Chapter 26
Councils
"You sure?" Tumango ako sa tanong na iyon ni Ate Tasha. Siya ang sumundo sa'kin ngayon since busy daw si Kuya Dami at Kuya Dame.
Puwede na raw akong madischarge anytime. Ayoko na rito dahil nahihilo ako sa mga pinaghalo-halong amoy ng alcohol at gamot. Parang natutusta ang baga ko kakasinghot ng hangin dito.
"Yes po, Ate. Okay na naman ako e." Nginitian ko siya saka ipinagpatuloy ang pag-aayos ng mga gamit ko rito sa ospital. Konti lang naman ang gamit ko rito since isang linggo lang naman ako namalagi dito.
Two days na simula no'ng nakausap ko si Karma. Hindi ko na siya nakita simula no'n. I tried asking Kuya Eren about him but he just said that he's busy. May number naman niya ako ah, mahirap ba magtext?
"Let's go." Yaya ko kay Ate matapos kong mag-ayos ng gamit. Tinulungan niya ako sa pagbubuhat ng mga gamit ko saka kami sabay lumabas ng ospital.
Bayad na naman ang bills kaya siguradong hindi na kami haharangin ng mga guard once na lumabas kami ng ospital.
"Libing na ngayon nila James at Meriel." Biglang sambit ni Ate Tasha nang makapasok ako sa loob ng kotse niya.
Oo nga pala, it's been a week since those two died. Hindi ko alam kung makokonsensya ba ako o ano. They tried to kill me, pero ngayon ay sila na ang pinaglalamayan. I can't say na natutuwa ako dahil namatay sila, hindi nila kasalanan kung natrauma sila sa nangyari.
Yumuko ako atsaka pinaglaruan ang daliri ko. "Puwede ba tayong dumaan?"
Nilingon ako ni ate saka bumuntong hininga. "If that's what you want."
Nginitian ko na lang siya at hindi na sumagot dahil nagsimula na siyang magdrive. Ang dami ko na namang na-miss na klase. Kuya Dami and Kuya Dame can pull some strings so there's nothing to worry kahit kulang-kulang ako ng requirements. Pero iba pa rin naman kapag nakakapasok ako at nakakagawa mismo ng mga requirements.
Natigilan ako sa pag-iisip nang huminto kami bigla. Sinilip ko ang paligid, nasa isa tapat kami ng isang kilalang subdivision. Alam ko namang mayayaman ang mga napasok sa University kaya hindi na ako nabigla.
Lumapit sa'min ang guard at agad namang binuksan ni Ate ang bintana niya.
"Saan po dito 'yung bahay ng mga Gozon?" Tukoy ni Ate sa bahay nina James.
"Sino po sila?" Tanong naman no'ng guard habang nagbubuklat sa kaniyang record book.
"Dadaan po kami sa burol." Tumango-tango ang guard saka binigay sa'min ang address.
Nagpatuloy na kami sa pagdadrive pagkatapos buksan ng guard ang harang. Magagarang bahay at mansion agad ang sumalubong sa'min. Mas malaki nga lang ng konti ang bahay namin kumpara sa mga nakatira dito.
We stopped in front of a huge house that's painted in white. Maraming tao ang naglalabas-masok sa gate ng bahay. Puro mayayaman at magagara ang damit, marami ring naka-park na mamahaling kotse sa labas.
Hindi pa kami nakakapasok sa gate ay sinalubong na kami ng isang babaeng nasa mid-30's na sa tingin ko'y nanay ni James. Halata ang pamamaga ng kaniyang mata na sa tingin ko'y dahil sa kakaiyak.
"Kaklase ba kayo ni James?" Tanong nito sa'min. Tumango ako kaya nabaling ang atensyon niya sa'kin.
Biglang nanlaki ang mata nito nang makita ako. "I-Ikaw ba ang pinagtangkaan ng anak ko?"
Dahan-dahan akong tumango. Nangilid ang mga luha nito saka hinawakan ang kamay ko. Tinangka pa nitong lumuhod ngunit pinigilan ko ito.
"P-Patawarin mo ang anak ko. H-Hindi niya gusto ang ginawa niya. Maniwala ka." Umiiyak na sambit nito kaya kumunot ang noo ko. Kung hindi niya ginusto ay bakit niya ginawa? Hindi ba't pinagtangkaan nila akong patayin dahil sa trauma nila?
BINABASA MO ANG
Breaking The Killer's Rule
General FictionCan you break the killer's rule? ... Warning : This story is unedited and I've written it years ago so expect some cringe and cliche scene, typographical and grammatical errors, and also inappropriate usage of words. [COMPLETED] COVER NOT MINE.