We both sat at the dark blue ground while looking up the red but colorful sky, natapos na kaming magsayaw kaya nagpahinga muna kami.
Habang tumingin naman ako sa paligid at nahanap ang kakaibang tumutugtog na bagay, "Pinagsipagan mo talaga itong lahat? Para sa akin?" tanong ko ulit.
"Kasi mukha kang masaya nung sinabi kong gusto mo akong makasayaw," sabi niya at tumingin sa ibang direksyon.
Umupo naman ako sa tabi niya at tinignan lang ang kanyang mukha, "Bakit?" tanong niya sa akin.
"W-wala naman," ay grabe wala akong mai-topic, sumisikip din ang dibdib ko at umiinit ang mukha ko.
Baka nga talaga in love ako sakanya, sa isang ghost?! Hindi! hindi! hindi pwede yunnnn!! Patay na siya! Ibig sabihin ba nun may Necrophilia ako?
"Okay kalang?" tinapik niya ang aking balikat at napatalon naman ako dito, "W-wala naman ito...." At tumahimik nanaman ang paligid namin.
"R-ros..." Tawag ko at "Hmm?" lang ang kanyang sagot para hindi mabasag ang napakagandang katahimikan sa aming dalawa.
"May sasabihin ako..." Tumingin naman siya sa akin at kinabahan ako.
"Ang totoo kasi....eh...ano, eh..." nahihiya kong sabi nang bigla siyang tumayo sa aking harapan at nakatingim sa anino ng mga puno, na para bang may taong nakatayo doon.
"Anong problema?" tanong ko at parang hindi niya ako narinig. "So andito ka ulit. Kamatayan," sabi niya at may isang lalaking sumulpot mula sa gubat na may itim na buhok at naka-normal na black hoodie at medyo matangkad siya sa akin.
Ang aura na ito....Sya nga! Siya yung nakabangga ko noong nagshoshopping lamang ako.
"Ros!" tawag ko at tumayo pero binigyan niya ako ng signal na wag akong lalapit.
"Huwag mong lalapitan si Al! Ano ba nanaman ang gusto mo? Sinundan mo na nga ako't lahat lahat!"
Teka...sinusundan? Kaya pala binangga niya ako. On purpose lahat ng iyon....
"May bago nanaman kasing mensahe para sayo yung nasa higher-ups," ani ni Kamatayan.
Higher-ups? Yun ba yung mga nasa Gate?
"Tsaka mag-chill kalang dude, wala akong interes sa mortal mong kaibigan...Di tulad nung dati..." Ani nya habang palapit ng palapit kay Roswald, dinikit niya ang kanyang noo kay Roswald at umilaw ito ng kaunti.
Napalipad si Roswald dahil sa ilaw at napaupo sya sa sahig, "Message Sent," sabi nung lalaki at nung tinignan ko ang braso ni Roswald may mga numero itong nagka-count down.
"Congratulations, kapag naubos na yang oras sa braso mo makakapasok kana ng Gate to Heaven, swerte ka at wala kang punishment ulit," sabi ni Kamatayan.
"Teka....Message sent? Congratulations? Makakapasok kana sa Gate? Diko ito alam, anong.....Ibig mong sabihin?" nalilito kong tanong habang nakatingin silang dalawa sa akin at bumungisngis naman si Kamatayan.
"Aha! Hindi pa ba ako nakukuwento ni Roswald sayo? Ni hindi niya rin nasabi sa iyo kung ilang oras nalang ang meron siya?" mas lalong nanlaki ang aking mata sa inis.
"Si Roswald..." tingin ko sa kanya pero iniwasan niya ako ng tingin at tumayo at lumakad papunta sa akin.
"Al..." sabi niya habang sinubukan niya akong yakapin pero lumakad ako palayo, "Bakit hindi mo sakin sinabi?" tanong ko habang may mga maliliit na luhang bumagsak sa aking mata.
"Kasi nga...." ani niya pero bigla na lamang tumakbo ang aking katawan papalayo sa kanya at nanikip din ang aking dibdib kaya hinawakan ko ito sa sobrang sakit.
BINABASA MO ANG
Curiosity In The Boundary
FantasyWhat does dying feel? Does the death think of the living? Is it painless in death? Sa halos walong taon sa buhay ni Alphonse, ito lamang ang mga katanungan na hindi masagot. Nakatira siya sa isang apartment sa halos na dalawang taon na, pamilyar na...