Chapter 10
Devil's hour
"GO TO HIS ROOM."
Muntik na akong mabulunan dahil sa sinabi ni Eren. As usual ay nandito na naman kami sa harap ng tv at nagmomovie marathon habang inuubos ang lahat ng pagkain sa kusina.
Hindi ko kasi alam kung saan ako matutulog ngayon. Sabi ni Eren ay nakasarado daw lahat ng guestrooms dito dahil wala naman daw tao at wala ring maid maliban sa guard. Kaya nga hindi siya dito natutulog kapag wala si Karma kasi wala siyang mahihigaan maliban sa sofa.
Nakakatakot tuloy kasi mukhang haunted house 'tong mansiyon niya kasi wala man lang nakatira. Kahit ibigay pa sa'kin ang ganto kagandang mansiyon na may kasamang ginto ay hindi ko tatanggapin dahil mukhang pinamamahayan na ito ng masasamang elemento, including Eren and Him.
"Siraulo ka ba? Gusto mo bang ibalibag ako no'n?" I sarcastically said as i pushed the last morsel of pizza into my mouth. Inagaw ko ang coke na akmang iinumin niya at saka iyon ininom, napapikit pa ako dahil masakit iyon sa ilong kapag nagbuburp.
"Kasalanan mo 'yon, mukha ka daw kasing kabali-balibag." Sabi nito at humalakhak ng malakas habang punong-puno pa ng pagkain ang bibig. Sinamaan ko siya ng tingin at itinulak siya, parang slow-motion na naman ang pagbagsak niya sa sahig at biglang nabulunan habang maluha-luhang binigyan ako ng masamang tingin.
Para na kaming mga baliw dito at kung sino man ang makakita sa'min ay iisiping akyat bahay kami na nakuha pang magmovie marathon pagkatapos nakawan ng pagkain ang bahay.
Hinablot niya agad sa'kin ang hawak kong baso na may lamang coke na inagaw ko rin sa kaniya at mabilis na ininom iyon.
"Baso ko 'yan!" Reklamo ko ngunit nakatanggap lang ako ng isa na namang masamang tingin habang patuloy lang sa pag-inom na kahit latak ay hinigop na.
"Baso ko 'to na inagaw mo 'no!" Banat naman nito kaya napairap na naman ako. We remain silent until the movie ended. Napahiga na ako sa sofa sa sobrang antok at hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko at kung saan ako matutulog.
Ayoko dito sa sofa ano! Baka mamaya ay magising na lang ako nang may nakatingin sa'kin.
"He told me.." Napatingin siya sa'kin nang magsalita ako. Nakakunot na ang noo niya at halatang inaantok na rin. Sinama ko kasi siya sa problema kong wala akong matutulugan kaya kahit gusto na niyang umuwi ay pinipigilan ko siya, gusto ko sanang sumama sa kaniya o kaya ihatid niya ako sa'min kaso lakad lang daw siya. Ayoko namang mapudpod paa ko dahil alam kong malayo-layo ito sa kabihasnan.
Nakakatakot kasi dito kapag mag-isa lang ako tho nandito naman si Karma but he's nowhere to be found.
"Oh?"
"H-He told me his name." I made my voice as silent as possible but enough for him to hear. Hindi ko alam kung bakit ko sinasabi sa kaniya. Wala kasi akong mapagsabihan about sa mga bagay-bagay tungkol kay Karma. Hindi naman puwede si Ingrid since iwas ako sa topic about sa killer and i'm not sure if she'll be okay once i told her that i agreed to the killer's deal.
Kita kong nalaglag ang panga niya nang marinig ang sinabi ko, like he didn't expected it. What's wrong? 'Di ba siya 'tong kunsinting-kunsinti sa'kin na okay lang na malaman ko ang pangalan niya dahil papatayin niya rin naman ako.
"W-What did he tell you?"
Huminga ako ng malalim bago tumingin sa kisame.
"K-Karma."
Rinig ko ring napabuntong hininga siya kaya napatingin ako sa kaniya. Napailing-iling ito kaya nagtatakang tiningnan ko siya.
"What?" Tanong ko rito. Nangalumbaba siya bago humikab at tumingin rin sa'kin.
BINABASA MO ANG
Breaking The Killer's Rule
General FictionCan you break the killer's rule? ... Warning : This story is unedited and I've written it years ago so expect some cringe and cliche scene, typographical and grammatical errors, and also inappropriate usage of words. [COMPLETED] COVER NOT MINE.