Chapter 08

1.9K 80 12
                                    

A/N; THANKS FOR THE FEEDBACKS, COMMENTS, AND VOTES! I REALLY APPRECIATE IT AND I'D LOVE TO READ IT AGAIN AND AGAIN. DAHIL SINISIPAG AKO AY NAGSULAT ULIT AKO NG PANIBAGONG CHAPTER. THANK YOU AND HAPPY READING!

_

Chapter 08

HAWAK-HAWAK ko ang pisngi ko habang tumatakbo palayo sa building na iyon. Nakakainis! Bakit niya ba kasi ako tinawag na 'baby'?!

Parang may kung anong kumikiliti sa may tiyan ko nang maalala na naman iyon. Hindi ko pa nakuha ang sapatos ko kaya ayon at ang dumi tuloy ng medyas ko at mukha akong batang yagit!

Patay ako kay Ate Tasha nito dahil siya ang naka-assign na maglaba ngayon. Siguradong susungalngalin niya ako ng sabon.

Mabuti na lang at color black ang medyas namin kaya hindi halatang madumi at hindi kita 'yung lupa. Ang pinoproblema ko ay kung paano ba ako makakalakad-lakad nang walang nakakapansin ng paa ko.

May mga estudyante rin akong nakakasabay sa pagtakbo. Tapos na pala ang breaktime, hindi man lang ako nakakain!

Pagbukas ko ng pinto ay wala pa namang teacher. Nakayuko akong pumunta sa may upuan ko dala ang bag ko at tumabi kay Ingrid na ngayon ay nakakunot ang noo habang nakatingin sa kanang paa kong wala nang sapatos.

"What happen? Na-holdup-an ka ba ng sapatos?" Biro nito atsaka tumawa. Inirapan ko lang siya at umupo na bago pinagpagan ang medyas kong napuno ng lupa.

Nasa may tabi na naman ako ng bintana kaya napatulala na naman ako sa baba. Nasa third floor na ulit kami, kung saan naganap ang mga nangyari kahapon.

Ang iba ay hindi mapakali at tulala. Marahil ay naaalala rin nila ang mga nangyari kahapon, habang ang iba ay normal lang at may kani-kaniyang ginagawa.

Kakatingin ko sa labas ay nahagip ng mata ko ang pamilyar na mukha. Ang kaninang walang ekspresyon niyang mukha ay napalitan ng ngisi ngunit agad ding nawala. Napaiwas ako ng tingin nang maalala ko na naman ang nangyari kanina.

That damn killer—

Nanlaki ang mata ko nang maalala ang sinabi niya.

"Karma's the name, baby."

Hindi ang 'baby' na itinawag niya sa'kin ang nakaagaw ng pansin ko ngayon kundi ang mismong sinabi niya.

Karma?

I-Is that.. his name?

Damn. He told me his name, HE FORKING TOLD ME HIS NAME!

Nakagat ko ang ibabang labi ko at nilingon ulit kung saan naroon siya.

Karma.

Wala na siya roon kaya ibinalik ko ang tingin sa unahan, nandito na pala ang prof namin.

Napaisip na naman ako. Why the hell did he tell me his name? Gusto na niya ba talaga akong mawala sa mundong ibabaw?! Naalala ko na naman ang sinabi ni Eren noong pumunta kami sa mansion nila, or ng killer, ni Karma.

"Meeting him is like meeting the devil itself, getting to know him means getting to know what death is, knowing his name means knowing that you're already in dangered, and telling you his identity means you will no longer live."

First, i met him. Noong nakita ko siyang pinatay ang mga men in black na pumasok sa kuwarto niya. I may not officially know him but i know that he's a goddamn killer and Eren told me about his condition. And now, he.. he told me his damn name!

Kinabahan tuloy ako, kahit naman alam kong papatayin niya rin ako. Damn, bakit pa kasi ako binalaan ni Eren na 'yon? Nakakainis, natatakot tuloy ako.

I'm scared, not because of the killer's threat—or should i say Karma, but because of something. I know behind all of this, may mas dapat pang katakutan.

Breaking The Killer's RuleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon