang sya, "Grabe ka naman, andami mong enerhiya ngayon ha, Trisha..." sabi ko at napatawa naman dito si Trisha, "Mahina lang talaga yang loob mo" sabi niya at napatawa, kaya napangiti ako.

MAY NAKITA AKONG makulay sa mga damuhan at ngumiti, "Trisha, tignan mo ito," tawag ko at lumapit naman sa akin si Trisha, "Ang ganda ng bulaklak na ito no?" ani niya habang hawak hawak ito. Nilagay naman ko iyong bulaklak sa taas ng tenga ni Trisha.

At tinapik ko ng mahina ang kanyang ulo, "Maraming salamat Trisha...sa pagiging unang kaibigan ko," sabi nya at ngiti naman si Trisha dahil dito.

"Alam mo kong hindi kalang talaga takot sa tao, marami kang magiging kaibigan nung buhay ka pa,"

"Pano mo naman nasabi yan?" nagloloko kong tanong.

"Kasi ako ang magiging una mong kaibigan," sabi niya sabay yakap sa akin.

"Sana pala naubutan kita noong buhay kapa..." Bulong ni Trisha at niyakap ako pabalik.

ISANG ARAW, NAGTAGAL sila Trisha sa border habang naglalaro ng tagu-taguan. "Andito kaba?" paglalarong tono ko habang hinahanap si Trisha sa likod ng mga puno at damuhan.

Naglibot-libot ako sa buong gubat at hinahanap kung nasaan si Trisha, pero ilang oras ko nang hindi sya nakikita kaya nagaalala na ako, nilibot ko ang buong paligid nang nagmamadali.

At nakita ko si Trisha na nakatalikod sa akin sa lugar kung saan halos walang punong nakatayo, "Phew, ayan kalang pala Trisha, saan kaba nag-," umikot si Trisha at unti-unti na lang siyang nagiging abo sa hangin, at sa harapan ko.

"T-trisha...anong nangyayari?"

"Roswald....T-tulungan moko!" iyak ni Trisha at nakaabot ang kanyang kamay, kaya nagmadali ako na abutin ang kaniyang kamay pero bigla nalang siyang hinarang ng isang matulis na scythe na lumipad papunta sa harapan ko.

"Wag mo nang tangkain," saad ng lalaking naka itim na hoodie at may itim na buhok.

"Anong ginagawa mo!" galit na sigaw ko at binalak na atakihin ang lalaki pero nakailag siya nang walang hirap.

"Roswald Colton! Ikaw ay nagkasala, sa pagdadala ng isang mortal sa loob nang Boundary at ang naging kapalit, ay ang katawan ng mortal na iyong ipinasok dito," deklara ng lalaki habang nakaturo kay Trisha na unti-unting naglalaho sa hangin.

Curiosity In The Boundary Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon