Ilang araw akong sunog ng kilay para sa isang espesyal na araw ng aming test, and I'm surprised na hindi ako ginulo ni Roswald during test namin, to be honest, hindi ko pa sya nakikita since that night.
"Asan na kaya siya?" pagaalala kong tanong sa sarili ko habang nakaupo sa cafeteria. May nakita naman akong anino at nung tumungo ako at nakita ko sila Lucy.
"So Alphonse, sasama ka ba sa prom?" masaya niyang tanong na may ngiti, napabuntong hininga naman ako. She really won't stop until I say my answer to her.
"A-ah- Oo syempre, aabangan ko kayo sa gate, ha?" sabi ko ng mag ngiti at umalis naman sila agad, at napawi ang ngiti sa aking mukha at tinuloy ang pagkain ng aking kinakain.
Biglang nagsitayuan ang aking mga balahibo, baka siya na iyon!
"Roswa-" agad akong lumingon pero hindi ko siya nakita. Pumukit ako ng ilang beses at kinusot pa ang aking mga mata, wala nga talaga doon si Roswald. Tsk!
"Roswald...nasaan ka na ba?" sabi ko sa aking sarili habang hinihilot ang aking sentido, buti hindi ko nasigaw yung pangalan niya kundi sobrang nakakahiya iyon...
NATAPOS NA ANG araw ng aming test, at bukas na ang gaganaping prom night pero di ko parin nakikita kung nasaan si Roswald. Kaya pumunta na ako sa sementeryo.
Binisita ko narin ang nanay ko doon na isang linggo konang hindi nabibisita, "Kamusta kana, ma?" tanong ko sa kanyang puntod at umupo sa harap nito.
"Ma...alam ninyo...hindi ko pa siya nakikita simula nung nakaraang 3 araw, at ewan ko kung nasaan na sya..." Ani kong pabulong saking sarili habang nakatitig sa puntod ni mama.
"Pero sana...Maisayaw niya ako tulad ng pangako niya," ngumisi naman ako sa sinabi kong iyon at nagaasam talagang isang araw ay makasayaw ko siya.
Tumayo ako at agad na umalis dahil hindi ko naman nakita si Roswald dito sa sementeryo, pero nakuha nung isang puntod na walang pangalan ang aking atensyon na kalahating metro mula lamang sa puntod ni mama. "Bakit naman masyadong malayo iyong puntod na iyon? Tsaka may puntod pala doon?" pabulong kong saad habang may mahinang hanging sumipol sa aking paligid.
"Kanino...kaya iyon?" ani ko sa aking sarili.
UMUWI NA AKO sa bahay at tinignan ang aking buhok ng kalahating oras sa salamin, at nag-browse ako na pwedeng kakaibang hairstyle sa mahaba at makulot kong buhok. Dahil bukas na ang prom night ay iyon muna ang aking patutunguan ng pansin...
Tinignan ko na rin ang aking susuotin sa prom night at ito ay isang pink dress na off-shoulder, abot sa aking tuhod at kumikinang sa white glitters. At ang aking white heels na binigay at pinagkagastusan ni mama nung nabubuhay pa siya. Kaya niyakap ko ito ng nahigpit.
I miss her so much...
Binuksan ko naman ang aking bintana at dumungaw doon ng saglit, naramdaman ko ang malamig at mahinhing hampas ng hangin sa aking katawan.
"Nasaan kana kaya...buwisit ka talaga at pinagaalala mo ako" ani ko sa aking sarili, I recently can't take my mind off him. Why the heck is that?
AT ISANG TULOG ko ay araw na ng prom night namin, kaya noong hapon kinulot kona ang dulo ng aking buhok at nilinis ang aking mga gagamitin mamayang gabi.
"Ang linis mo naman pala," biglang may nagsalita sa aking likuran at nung unti-unti akong lumingon ay si Roswald ito na nakalutang sa hangin at nakangiti sa akin na parang walang nangyari.
"Yo-ho~," ang sabi niya pero bigla ko siyang sinapak at lipad sya papuntang kabilang kuwarto.
"Woi!? Bakit mo naman ginawa iyon?!" sulpot niya sa kabilang kuwarto habang naginginig parin ako sa galit.
BINABASA MO ANG
Curiosity In The Boundary
FantasyWhat does dying feel? Does the death think of the living? Is it painless in death? Sa halos walong taon sa buhay ni Alphonse, ito lamang ang mga katanungan na hindi masagot. Nakatira siya sa isang apartment sa halos na dalawang taon na, pamilyar na...