A/N:
HI I'M BACK! MAHABANG UPDATE PARA SA 1 MONTH NA PANGGO-GHOST KO SA INYO! NA-INSPIRE AKO SA MGA COMMENTS N'YO TAPOS NAKONSENSYA RIN HAHAHAHAHAHA THANK YOU SA PAG-IINTAY!
_
Chapter 19
Date
MASAMA ang tingin ni Karma sa hita ko na may benda. Kung hindi lang ako may tama do'n ay iisipin kong sinusulyapan niya ang legs ko at hindi ang sugat ko.
Nandito kami ngayon sa lumang building malapit sa kulungan niya dati. Wanted nga pala siya at bawal siyang magpakita sa mga officials maging sa mga estudyante.
"Damn that bastard." Rinig kong bulong nito saka kumuha ng isang stick ng sigarilyo at sinindihan ito gamit ang isang parisukat na gintong lighter na siguradong hindi biro lang ang halaga.
Nagsalubong bigla ang kilay ko. "Ha? Minumura mo ba ako?"
Sinulyapan niya ako habang humihithit ng sigarilyo at saka inirapan kaya napanganga ako. Pagkatapos ng kadramahan niya sa'kin kanina ay may gana pa siyang irapan ako?! The nerve of this damn killer!
Iritang itinaboy ko ang usok mula sa sigarilyo niya na ngayon ay lumalapit sa'kin. "Ano ba 'yan, huwag ka ngang manigarilyo sa harap ko!"
Wala siyang sinabi ngunit itinapon niya bigla sa kung saan ang sigarilyo niya at nagpagpag ng kamay saka may kinuha sa bulsa at isinubo iyon, a gum.
Marahan niya iyong nginuya, hindi katulad ng mga lalaking kaklase ko na akala mo ay kambing kung makanguya ng gum.
"Don't you miss me?" Biglang untag nito saka kunot ang noong tiningnan ako. Napako tuloy ang tingin ko sa panga niyang lalong nadepina sa bawat nguya ng gum.
Bigla akong napalunok na parang may bato sa esophagus ko. "B-Bakit naman kita mamimiss?!"
Nginisian lang ako nito. "I don't know, you tell me."
Nag-init ang tenga ko dahil sa sinabi niya. Para namang sinasabi niyang na-miss ko talaga siya! Hinahanap ko lang naman siya dahil nga kasi guilty ako! Nakakainis naman 'to e!
Inirapan ko siya para kahit paano ay mabawasan ang pagkahiya ko. "B-Bakit ka ba biglang nawala ng isang linggo?"
Iniba ko na muna ang topic dahil baka bigla akong mapatakbo dahil sa kahihiyan. Pero mali ata na nagtanong pa ako dahil mas lalong lumaki ang ngisi niya.
"So you really missed me huh?"
"H-Hindi nga e!" Pagtatanggi ko at mahigpit na napakapit sa dulo ng uniform ko. Nakakainis talaga 'to e! Sabing hindi ko siya namiss! Kapag ako nainis, hahalikan ko 'to!
Joke lang, ano ba kayo.
Mahina itong tumawa ng mga 2 seconds at balik ulit sa cold expression niya. "May mga bagay lang akong inasikaso."
Tumango-tango ako. Medyo weird ang pagtatagalog niya dahil hindi ako sanay, mas manly ang boses niya.
"E ano ba 'yong mga inasikaso mo?" Tanong ko rito at nangalumbaba. Nakaupo ako ngayon sa isang sira-sirang upuan sa likod ng abandonadong building na ito. Feeling ko tuloy ay hideout namin 'to.
Nginisian niya ako, not the usual smirk he gave me. Mas nakakakilabot, mas nakakatakot.
"You don't need to know."
AFTER our conversation, umalis na siya. Medyo nalungkot tuloy ako dahil parang 1 minute lang kami nakag-usap. Sabi niya ay hindi daw siya puwedeng magtagal. Minsan ay nararamdaman kong may nakamasid sa'kin pero hindi ko na 'yon masyadong inaalala. Maybe it's Eren or Karma.
BINABASA MO ANG
Breaking The Killer's Rule
General FictionCan you break the killer's rule? ... Warning : This story is unedited and I've written it years ago so expect some cringe and cliche scene, typographical and grammatical errors, and also inappropriate usage of words. [COMPLETED] COVER NOT MINE.