Chapter 31

978 46 4
                                    

Chapter 31

Him

Hindi ako makagalaw habang nanginginig na hinawakan ang kamay nina Kuya Dame at Kuya Dami. Malamig na malamig ang katawan nila at maputla ang mukha. Maraming sugat at punong-puno ng dugo ang suot nilang suit.

Nabangga ang sinasakyan nilang kotse near the cliff. Suwerte na rin na hindi sila nahulog, kundi ay mahihirapang makuha ang bangkay nila, at may possibility na sumabog ang kotse at mahihirapan silang i-identify ang katawan.

Nanlabo ang paningin ko dahil sa mga luhang patuloy na rumaragasa mula sa aking mga mata. I can't feel my surroundings anymore, ni hindi ko na marinig ang iyak ni Ate Tasha.

All I can hear is a high-pitched noise from my ear na sobrang nakakabingi.

Hinawakan ko ang pisngi ni Kuya Dame, ang gwapo pa rin niya.

"K-Kuya, b-bakit?" Halos bulong na lang sambit ko.

Inalala ko ang huling pagkikita namin. Kung alam ko lang, sana sinabi ko kung gaano ko sila kamahal kahit hindi ko sila tunay na kapatid, na hindi rin ako nagsisising napunta ako sa kanila.

Minsan man ay naiinis ako sa kanila pero mas lamang ang pagmamahal ko. Bakit ganito? Bakit nila kami iniwan? Paano kami ni Ate Tasha?

"M-Mahal na mahal ko kayo e. K-Kahit nakakainis kayo minsan, lalo ka na, Kuya Dame." Ramdam ko ang pagsakit ng lalamunan at puso ko. Sana hindi na lang ito totoo. Kung panaginip man ito ay sana magising na ako.

Ayoko ng ganitong pakiramdam. Feeling ko ay hindi na magiging katulad ang bawat araw nang wala sila. Kuya Dame is the most annoying brother, but he's also the sweetest. Si Kuya Dami naman ay strict, but I know that he cared for us. Mas matanda man si Ate Tasha pero siya na rin ang tumayong tatay namin.

May dalawang nurse na lumapit sa'min kaya't umalis na muna ako. Lilinisin na muna ang katawan nila at ibuburol na rin kinabukasan.

I looked at my brothers for the last time. They may not be the perfect brothers, but they are the best. Hindi ako nagsisising naging Kuya ko sila.

Farewell, Brothers. 'Till we meet again.

Mag-iisang linggo na simula nang mawala sila. Nailibing na rin sila sa isang private cementery. Tahimik sa bahay dahil hindi na rin masiyadong nagsasalita si Ate, unlike before na kada-makikita niya sina Kuya ay may pupunahin siya. Hindi naman niya ako pinababayaan, pero minsan ay wala siya sa bahay dahil siya ang nag-aasikaso sa kompaniya.

Simula rin noon ay hindi ko na nakita pa si Karma at sina Kuya Eren at Eros. Hindi ko man sabihin ay nalulungkot ako. Where are they? Bakit kung kailan ko sila kailangan ay saka naman sila nawala? Bakit kung kailan walang ganap ay saka sila sumusulpot?

Habang kumakain ay aksidente akong napatingin sa calendar. Ang bilis ng panahon, it's been 2 months since I met Karma. Parang kahapon lang nang pagbantaan niya ako.

Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. When he's around, I felt my heart beats so fast. Ewan ko ba kung kinakabahan ako o ano. But I feel safe when he's there, iba noong unang pagkikita pa lang namin.

Natigilan ako nang may maalala. Didn't he said that he'll kill me after 3 months? Itutuloy niya pa ba?

Napaisip ako. Naguguluhan ako pero deep inside, I know. I know that I like him. Pero siya ba, gusto niya ako? Liking him doesn't mean that he'll spare my life. A killer is still a killer, kahit utos ng mga nakatataas ang pagpatay, mamamatay tao pa rin siya.

Naalala ko rin ang sinabi niya noon, na Iris always command him to brush her hair. Hindi ba't ako si Iris? So mula bata ay magkakilala kami? Is that enough reason para hindi niya ako patayin?

Breaking The Killer's RuleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon