ᜃᜊᜈᜆ XXI

227 15 0
                                    

At ang kawal na yaon, ay agad na bumalik sa dampa ni Datu Gaman. At sa tanggapan nito, kung saan ang kawal, ay nag-ulat hinggil sa kanyang natuklasan. Ang sabi,

“Mahal na Datu, nagtungo ang Mahal na Prinsesa sa Templo ni Sitan.”

“At ano ang ginawa ni Adila ro'n?”

Kinausap po niya si Koronel Arminus, saad ng kawal, kung kaya't ang datu, ay napaisip hinggil sa kung anong pinag-usapan ng prinsesa at ng koronel.

Samantala, sa palasyo ng hari, sa silid ni Prinsesa Hulan, kung saan siya'y hindi makapili sa mga kasuutang nangakahilera sa ibabaw ng kanyang kama.

Alin kaya sa mga 'to ang susuotin ko?” tanong niya sa kanyang sarili. “Dapat lubos na maakit sa'kin ang heneral.”

At kanyang pinili ang salungsusong kulay lila, at ang mahabang pang-ibaba.

“Ito! Ito ang aking isusuot, 'tiyak kong maaakit na sa'kin dito ang heneral!” wika niya, na may pagkagalak.

At sa labas ng tarangkahan sa Hilagang-Silangan, kung saan naroon sa tabi ng kabayo si Heneral Manus, nakatindig, na labis ang pagkainip dahil sa kahihintay sa prinsesa.

Napakatagal naman ng babaeng 'yon! Akala ba niya hindi ako abalang tao?!” wika nito, na labis ang pagkapoot.

At siya'y lumapit sa isang bantay na kawal sa tarangkahan. At kanyang sinabi rito,

“Tawagin mo si Hulan sa kanyang silid, sabihin mo, kapag hindi pa rin siya lumabas sa loob ng sampung minuto, hindi na matutuloy ang lakad namin!”

“Masusunod po heneral!”

At ang kawal na inutusan ng heneral, ay dali-daliang tumungo sa silid ng prinsesa. Siya'y tumawag mula sa labas ng silid nito, ang sabi,

“Mahal na prinsesa, nais ko lamang pong ipabatid sa inyo na kanina pa naghihintay sa inyo ang heneral sa labas ng tarangkahan sa Hilagang-Silangan, pinasasabi po niya sa inyo, na kapag hindi pa raw po kayo lumabas, ay hindi na matutuloy ang inyong lakad.”

At binuksan ng prinsesa ang pinto ng kanyang silid, at nang makita ng kawal ang katawan niyang iyag o kaakit-akit dahil sa salungsusong suot-suot nito, ay napatulala ang kawal.

“Ano, maganda ba ang aking kasuutan?” tanong ng prinsesa, “sa tingin mo ba, maaakit na sa'kin ang heneral?!”

“Kahit na sino naman po yatang lalaki ang makakita sa inyo na ganyan ang kasuutan, ay lubhang maaakit.”

“Talaga?! Ibig sabihin, maaakit na sa'kin ang heneral, at mapagnanasahan niya na rin ako, hanggang sa siya na ang magmakaawa't humiling na sipingan ko siya!” wika ng prinsesa, na labis ang pagkagalak, at siya'y dali-daliang lumabas mula sa kanyang silid.

At sinabi ng kawal sa kanyang sarili,

“Sa pagkakatanda ko, ang Mahal na Prinsipe Soham ang mapapangasawa ng prinsesa, hindi ang heneral.”

At sa pagdating ng prinsesa sa tagpuan nila ng heneral, ay nagtanong ang heneral sa kanya, na tila nagagalit.

“Bakit ganyan ang suot mo?!”

“Bakit, hindi ba maganda? Sinuot ko talaga 'to upang maakit ka,” saad ng prinsesa.

“Palitan mo 'yang suot mo,” wika ng heneral, “mukha kang magbebenta ng aliw.”

The Great LakanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon