Chapter 18

1.8K 88 27
                                    

A/N:

SORRY IF PINAGHINTAY KO KAYO. It's just that i'm not really feeling well this past few days, dagdagan pa ng modules ko na hindi matapos-tapos. I promise after this, babawi ako. Again, thank you and happy reading!,

_

Chapter 18

Baby

TITIG NA TITIG pa rin ito sa'kin at parang hindi napapansin na maraming taong dumadaan at nagrereklamo kung bakit sa gitna pa kami nagmomoment.

Nagsalubong ang kilay ko nang marealize ang sinabi niya. He's one of them? Meaning to say, kalaban siya ni Karma? Pero bakit ba pumunta pa siya doon sa mansiyon? E kung ako 'yung kaaway niya hindi ko na 'to papalabasin ng buhay.

"What do you mea—"

Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang bigla na lang may isang bagay na tumama at sumalpok sa ulo niya. Nataranta ako dahil biglang may tumulong dugo mula sa noo niya na pinunasan lang niya gamit ang kamay.

"Okay ka lang?" Tanong ko rito ngunit tiningnan niya lang ako at salubong ang kilay na iginala ang tingin.

"What the fvck?!" Dumagundong ang boses nito sa buong hallway at biglang napatigil ang mga estudyanteng nadaan lang habang 'yung iba ay nagpatuloy lang sa paglalakad na parang normal lang, tho normal naman talaga na may duguan dito araw-araw. Natigil nga lang no'ng biglang makatakas 'yung killer.

"Oh my bad."

Mas mabilis pa sa speed of light na napalingon ako sa kung sinong nagsalita doon at halos lumuwa ang eyeballs ko nang makita na naman ang nakangising pagmumukha ng isang Eren Samonte lang naman!

Damn, why is he here?! Huwag mong sabihing umulit siya ng pag-aaral?! Siya ba ang bumato kay Isaiah?

Nakangising sumulyap siya sa'kin at pinulot ang bola ng soccer gamit ang paa niya, basta sinipa niya tapos sinalo niya gano'n. Halata talagang professional siyang player.

"Samonte." Ang kaninang galit na mukha ni Isaiah na akala mo ay bubuga na ng apoy ay biglang naging seryoso, habang si Eren ay pinanatili ang kaniyang ngisi habang nilalaro sa kamay ang bola na ibinato niya.

"Miss me, Imperial?" Mas lalong sumeryoso ang pagmumukha ni Isaiah. Ano bang nangyayari sa dalawang ito? Ang bigat ng atmosphere, baka mamaya bigla 'tong magsuntukan, magpapanggap talaga akong hindi ko sila kilala.

Paano kaya sila nagkakilala? Hindi ba't graduate na sina Karma at Eren? Kung magkakaibigan sila, dapat magkakabatch sila kasi paano sila nagkakilala 'di ba? Mukha namang matured si Isaiah kaya hindi ko sure kung anong edad niya. Mukha ring walang pakealam sa mundo kaya hindi na kataka-taka kung babagsak.

"Why are you here?" Seryoso pa ring tanong ni Isaiah. Bigla namang tumawa si Eren at umiling-iling pa atsaka ipinuwesto ang bola sa bewang niya.

"Well, i'm not here to chitchat with you. I'm here because of someone." Nginisian niya ito bago ibinaling ang tingin sa'kin kaya nagsalubong ang kilay ko. Don't tell me bukod sa mansiyon ay pinababantayan ako ni Karma dito?

Magsasalita pa sana ako ngunit bigla na lang akong hinila at kinaladkad ni Eren papunta sa kung saan. Seriously nakakapagod kayang makaladkad!

"Ano ba, Eren Yeager?!" Inis na sigaw ko rito ngunit tinawanan niya lang ako at biglang hinila papunta sa loob ng library.

"Why the hell are you here?!" Tanong ko rito nang tumigil kami sa isang tabi kung saan wala masyadong tao. Well, wala naman talagang masyadong tao dahil allergic ata ang mga estudyante rito sa libro.

"Easy, bestfriend." Sa halip na sagutin ay niloko pa ako nito atsaka tumawa kaya inabot ko ang makapal na libro sa isang shelf at hinampas sa kaniya kaya napangiwi siya.

Breaking The Killer's RuleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon