Chapter 30
Death
Tulala ako habang naglalakad papunta sa room ko. Nagmamadali akong umalis matapos magkuwento ni Ismael. Hindi pa raw sira ang ulo niya para sabihin sa'kin lahat, pero sinabi niya nga sa'kin lahat so ibigsabihin ba no'n ay sira na talaga ang ulo niya?
Napailing-iling ako habang nakatitig sa ballpen ko na ngayon ag iniispin ko sa kamay ko.
Sinabi niya rin na may isa pang experiment ang kailangang maisakaturapan to make him a real monster? Hindi pa ba nila ginawang halimaw sa lagay na 'yan si Karma?
"Lara," Natauhan ako nang biglang bumulong sa'kin si Ingrid na ngayon ay katabi ko na.
Lumingon ako sa kaniya, "B-Bakit?"
"Are you okay?" She asked, "Tulala ka na naman."
"Oo naman," Sagot ko. Tiningnan niya lamang ako nang mabuti at saka tumango nang alinlangan.
Sa totoo lang naman ay hindi ako okay. Sino ba naman ang magiging okay ngayon matapos malaman ang darkside ng University na ito?
They're using human for their experiments. Worse is that they're planning to use those to destroy the government.
Sakim at corrupt na nga ang mga nasa government e, tapos papalitan pa nilang mga halang na kaluluwa?
Ibinalik ko ang atensyon ko sa unahan kung saan nagtuturo ang professor namin. Wala naman akong maintindihan pero tango lang ako nang tango na para bang may nauunawaan ako tuwing natingin siya sa direksyon ko.
Hindi ko na rin nakita si Sir Lei after no'ng ball. Sana naman ay hindi na ulit magkrus ang landas namin. After malaman ko na siya ang nag-utos kay na Meriel ay lalapit pa ako sa kaniya? Hindi naman ako gano'n ka-tanga.
"Okay. Class dismissed," Sa lahat ng lesson ay itong line talaga ang pinakafavourite ko. Dali-dali akong nag-ayos ng gamit at hinintay din si Ingrid na matapos na.
Sabay kaming naglakad palabas. Wala namang kakaiba ang nangyari ngayon. Hindi ko pa rin nakikita si Karma simula kahapon.
Iginala ko ang paningin ko. Hoping that I'll see him somewhere. Gano'n na lamang ang lakas ng tibok ng puso ko nang makita ko siya, malayo sa mga estudyante at malayo sa'kin. Nakasandal siya sa tagong building habang nakatingin sa'kin.
Tiningnan ko si Ingrid, "I-Ingrid, puwede bang umuna ka na muna? May pupuntahan lang ako."
She looked at me, confused. "Where are you going? Last time na iniwan kitang mag-isa ay may nangyaring masama sa'yo."
I think of a way to shoo her. Gusto ko nang makita si Karma. I don't want to admit it but I missed him.
"Mabilis lang naman ako atsaka nagpaalam ako kay Ate." Nakagat ko ang ibabang labi ko nang sabihin ko ang mga kasinungalingang iyon.
Alanganin siyang tumango, "Okay. Basta magtext ka sa'kin kapag nakauwi ka na ah?"
I nodded and kissed her cheeks before waving goodbye. Minasdan ko ang mga estudyante na wala namang pake sa'kin at may kani-kaniyang usapan.
Nang makasiguradong walang makakapansin sa'kin ay mabilis akong tumakbo patungo sa kung saan ko nakita si Karma.
He's just there. Staring emotionlessly at me. Alam kong normal na expression niya lamang 'yon pero minsan ay nakakagulat siya, akala ko kasi ay galit siya or something.
"Why are you here? I thought you hate me-"
Hindi ko na siya pinatapos sa pagsasalita. I wrapped my arms around his neck and my legs around his waist. Para na akong tuko na nakakapit sa kaniya pero wala akong pake. I just want to cling to him.
BINABASA MO ANG
Breaking The Killer's Rule
General FictionCan you break the killer's rule? ... Warning : This story is unedited and I've written it years ago so expect some cringe and cliche scene, typographical and grammatical errors, and also inappropriate usage of words. [COMPLETED] COVER NOT MINE.