A/N:
AS I'VE SAID, BAWI-BAWI NA LANG AKO! SO HEREE. MEDYO BITIN SO BUKAS NA LANG ULIT. MASAKIT NA ANG MATA KO AND I NEED TO FINISH MY MODULES ASAP. ENJOY AND HAPPY READING!
_
Chapter 16
Shot
"YOU DIE, FVCKER."
Napamulat ako nang marinig ang malamig na baritono nitong boses. My knees trembled as i struggled myself to get up. Nakita ko pa ang bangkay ng lalaking nagtangka akong barilin kanina. I looked at Karma with a teary eyes and immediately hug him.
"Nakakainis ka, kinulong-kulong mo pa ako do'n." Himutok ko sa kaniya at naiinis na hinampas siya habang nakayakap pa rin sa kaniya. Hindi naman niya ininda 'yon dahil manhid naman ito, literal na manhid.
"Hush. Stop crying, i'm sorry baby." He wrapped his hands around my waist as i felt him kissed my head. Pinunasan ko ang luha at sipong feeling ko ay naghalo na sa mukha ko, nang feeling ko ay mukha na akong maayos ay hinarap ko siya.
"What's happening?" Tanong ko rito. Agad naman itong sumeryoso dahil sa tinanong ko. Napahawak na naman ako sa leeg ko nang bahagya itong kumirot. Kita kong nangunot ang noo nito at nagsalubong ang kilay.
"What the hell happened to you?" Malamig nitong tanong bago idinampi ang mahahaba niyang daliri sa sugat ko. Napadaing ako na ikinagusot ng mukha niya.
"Who the fvck did this?" Seryoso at mahinahon lang ang boses niya pero alam kong kumukulo na ang dugo niya. May kinuha siya sa bulsa niya at inilagay sa leeg ko, it's a handkerchief.
Bigla siyang lumingon sa likod ko at itinaas ang hawak niyang baril bago iyon pinaputok. Nang lingunin ko iyon ay nakasalampak na ang lalaking kanina lang ay humahabol sa'kin. Duguan ito at kita ko ang dugo niya na bumabaha sa sahig.
Naputol ang titig ko rito nang bigla na naman akong hilahin ni Karma. Nilingon ko ang seryoso niyang magagandang mga mata. Diretso lang siyang nakatingin sa daan habang pinagbababaril ang mga nakaharang sa'min.
I don't know but i'm not scared. Siguro dahil nandito naman siya, e kanina nga halos mahimatay ako dahil doon sa lalaking humahabol sa'kin.
Nang makarating kami sa gate ay marahas niya akong binitawan at itinulak. Wala akong panahon para magreklamo at murahin siya kaya tiningnan ko lang siya na ngayon ay seryosong nakamasid sa paligid.
"W-What's happening?" Tanong ko ulit dito. Ibinalik niya ang malamig at seryoso niyang tingin sa'kin saka inilabas ang baril niya.
"You need to get out of this damn place." Seryoso nitong sabi sa'kin at patuloy na binaril ang mga lalaking lumalapit sa puwesto namin.
"B-Baki—"
"Damn it, just follow what i've said!" Galit nitong sabi saka ibinalik sa'kin ang nagbabaga nitong mga mata.
Umiling ako habang nangingilid na naman ang luha. Is he commanding me to leave this place without him?! Hell, no!
"A-Ayoko—" Marahas niyang hinawakan ang braso ko at kinaladkas ako sa labas ng gate pagkatapos ay itinulak ako sa daan.
Nagulat ako nang bigla niya akong tutukan ng baril.
"Get the hell out of my sight before i shoot you to death."
Tuloy-tuloy lang sa pag-agos ang luha ko habang nakatingin sa kaniya. Nanginig ang lamang loob ko nang bigla niyang paputukan ang kalsada tabi ko.
Tumayo ako at umatras sa kaniya. Pinunasan ko ang mata at pisngi ko bago tumalikod at tumakbo palayo sa kaniya. Ngunit hindi pa ako nakakailang hakbang nang kusa na namang bumalik sa kaniya at yumakap.
BINABASA MO ANG
Breaking The Killer's Rule
General FictionCan you break the killer's rule? ... Warning : This story is unedited and I've written it years ago so expect some cringe and cliche scene, typographical and grammatical errors, and also inappropriate usage of words. [COMPLETED] COVER NOT MINE.