ᜃᜊᜈᜆ IX

241 23 0
                                    

At nang sumikat ang araw, ay bumalik si Prinsipe Soham sa palasyo ng hari. At nang sa pagpasok niya sa kanyang silid-tulugan ay kanyang namataan doon si Prinsesa Adila na nakatulog sa kanyang makaharing kama sa kahihintay nito sa kanya.

Lumapit ang prinsipe, at siya'y naupo sa giliran ng kama habang malugod nitong pinagmamasdan ang mukha ng prinsesa. At ang prinsesa ay unti-unting namulat.

"Kuya," sambit ng prinsesa. At bahagyang hinaplos ng prinsipe ang buhok ng prinsesa.

"Matulog ka pa, mahal kong kapatid," nakangiting saad ni Prinsipe Soham. At hinawakan ng prinsesa ang kamay ng prinsipe.

"Kuya, maaari bang, tabihan mo 'ko sa'king pagtulog; tulad noong mga bata pa tayo," wika ng prinsesa.

At nakangiting itinango ng prinsipe ang kanyang ulo sa prinsesa, at ito'y kanyang tinabihan sa pagtulog. Yumakap ang prinsesa sa prinsipe, at kapwa nilang ipinikit ang kanilang mga mata.

Samantala, sa tanggapan ni Reyna Mandara kung saan sila ng punong ministro ay kapwa nag-uusap.

"Punong Ministro, nais kong utusan mong muli ang aking mga kawal na dumako naman sa iba't ibang pamilihan upang bilhin ang lahat ng natitira pa nilang bigas," wika ng reyna.

"Masusunod, mahal kong reyna," saad ng punong ministro. At siya'y lumabas mula sa tanggapan ng reyna.

At sa labas ng palasyo kung saan limampu't apat na kawal ang mga nangagsilakad habang kanilang hila-hila ang mga bagon na paglalagyan ng mga bigas.

Samantala, sa silid ni Prinsipe Soham kung saan si Prinsesa Adila ay nakaupo sa giliran ng kama habang kanyang pinagmamasdan ang natutulog na prinsipe.

"Kuya, patawarin mo sana 'ko sa panghihimasok ko sa'yong buhay," wika ng prinsesa sa kanyang isipan. At siya'y lumabas mula sa silid ng prinsipe.

Samantala, sa pamilihan ng Kiapo kung saan si Agilan ay labis na nangangamba hinggil sa pagtumal ng kanilang benta.

"Hay nako, magmula nang nagkaroon ng kakulangan sa bigas, naging matumal na rin ang ating benta sa mga pampalasa. Halos lahat ng mamimili rito puro bigas na ang hanap," wika ni Agilan kay Lakan na malalim ang iniisip. "anak, nakikinig ka ba sa sinasabi ko?"

At tumingin si Lakan sa kanyang ama, at sumagot ito nang,

"Opo, mga bigas ang kailangan nating ibenta upang kumita."

"Saan pa tayo makakahanap ng bigas ngayong pinapakyaw na ito ng mga maginoo?"

"Sa Dai Viet," (Bansang Vietnam sa kasalukuyan)

"D-Dai Viet ba kamo?"

"Opo."

"Anak, saan naman tayo kukuha ng puhunan para makabili ng mga bigas sa Dai Viet?"

At kinuha ni Lakan ang isang baul sa ilalim ng tulungtúngan, at kanya itong ipinatong sa ibabaw niyaon. At ito nga'y kanyang binuksan, at kanyang binilang ang mga tanso at bakal.

"Dalawampung piraso ng bakal at limang piraso ng pilak. Ito na lamang pala ang natitira sa'tin."

At isinara ni Agilan ang baul, at kanya itong kinuha mula kay Lakan.

"Masyadong maliit ang halagang ito upang makabili ng mga bigas," wika ni Agilan.

At mula sa hindi kalayuang lugar sa pamilihan kung saan si Prinsesa Adila ay nakatingin sa mag-amang Agilan at Lakan. At siya'y lakas loob na lumapit sa mga ito. At nang siya'y makalapit, ay kapwa napatingin sina Lakan at Agilan sa kanya. At nagagalak na wika ni Agilan sa prinsesa,

The Great LakanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon