Chapter 17

1.8K 66 6
                                    

Chapter 17

Enemy

NAGISING ako sa isang hindi pamilyar na kuwarto. The aroma of medicine immediately filled my nostrils as i inhale deeply. Iginala ko ang mata ko at nakita ko si Kuya Dame at Dami na nag-uusap hindi kalayuan sa kama ko while Ate Tasha is asleep in the couch.

What happened? Why am i here?

Sinubukan kong gumalaw pero napadaing ako at napahawak sa bandang hita ko. Sinilip ko iyon at nanlaki ang mata ko nang may makitang benda at mantsa ng dugo doon. What the hell? Anong nangyari? Sa pagkakatanda ko ay hindi naman ako nabaril?

What about Karma? Where is he? Sabi niya susunod daw siya?

"Lara!"

Nilingon ko si Kuya Dame nang tinawag niya ako. Worried is visible in his face. He immediately come near my hospital bed and helped me get up.

"W-What happened?" Namamaos na sabi ko na parang hindi nakainom ng tubig ng isang buong taon. Ate Tasha hand me a glass of water that i immediately accept and drink, nagising pa tuloy siya.

"Kami dapat ang nagtatanong niyan. What happened?" Seryosong tanong ni Kuya Dame while Kuya Dami remained silent.

"I-I.." Inalala ko ang mga nangyari. It all started when Karma took me to a mansion near the sea, kinulong niya ako and i woke up at the middle of the night because of the loud bang.

How can i tell them? Siguradong kapag sinabi ko sa kanila 'yon ay ilalayo nila ako. Hihintayin ko pa si Karma. Sabi niya hintayin ko siya?

Bigla akong niyakap ni Kuya Dame at hinaplos ang buhok ko. Hinawakan ko ng madiin ang laylayan ng puting polo niya at pinunasan ng luhang hindi ko alam na dumadaloy na pala sa mga mata ko.

"Hush now, babe. You're safe with us." Pagpapakalma nito at patuloy na hinaplos ang buhok ko while Ate Tasha and Kuya Dami caress my hands.

Nang tumahan na ako ay hinarap nila ako. Nakakatakot ang mga tingin nila at feeling ko ay mahohotseat ako. Puwede ba ulit matulog? Timepers muna ulit? Kakagising ko lang 'di ba?

"Who the fvck shoot you?" Seryosong tanong ni Kuya Dami. Nanlaki ang mata ko at umiling-iling kaya mas lalong kumunot ang noo nila.

"Larie, huwag mong pagtakpan—"

"W-Wala akong natatandaang nabaril ako." Nakayukong saad ko. Kita ko ang pag-aalinlangan nila kung maniniwala ba sila o ano.

"K-Kasi—"

"I found some trace of chemicals in her wound, poison that's made up of hallucinogen that makes her hallucinate things and didn't noticed that she was shot."

Napalingon kaming lahat sa isang matangkad na doctor na biglang pumasok sa loob ng kuwarto. May hawak itong mga papel at nakamask kaya mata lang ang nakikita ko sa kaniya. He's kinda familiar.

"What do you mean, doc?" Biglang tanong ni Ate Tasha, maging ako ay naguguluhan rin. Bakit naman nila kailangan pa ng hallucinogen para barilin ako? Puwede namang diretso baril na, posible bang kilala ko 'yung bumaril sa'kin at ayaw niyang malaman ko kung sino siya?

"I think sinadya iyon para hindi malaman ng victim kung sino ang bumaril sa kaniya." Inilagay ni doc ang kaliwang kamat niya sa kaniyang bulsa habang hawak niya pa rin sa kanang kamay ang mga papel.

Kita ko kung paano nagtagis ang bagang nina Kuya Dame at Dami. Ngayon ko lang ulit nakitang magalit si Kuya Dame, hindi ko na halos matandaan kung bakit siya nagalit noon dahil sobrang tagal na.

Totoo nga talagang masamang magalit 'yung mga palabirong tao, or gano'n nga kaya talaga siya? What if he's just hiding his real self from us?

"Sinong huling kasama mo, Larie?" Biglang tanong naman ni Kuya Dami na ikinakaba ko. Si kuya naman nambibigla.

Breaking The Killer's RuleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon