Chapter 13
Rain
TAHIMIK ang naging buong biyahe namin. Pagkatapos ng sinabi niya kanina ay mas mabilis pa sa titan na umiwas ako ng tingin sa kaniya at ibinaling ang tingin sa bintana.
Bakit niya naman kasi sinasabi ang mga bagay na iyon?! Akala mo naman nakakatuwa siya e nakakakilig nga e—
Damn, what am i saying?!
I harshly shake my head, kulang na lang iuntog ko ang ulo ko sa dashboard para lang matigil ang pag-iisip ko.
"Are you going to stay here in my car for the rest of your life?"
Natigil ako sa pag-eemote at nilingon siya. He's looking at me with his usual expressionless face, ibang-iba sa mapaglarong ngisi niya kanina.
Hindi ko napansing nandito na pala kami sa tapat ng bahay namin. Akala ko ay dadalhin niya ako sa bahay niya, sayang nama—
Am i disappointed?! Hell no!
Napaiwas ako ng tingin at walang sabi-sabing lumabas ng kaniyang sasakyan. Napahawak agad ako sa mukha kong nag-iinit. Damn, mukhang kinikilig na naman ang mga bulate ko sa katawan.
Binuksan ko ang gate namin at saka iyon ni-lock. Naalala ko na naman na nalock ako kanina, wala man lang sumundo sa'kin kundi si Karma.
Nakasimangot akong pumasok sa loob ng bahay. Nadatnan kong nakahilata si Ate Tasha sa sofa habang si Kuya Dame naman ay nasa tabi niya at mukhang lasing nga. Si Kuya Dami naman ay nando'n din at nakatutok sa kaniyang laptop.
Lumingon sila sa'kin nang pabagsak kong isinara ang pinto.
"Larie ano ba, ipapagawa mo ba 'yang pinto kapag na—"
Hindi ko pinansin si Ate at dali-daling umakyat at pumasok sa loob ng kuwarto ko saka 'yon nilock. Hindi na rin ako nag-abalang kumain, nakakainis sila.
Porke't may kasalanan lang ako gaganunin na nila ako? Nakakainis sila, lalo na si Ate Tasha tho hindi ko magawang magalit sa kanila kasi sila 'yung nagpapakain at nagpapaaral sa'kin.
Nakasimangot pa rin ako habang nakatingin sa glowing in the dark stickers na may hugis na star at moon sa may kisame. Takot kasi ako sa dilim kaya bumili ako ng maraming ganito at nilagay ko sa paligid ng kuwarto ko. May malaki rin lamp sa tabi ng higaan ko kasi hindi ako makuntento.
Hindi pa rin ako makatulog, kahit anong puwesto ay hindi ako maging komportable. Nakakainis naman, gusto ko nang matulog!
Wala naman kaming pasok bukas dahil sabado pero gusto ko pa ring matulog. Nakakapagod kayang maglinis ng soccer field, dagdagan pang nakakaubos ng lakas ang halos mahimatay ako nang malock ako doon.
Nagulat ako nang umilaw at tumunog ang cellphone ko, may natawag.
Nang makita ko iyon ay familiar na number ang bumungad sa'kin. Hindi ko pa pala napapangalanan ang number niya, nakakalito tuloy.
Agad ko iyong sinagot at itinapat sa tenga ko habang nakatagilid.
"Bakit?" Bungad ko agad dahil hindi ko feel mag-hello or hi.
["Why are you still awake?"] Rinig na rinig ko ang baritono nitong boses na ang sarap pakinggan.
Nangunot ang noo ko sa tinanong niya.
"E ikaw, ba't buhay ka pa?" Inis na tanong ko rito. Rinig ko ang saglit na pagtawa nito kaya natigilan ako. Ramdam ko ang mga bulate ko sa tiyan na nagwawala, damn.
["You know, bad people die hard."]
Nagsalubong ang kilay ko. Hindi ba old habits, die hard iyon?
"Ewan ko sa'yong masamang damo ka, bakit ka ba tumawag?" Naiinis pa ring tanong ko. Nakakainis naman kasi siya, gabing-gabi tatawag. Hindi ba niya naisip na pagod ako dahil sa kagaguhan niyang pagtataksil—i mean pagsasabotahe sa'kin?!
BINABASA MO ANG
Breaking The Killer's Rule
General FictionCan you break the killer's rule? ... Warning : This story is unedited and I've written it years ago so expect some cringe and cliche scene, typographical and grammatical errors, and also inappropriate usage of words. [COMPLETED] COVER NOT MINE.