Chapter 06
Blood
TULALA na naman ako habang wala sa sariling kumakain ng pizza. Umalis siya para daw itapon ang mga lata ng beer niya na wala nang laman.
Napalingon ako sa may hagdan nang makarinig ako ng yapak. Pababa na siya sa hagdan, wearing his famous expressionless gorgeous face. Basa ang buhok nito at magulo, bago na naman ang damit nito.
Napakunot ang noo ko. Gano'n ba talaga kapag mayaman? Minu-minuto naliligo? Mabango pa naman siya kanina ah.
Nang makababa siya ay sumandal lang siya sa may railing ng glass stairs kaya tinaasan ko siya ng kilay. Mukha siyang model ng isang sikat na brand ng damit, iyon nga lang ay para siyang binagsakan ng langit at lupa dahil lagi siyang nakasimangot.
Maya-maya ay pumunta siya sa isang kabinet na gawa sa mamahaling kahoy. Pagbalik niya ay may dala na siyang isang hindi kalakihang magandang kahon. Nanlaki ang mata ko at napatakip sa bibig. Omg magpopropose ba siya sa'kin?
Napailing-iling na lang ako sa naisip. Anong magpopropose? Gaano ba kalaki ang daliri ko at bakit 'sing laki ata ng kahon ng zest.o ang kahon na 'yan?
Tumabi siya sa'kin kaya sinundan ko siya ng tingin. Nang buksan niya ang kahon ay tumambad doon ang iba't-ibang panggamot. Halos mapatampal ako sa aking noo. First aid kit pala iyon at hindi singsing.
"Para saan ba 'ya-ah." Daing ko nang pinisil niya ang pisngi ko. Oo nga pala at may sugat ako do'n gawa no'ng mga bwisit na magnanakaw 'yon.
Mangiyak-ngiyak ako nang tinampal ko ang kamay niya at hinawak ang sugat ko. Nadugo na naman iyon, akala ko ay tumigil na nang punasan ni Ingrid ng panyo.
Seryoso lang siyang nakatingin sa sugat ko at nagulat ako nang marahan niyang dinampi ang daliri niya doon saka idinikit sa labi ko. Napangiwi ako, tinikman niya iyon.
"Sweet." Ang kaninang walang ekspresyon niyang mukha ay napalitan ng ngisi na tumagal lang ata ng tatlong segundo at kalauna'y nawala rin.
"K-Kadiri ka naman! Bampira ka ba?!" Naalala ko no'ng nakita ko siya do'n sa may kuwarto kung saan siya nakakulong. Tinikman niya rin ang dugo ng lalaki, nasusuka talaga ako kapag naaalala ko iyon.
Hindi niya ako pinansin at dahan-dahan niyang inilapit ang mukha niya sa pisngi ko. Kalaunan ay napapikit ako nang dumampi ang labi niya sa sugat ko. I can feel how his tounge wipe the blood out of my wound.
Mariin akong napapikit at itinulak siya saka pinunasan ang pisngi kong wala nang bakas ng dugo. Ramdam ko ang pang-init ng buong mukha ko. W-What the hell was that?!
Magrereklamo pa sana ako nang bigla na naman akong mapadaing nang ilapat niya ang bulak na sa tingin ko'y may alcohol sa paligid ng sugat ko. Tiningnan ko lang siya habang seryosong ginagawa iyon. Napakunot ang noo ko sa biglang naisip. Bakit niya ba ako ginagamot kung papatayin rin niya ako after 3 months?
I mentally shake my heads because i can't move my damn head physically because he's holding my chin. Sa ngayon ay hindi ko muna iyon iisipin. Ayoko pa talagang mamatay pero iyon naman talaga ang patutunguhan ng tao. Dapat nga ay kanina pa ako namatay but because he helped me, napatagal naman iyon ng 3 months.
Hindi na masyadong masakit. Marahil ay dahil hinihipan niya iyon and it's like a magic, parang biglang nawalan ako ng sugat. He's done putting alcohol and he's now putting some betadine in my wounds.
Pinagmasdan ko ang mukha niya. Kung sa malayo ay sobrang guwapo na niya, ano pa kaya sa malapit. Salubong na naman ang makapal at maganda niyang kilay, kitang-kita ko ang mahahaba at makakapal niyang pilik-mata at ang kaniyang matangos na ilong. Halos sumayad pa iyon sa pisngi ko sa sobrang tangos.
BINABASA MO ANG
Breaking The Killer's Rule
General FictionCan you break the killer's rule? ... Warning : This story is unedited and I've written it years ago so expect some cringe and cliche scene, typographical and grammatical errors, and also inappropriate usage of words. [COMPLETED] COVER NOT MINE.