CHAPTER 4

94 15 0
                                    

"Diba sinabi kong wag kang pupunta sa boundary?" isang pamilyar na boses ang ume-echo sa aking madilim na isipan. "M-ma? ikaw ba iyan?" tanong ko habang wala pa rin akong makita.

"DIBA SABI KONG WAG KANG PUPUNTA SA BOUNDARY?!" pasigaw niyang sabi habang naiiritang tunog ito sa aking tainga at isipan kaya dumugo ang aking tainga.

Nataranta ako ng biglang may ilaw sa taas ng aking kinatatayuan habang madilim pa rin ang paligid ko. "Hindi ka nakikinig sa akin, diba sabi kong wag kang PUPUNTA SA BOUNDARY!" palakas niyang sabi kaya akin nalang tinakpan ang aking mga tainga sa lakas.

BIGLAANG BUMUKLAT ANG aking mga mata, pawis na pawis ang aking mukha at naghihingalo sa aking pagtulog. Tumayo ako agad at pinunasan ang aking pawis.

"Anong nangyari?," tumingin ako, nagulat ako nang makita si Roswald na nakaupo sa tabi ng aking kama.

"Yung panaginip ko..." SABI ko habang minamasahe ang aking noo.

"Panaginip?," he asked while tilting his head at the side.

"Nagalit yung mama ko. Dapat daw hindi ako pumayag saiyo," napatingin ako sakanya at mukha syang seryosong nagagalit sa akin.

"So susundin mo yung nanay mo sa panaginip mo?," tanong niya sa akin.

"H-hindi..." At napatingin ako sa baba.

Tumayo sya mula sa upuan ko at umalis sa kuwarto ko, "Basta ikaw dapat magdesisyon..." Ang kanyang sinabi.

NAKITA KO ANG curse mark na nakuha ko kahapon sa pagitan ng pagbabahagi namin ng dugo ni Roswald, safe ba iyong ginawa ko? O nagawa ko lang iyon dahil na-mesmerize ako?

Masyadong matingkad siya sa balat ko at baka ma-guidance pa ako --thinking na baka parte ako ng isang gang-- kaya nagsuot ako ng oversized hoodie para matakpan ang curse mark sa aking pulso.

Papunta na akong eskuwela at sinusundan pa ren ako ni Roswald habang nagpapacute sa tabi ko, "Bakit ba sinusundan mo ako?!," galit na pabulong kong tanong sa kanya.

"Alam mo bang dahil nabuksan na yung third eyes mo na iyan marami kang makakasalamuhang ispirito sa eskuwelahan ninyo?!," sabi niya habang tumayo sa ere sa aking harapan.

"Umalis ka diyan, baka matapilok ako," ani ko sakanya.

"Edi wag kang magagalit kapag andito ako,"

Napadaing naman ako sa sinabi niya at sinubukan kong hindi magalit sa first day ng linggo.

NASA MATH CLASS na ako at iniikutan pa rin ako ni Roswald, pinagsa-samantalahan niya yung pagiging multo niya para inisin ako ng walang nakakakita sa kanya.

Why is he like this?

Huminga nalang ako ng malalim at tumingin sa bintana kung saan marami akong naiisip at kung saan pumapasok ang iba't ibang imahinasyon ng biglang humarang si Roswald dito.

"Balak mo ba talagang inisin ako hanggang uwian?," nagtitimpi kong bulong sakanya.

"Bakit hindi ka nakikinig?,"

"Desisyon ko naman ang hindi makinig sa leksyon namin, eh," sabi ko at tumingin sa kasalungat na direksyon ng bintana pero hinarap niya parin ako.

"Kung kaya mong magdesisyon na hindi makinig sa guro mo, bakit di ka makapag-desisyon sa magiging buhay mo?,"

Huminga ulit ako ng malalim at binulong, "Hindi kasi magkaparehas iyon..."

"B-bakit?," tinawag ng katabi ko na si Lucy.

"Anong sinabi mo?," tanong niya ulit, at akala niya sya ang kinakausap ko.

"W-wala yun, nagiisip lang ako ng kung ano-ano," sabay tawa ng mahina at tumingin sa ibang direksyon.

Curiosity In The Boundary Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon