Chapter 33

964 42 3
                                    

Chapter 33

Graduation

Halos hindi ako makahinga sa sinabi niya. Ramdam ko ang panunubig ng mata ko. Sisinghot pa sana ako para pigilan ang luha nang bigla itong humagalpak ng tawa.

Huminga ito nang malalim sabay hawak sa tiyan niya, "Huwag kang iiyak, Iris. Ang pangit mo pa naman,"

Nangunot ang noo ko nang mapagtantong pinagtitripan niya lamang ako at sa inis ay binato ko siya ng basket na agad niyang nailagan.

"Gago ka talaga!" Sigaw ko rito.

Umiling-iling ito nang mahimasmasan sa pagtawa, "Nagbibiro lang ako," Ngumiti ito ng bahagya. "May inaasikaso lang 'yon kaya medyo busy."

Tinalikuran na niya ako bago ko pa siya mabato ng isa pang basket at dali-daling pumunta sa harap ng pintuan bago ito buksan.

"Asa namang umalis 'yon nang hindi ka kasama," Bulong pa nito na hindi ko masiyadong narinig bago umalis upang iligpit ang pinagkainan ko.

Hindi ko na lang siya pinansin at pinunasan ang luhang tumulo lang mula sa mata ko ngunit hindi natuloy dahil nagbibiro lang naman pala si Eren.

Yes, Eren ka sa'kin ngayon. Wala nang kuya-kuya.

Ang kaninang masama kong pakiramdam ay mas lalo atang sumama dahil sa kagagohan ng kapatid ko. Seryoso na ba talagang kapatid ko ito? Mas okay pa atang si Isaiah na lang ang maging kapatid ko kesa sa kanila. Atleast siya, seryoso at lagi akong winawarningan.

Napairap ako bago ipinikit muli ang aking mga mata. Sa tagal kong nakapikit ay hindi man lang ako dinalaw ng antok. Dahan-dahan akong tumayo mula sa higaan at kahit nanghihina pa'y lumabas ako ng kuwarto.

Iginala ko ang paningin sa buong bahay, or should I say, mansion? Kahit madilim ay kita ko pa rin ang kalakihan at karangyaan nito. There's also a lots of elegant lamps that are hanging in every corner of the hallway.

Sinundan ko lamang iyon hanggang sa makababa ako. Hindi ko naman saulo ang buong bahay kaya bawat silid na madadaanan ko ay binuksan at sinilip ko hanggang sa makarating ako sa kusina.

I open the refrigerator at naghalungkat ng makakain. Kay na Kuya naman siguro itong bahay na 'to 'no? Oh please. Nakakahiya kung basta-basta na lamang akong kukuha ng makakain tapos dinekwat lamang pala nila ang bahay na ito.

I slowly shake my head to vanish my thoughts. Kinuha ko ang isang kahon ng gatas na nakita ko sa ref at bread loaf at liver spread na nakalagay sa cabinet. Pinalamanan ko ang tinapay at isinalin na rin ang gatas sa isang baso.

I was busy eating my foods when I heard footsteps. Nangunot ang noo ko at napatingin sa wallclock malapit sa pinto ng kusina.

It's already 10 pm. Ang tagal ko rin palang nakapikit since 7 pa noong tiningnan ko ang orasan sa may kuwarto. Gabi na rin, so bakit gising pa ang mga tao rito sa bahay?

Dali-dali kong inubos ang pagkain ko at niligpit ang pinagkainan. I followed the sound of footsteps because of curiosity. They say curiosity kills the cat, pero ilang beses na akong na-curious at halos mamatay. Ngayon pa ba ako matatakot?

Dinala ako nito sa likuran ng bahay kung saan sa tingin ko ay garden. Kahit madilim ay kita ko ang mga bulaklak na namumukadkad doon, sa tabihang bahagi ay kita ko ang pigura ng dalawang tao na nakaupo sa may tea table at parang may pinag-uusapan.

Lumapit ako roon and tried as hard as possible to not make any sound upang hindi nila ako makita. I hid behind the huge bush of roses. Amoy na amoy ko ang pinagsamang amoy ng rosas at damo na nagpapakati ng ilong ko.

"You sure?" Rinig kong boses iyon ni Kuya Eros.

"Oo. He planned it all himself." Boses ni Kuya Eren.

Anong pinag-uusapan nila? Who are they talking about? Are they talking about Karma? Where is he? Anong pinaplano?

Breaking The Killer's RuleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon