Chapter 36
Don Silvestre
"Impossible,"
Umalingawngaw sa buong kuwarto ang boses ng isang lalaki at ang tunog ng isang bagay na lumalapat sa sahig. Nilingon ko ang pintuan at nakita roon ang isang lalaki na may katandaan na at may hawak na tungkod. May suot siyang lab coat at may mga lalaki rin sa likuran niya na may dalang iba't-ibang uri ng armas.
Ramdam ko ang muling paglakas ng tibok ng puso ko. What the hell is happening? Akala ko ba ay tapos na ang lahat?
I thought everything will end here. Nasabi ko na kay Karma, or Lazarus, ang nararamdaman ko and he also confessed to me, pero nagsisimula pa lang pala ang lahat. I'm sure this will be a long night.
Kaya pala gabi ang ginawang schedule ng graduation ay dahil may plano sila. Anong pinaplano nila?
Suddenly, I remembered what Ismael told me. May isa pa raw na experiment ang gagawin ni Don Silvestre kay Lazarus. Ano iyon? Hindi pa ba tapos? Hindi na ako papayag na pag-eksperimentuhan nila pa ulit siya na para bang isang hayop. I'll definitely save him from this hell.
Ramdam kong humigpit ang pagkakayakap sa'kin ni Lazarus nang lumapit ang matanda. I hold his arm and caress his soft hair.
"What's wrong?" I asked him.
He looked at me and suddenly kissed my head. Bumitaw siya sa'kin at tumayo. I tried to stop him pero hindi siya tumigil. Anong gagawin niya?
May tama siya at maraming lalaki na kasama iyong matanda. No matter how strong he is, hindi pa rin maiiwasang mainjured siya nang malala.
Bigla kong naalala si Kuya Dame. Pinuntahan ko siya at nakita kong nakasandal na siya ngayon sa pader.
"A-Are you okay, Kuya?" Nag-aalalang tanong ko. Tumango lamang siya at saka huminga nang malalim.
Naiiyak na tiningnan ko siya at pinilit tanggalin ang kamay niyang nakatakip sa bewang. I want to see his wound at para na rin matakpan ko ito.
"I-I'm fine, Larie." Mahinang saad nito sa'kin ngunit umiling-iling lang ako.
"H-Hindi, Kuya. T-Tell me, saan masak—"
He cut off my words, "Okay nga lang ako, Larie. Hinihingal lang ako at sumasakit lang ang tiyan ko dahil gutom na ako."
Pagkasabi niya no'n ay inalis niya ang kamay niya na nakahawak sa tiyan niya. Hinawi ko ang damit niya at nakitang may bulletproof na nakapalibot sa bewang niya, may bala roon na nakabaon ngunit hindi umabot sa katawan niya.
Para akong nakahinga ng maluwag. I tried to search for injury dahil nakita kong duguan siya kanina. May daplis lang pala siya ng bala sa braso, pero overall ay buhay pa naman siya.
I looked at his face, nakatingin siya ro'n sa direksyon kung nasaan si Lazarus at iyong matanda. Nanlaki ang mata nito at parang nanigas sa pagkakasandal.
"W-What's wrong, Kuya? Kilala mo ba siya? Who is he?" Tanong ko rito dahil maging ako ay kinakabahan na rin.
Huminga siya nang malalim bago hinugot muli ang baril niya at parang may ginawa siya ro'n, sinuksukan niya ito ng parang bala at saka nagkasa.
"K-Kuya," Tawag ko sa kaniya.
He looked at me. Nakakatakot ang mga mata niya, kapag ganito kaseryoso ay para siyang worse version ni Kuya Dami.
"That old man there," He said, pertaining to the man with the lab coat, "Is Don Silvestre, the Killer's and Leiandro's father."
Nagulat ako sa sinabi niya. Does that mean na siya ang nag-eksperimento sa kaniyang mga asawa't anak? Tao pa ba siya?
BINABASA MO ANG
Breaking The Killer's Rule
General FictionCan you break the killer's rule? ... Warning : This story is unedited and I've written it years ago so expect some cringe and cliche scene, typographical and grammatical errors, and also inappropriate usage of words. [COMPLETED] COVER NOT MINE.