Chapter 09
Jealousy
NAPAKAMOT ako sa batok habang naguguluhan na tinanaw siya. Sumunod na lang ako sa kaniya at ni-check kung ayos pa ba 'yung binalibag niyang pinto, mukhang medyo nasira nga.
Ano ba 'yan, kapag ba mayaman kailangang manira ng gamit?
"Oh an'yare do'n?" Nakasalubong ko na naman si Eren na mukhang galing ata sa kusina at may dala na namang lata ng beer.
"Nakasinghot ng medyas."
Totoo naman e, siguro kaya biglang nag-iba 'yung mood niya ay dahil naamoy niya 'yung medyas ko. Gago siya, bakit sinabi ko bang amuyin at halikan niya 'yung medyas ko?!
Nakakainis! Nakakainis talaga kasi kinikilig ako!
Kita kong napangiwi siya at napailing-iling saka dumiretso sa harap ng tv. 'Yung totoo ano bang ganap niya sa buhay at parang lagi siyang nakaharap sa tv?
"Eren." Tawag ko sa kaniya, hindi niya ako nilingot ngunit alam kong nakikinig. I placed my chin against my cohered palms and looked at him.
"Hmm?"
"Why are you always here? Ampon ka ba niya?" Tanong ko rito at kita ko kung pa'no nangunot ang noo niya. Napanguso ako, nagtatanong lang e.
"May bahay ako ano! Kaya pa ako ampunin niyan e palamunin lang daw ako!" Ngayon ay ako naman ang humagalpak ng tawa dahil sa sinabi niya. Oh ano siya ngayon, akala niya siya lang ang marunong mang-asar ah.
"Palamunin ka lang pala e!" Asar ko rito at mas lalong napangisi nang mas lalong nagsalubong ang kilay nito. Mas lalo pa akong napatawa ngunit biglang napaubo nang batuhin niya ako ng unan, nakabuka pa naman ang bibig ko kaya feeling ko ay nakain ko pa ang mga alikabok at ang mga germs na nakadikit dito.
"Aray ko, walanghiya k—"
"Seems like you two are enjoying yourselves here in my place huh."
Napatigil ako sa pagsasalita nang marinig ko ang kaniyang buo at malamig na boses. Boiling water isn't enough to melt his cold yet hot and sexy voice.
"Hindi ah, ano namang ka-enjoy-enjoy sa ampon mo." I rolled my eyes when the pair of his heterochromic beautiful eyes land on mine. Magkasalubong ang maganda at makapal niyang kilay at wala pa ring expression ang kaniyang mukha.
Nilingon ko si Eren na masama pa rin ang tingin sa'kin kaya nginisian ko siya at nag-peace sign pangkontra ng sumpa kung sakaling ipakulam niya ako.
"Parang hindi ka rin palamunin sa inyo ah." Banat pa nito kaya agad ko rin siyang binato ng unan. Gigil niya akong tiningnan at kinuha ang mas malaking unan saka binato ulit sa'kin, hindi pa ako nakakaiwas nang tinamaan na ako sa mukha.
"Hoy, sobra ka! Binato lang kita para quits tayo!" Inis na bulyaw ko rito at akmang babatuhin na rin siya no'ng pinakamalaking unan nang bigla siyang tumakbo sa likod ni Karma kaya ang ending ay siya ang nabato ko.
Pareho kaming natigilan ni Eren at parang slow-motion na bumagsak ang unan sa sahig. I looked at Eren and i saw him holding his breath to stop himself from laughing while moving his index finger back and fourth like i did something horrible.
Kinakabahan pa ako kung lilingon ako kay Karma ngunit sa huli ay ginawa ko rin na sana pala ay hindi na lang. Kita ko kung paano niya minasahe ang kaniyang sentido na para bang konsuming-konsumi sa buhay. Ewan ko ba pero nakikita ko ang invisible vein sa noo niya na konti na lang ay puputok na at maya-maya ay masasabugan na kami.
"You'll pay for this." Ani nito sa isang matigas na boses. Para naman akong pumatay ng tao sa ginawa ko e binato ko lang naman siya ng unan. Lalo tuloy akong kinabahan, s'yempre first time niya atang mabato no'n, dapat nga masaya siya tapos magpillow fight kami kaso hindi pala 'yon ang mangyayari kundi 'fight-for-your-life' lang.
BINABASA MO ANG
Breaking The Killer's Rule
General FictionCan you break the killer's rule? ... Warning : This story is unedited and I've written it years ago so expect some cringe and cliche scene, typographical and grammatical errors, and also inappropriate usage of words. [COMPLETED] COVER NOT MINE.